Chapter 10

3.6K 86 8
                                    

We Got Married

Chapter 10

Kakadating ko lang sa dorm, sobrang tahimik. Hinatid lang ako ni Thomas at umalis na rin agad siya para makipag-usap sa team mates niya.

Dumiretso ako sa kwarto namin. Nandun lahat ng WVT. Sobrang tahimik nila. Hindi to normal.

Tumabi ako kay Cienne, niyakap ko siya at ramdam ko agad na unti unti ng nababasa ang t-shirt ko.

"Cienne.." Hinahaplos ko lang ang likod niya.

"Guys, nagtext si Camille." Napatingin kami lahat kay Motherf.

"Anong sabi?" Tanong ni Kim.

"Hindi daw muna siya uuwi, pupunta daw siya sa Batangas, excuse na daw siya."

"Sino daw kasama?" Tanong pa ni Kim. Hala sige Kim, itodo mo na.

"Si Avo.." Mahinang sabi ni Mother f pero parang bomba na sumabog yun sa buong dorm.

Napayukom ang mga kamay ni Cienne. Pumunta na siya sa kama niya at nagtaklob ng kumot. Nakatingin lang kaming lahat, Camille at Van? Imposible!

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Cams.

"Cams, let's talk, i'll call you." Sabi ko. Nag-ok naman siya.

"Cams?" ilang ring pa lang ay sinagot na niya.

"A-ara?" Mukhang kakagaling niya lang sa pag-iyak.

"Cams, please i-explain mo sa akin. Naguguluhan ako." Frustrated na sagot ko. Hindi ko na alam.

"It's not what you think, Ara. Wala kaming relasyon, it's just that hindi pa ngayon ang tamang oras para malaman niyo."

"Cams, matagal na tayong magkakakilala, please sabihin mo na."

"I'll tell you, soon. Basta wag kayong magdududa kasi wala talaga. Pakialagaan muna si Cienne, babalik ako next next week."

"Ano 2 weeks pa?"

"Basta! Alam kong matalino ka, mahuhulaan mo yan. Bye na!" At pinatay na niya ang tawag. Anong meron?

"Daughterf, sinong kausap mo?"

"Si Cams po."

"Anong sabi?"

"2 weeks pa daw siya uuwi, ano bang meron next next week?" Kakadugo naman ng utak 'tong si Camille e.

"Ano bang date next next week?"

"August 6?"

"Hoy! Bakit niyo pinaguusapan anniversary ni Cienne at Van?" Singit ni Kim.

Nanlaki ang mata namin ni Motherf! Omg!

To: Bully Cams

Alam ko na. We'll help you. ;)

**

"Cienne naman, kumain ka na." Kanina pa namin pinipilit si Cienne.

"Ayoko nga kasi." Ang arte naman ng bruha.

"Arte mong bruha ka, ako kakain nito e." Kim.

"Akin na nga." Natawa na lang kami, pakipot pa kasi e.

"So, nagtext ba si Cams sayo?" Go Kim. Itanong mo ang hindi namin kayang itanong sa kanya!

"Hindi." Maikli niyang sagot. Kainis naman, bakit ang tagal ng 2 weeks?

"Edi ikaw una magtext?"

"Ako na nasaktan? Ako pa maga-approach?"

"Hindi dahil siya ang may kasalanan, siya na ang mag-aapproach. Minsan kailangan lang nating babaan ang pride, para maayos agad."

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon