Chapter 7

4.6K 106 8
                                    

We Got Married

Chapter 7

"Grabe nakakapagod." Kakatapos lang ng training. Nasa gym pa kami, medyo maaga mag-3 p.m. pa lang.

"May nagtetraining ba na hindi napapagod?" -Kim

"Alam mo Kim, abot dito yung amoy mo. Maligo ka na."

"Nahiya naman katawan ko sa'yo Ara."

"Nahihiya rin kulay ko sa'yo Kim." Natatawa na lang mga ka-team mates ko.

"Napakabully mo. Lamang lang ako ng isang tan sa'yo." Sabi pa niya.

"TAN-tanan mo ako ha. Nako."

"Waley dyan ka na nga." Sabay alis. Taray.

"Palagi na lang kayong nagbubullyhan. Daily routine guys?" Ate Moks.

"Diba halata?" Sagot ni Cienne.

"Oh chill." Ang init ng ulo ah.

"Cienne, tara dun!" Turo ko sa isang bench.

"Why?" Kinindatan ko lang siya. Alam niya na yun.

"Spill." Sabi ko agad pagdating namin dun.

"Ha?" Pagmamaang-maangan niya.

"C'mon Cienne. Araw araw na tayong magkasama, sa akin ka pa ba maglilihim?"

"Hindi lahat ng problema kailangang malaman ng iba, yung iba kailangan na lang itago para hindi na makasama."

"Ha?"

"Ara!!" Napalingon ako. Anong ginagawa ng bansot na 'to dito?

Oo binubully ko na siya ngayon, kung ano anong sinasabi sa akin. Napaka-awkward.

"Ano?!" Sagot ko sa kanya.

"Ang taray, parang di ko asawa." Literal na poker face na lang ako. Feel na feel niya e, kahiya naman sa kanya.

Bigla niya namang hinawakan ang pisngi ko at binanat.

"Smile." Sabi niya habang nakaharap at ang laki ng ngiti sa akin. Feeling endorser ng toothpaste.

"Aray ko. Masakit!" Sabi ko at hinampas yung kamay niya. Ang kapal na nga ng magaganda kong labi pati ba naman pisngi ko gusto rin niyang pakapalin?

"Aray! Ara!" Sigaw niya. May narinig naman akong tawa.

"Hoy Cienne. Anong tinatawa tawa mo dyan?" Pagtataray ko sa kanya.

"Wala. Tingnan mo kamay ng asawa mo, parang kinagat ng bee. Sobrang pula feeling ko mamamaga yan. Gawin ba daw bola yung kamay." Sabi pa niya at nag-smirk.

Napatingin naman ako kay Thomas. Nakahawak pa rin siya sa kamay niya at nakabusangot ang mukha.

"Huy okay ka lang?"

"Mukha ba akong okay? Ikaw kaya gawin kong bola, tapos yung pangbasketball. Tapos ishoshoot kita dito sa puso ko?"

"Ewwww. Yakkk. Thomas you're so disgusting." Oa na sigaw ni Cienne. Hahaha.

"Bitter, palibhasa wala si--"

"Ano sige ituloy, ako hahampas sa'yo." Tinaas na lang ni Thomas yung kamay niya.

"Chill. Hindi ko pa nga nasasabi na si AVO yun e." Napatawa ako lalo ang tanga ni Thom.

"Thomas!!" Sigaw ni Cienne. Agad napatayo si Thomas at tumakbo.

"Mrs. Torres! 6 p.m. MOA! See you later." Tapos nagflying kiss at tumakbo na.

"Sasama ako sa'yo mamaya. Babatukan ko yang si Thomas." Tumawa na lang ako. Mga baliw talaga.

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon