Chapter 14

3.5K 74 10
                                    

We Got Married

Chapter 14

**

5 am sharp, umalis kami ng dorm. Medyo madilim pa, inaasahan ko na si Thomas ang sasalubong sa akin pero kahit anino niya hindi ko man lang makita.

"Guys, ngayon uwi nila Cams diba? Bakit wala pa siya dito?" Tanong ni Cienne, medyo awkward pa daw sila ni Cams pero okay naman na daw.

"Ewan ko. Baka papunta pa lang." Maang kong sagot kahit na alam ko naman na may surprise talaga sila Cams kay Cienne. Hay, masaya 'to.

Dalawang Van ang gamit namin. Yung isa para sa aming lady spikers at ang isa para sa green archers. + Kiefer at yung nililigawan ni Jeron. Naiinis nga ako, imbyerna sarap paguntugin ng dalawa.

Nung nagkita kita kasi silang apat kanina, halatang halata mo na sobrang fake. Yung tingin pa ni Jeron kay Kiefer parang mangangain. Kaya dito namin pinasakay si Kiefer at sa kabila yung girl daw ni Jeron.

1 hour and a half daw ang byahe kaya nagsitulog yung iba. Ako, tinatadtad ko ng text si Thomas. Kainis, ano? 1 month na kami, tapos 1 week lang ata yung bonding moments namin.

Dahil hindi talaga siya nagrereply, nagtwitter na lang ako.

Scroll lang ako ng scroll, nagbabasa din ako ng tweets ng mga fans ng may mag-mention sa akin.

M.A. mentioned you

@VSGalang Hi Queen. I miss you.

Halos mapatalon ako sa upuan ko.

"Hoy Ara, anong nangyayare sayo? Nakakagulat ka naman." Nagising si Cienne na katabi ko. Umiling lang ako. Tinago ko na ulit phone ko. Hindi to pwede.

**

Nakarating kami sa Tagaytay bago mag-7 pm.

"Ang lamig." Yup. August na kasi kaya malamig, buti na lang cancelled yung game ng basketball kasi daw bumabagyo. Tapos kami nasa labas, gumagala. Matinde. 

"Guys, pahinga muna kayo tapos baba kayo ng 10 pm." Sabi ni Motherf. Nasa isang rest house kami, 3 floors. Tiglilima na kwarto bawat floor at may tatlong cr. Pinaghati-hati kami. 

"So ganito yung formation. Tig-dalawa sa isang kwarto. Ang magkakasama ay si Ara and Mika, si Kim at Moks, then si Cienne mag-isa." Kinindatan ako ni Motherf kaya alam ko na agad. 

"Talaga? Mag-isa ako? Wow, donya naman pala ako dito e." Proud na proud na sabi niya.

"Oh, talaga? Baka mamaya kaya ka mag-isa dun, e may iba ka palang creature na kasama." Pananakot ni Kim. Halata namang natakot si Cienne kaya nagtawanan kami. Baliw talaga itong si Kim. 

"Then, ako at si Mich. Tapos mag-isa din yung kadate ni Jeron." Napairap kaimng lahat sa huling sinabi ni Motherf. Kahit ayaw namin dito yung babae, wala naman kaming magagawa. 

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon