Chapter 12

3.4K 76 7
                                    

We Got Married

Chapter 12

M.I.A. SI THOMAS

"Ara! Please. Ang aga aga tumahimik ka naman." Hindi ko pinansin si Kim at tuloy tuloy lang ako sa pagkanta.

"Ganyan na ba ang naidudulot ng pagkamiss sa isang Thomas Christopher Torres?" Tiningnan ko lang siya ng masama at humiga na lang ulit. 5 days na since umalis siya.

Araw-araw tinatanong ko siya kung saan ba siya pumunta pero ayaw niya talagang sagutin. Naaasar na nga ako minsan kaya hindi ko na siya kinakausap pero ako pa rin ang unang nagaapproach kasi bakit ba ako maiinis, wala naman akong karapatan.

"Guys! Kakain na daw!" Bumaba na kami isa isa. Tiningnan ko muna yung puzzle na idinikit ko sa dingding. Ang cute talaga.

"Ara, hindi yan mawawala. Please lang." Hinila na ako ni Mika at bumaba na nga kami.

Dumiretso ako sa ref.

"Oy! Nasaan yung chocnut ko?!" Sigaw ko, pagbukas nawala na lang dun.

"Kinain ko." Parang wala lang na sabi ni Cienne.

"Kinain mo?!" Para namang nagulat siya.

"Oo. Natakam ako e. Bakit ba? Ibibili na lang kita mamaya."

"Ugh! Cienne, bakit mo ba kinain?!" Sigaw ko ulit.

"Ibibili na nga kita mamaya kahit isang box pa."

"Hindi kasi yun! Naman e!" Nagdadabog na ako.

"Bakit ba?!" Sumigaw na rin siya.

"Oh guys, anong nangyayare dyan?" Biglang sulpot nila ate Moks.

"Eto kasing si Ara, ang OA. Kinain ko lang naman yung chocnut e." Pagpapaliwanag ni Cienne.

"Oh yun naman-- teka, yun ba yung bigay ni Thomas?" Parang nag-sink in bigla kay Ate Moks.

Tumango ako at malala pa yata sila sa akin.

"Ciennang, bakit mo kinain? Alam mo bang maya't maya niyang sinasabi sa amin na wag yun kainin."

"Hala ka Cienne! Magtago ka na bilis!"

"Cienne, 5 days na yan sa ref."

Pananakot nila kay Cienne, para namang natakot siya kaya tumakbo na sa kwarto.

"Motherf, Ate Moks, Ate Mich, yung chocnut ko!!"

**

Nakaupo lang ako sa kama ko, naiisip ko pa rin yung chocnut. Kung kinain ko kaya agad yun, edi sana naging mas memorable.

Nawala naman agad bigla si Cienne na parang bula. Kainis makatakas lang ganun?

"Huy Daks, nagmumukmok ka dyan?"

Umiling lang ako.

Naiinis pa rin ako, maghahapon na kaya, wala pa ring text ang lalaking yun. Asawa niya ako please. Kaasar.

"Thomas yan 'no?" Hindi ko na lang siya sinagot. Kulit talaga e.

"Huy kausapin mo naman ako." Tumabi na siya sa akin.

"Tsk. Wala 'to. E ikaw? Kamusta naman?" Sinegway ko na lang yung kwento, baka maasar ako ng tuluyan kay Thomas at makagawa ako ng masama.

"Ewan ko. Naguguluhan ako, Daks. Alam mo yung masaya naman ako pero yung saya walang wala sa naranasan ko dati." Pagpapaliwanag niya sa akin.

"Bakit naman? Diba sabi mo mahal mo? Panindigan mo yan." Paninisi ko sa kanya. Mahal mahal, di na nadala.

"Tsk. Crush ko naman talaga yang si Kiefer dati kaso nga lang, mas ma-appeal talaga yung hari e."

"Hari, hari mo mukha mo. May bago na yung reyna." Nagulat naman siya.

"Ano?! Sino?"

"Secret, diba sabi mo hindi mo na mahal." Napatigil naman siya.

"O-oo nga."

"Ah. So, ayaw mo ng malaman?" Pang-aasar ko pa lalo.

"Ah! Ara naman e. Oo na sige na! Di pa ako nakakamove-on. Sabihin mo na." May pinindot ako sa phone ko. Ngiting tagumpay!

"Edi umamin ka rin! Tsk tsk, Mika. Wala PA naman siyang bago, pero kung papagong-pagong ka diyan mauunahan ka na."

"What do you mean?"

"Slow ha! May nililigawan na si Jeron." Para siyang naestatwa.

"S-sino?" Umiling lang ako. Taste your own medicine, Mika. Hindi mo alam naramdaman ni Jeron dati. Tsk tsk.

Bumaba na ako at kumuha ng makakain sa ref.

Kailangan kong i-divert ang atensyon ko sa pagkain baka kasi talaga magwala ako.

To: Hubby THOM

So, walang paramdaman? Ano 'to, lokohan?

Text ko sa kanya.

Naiinis na talaga ako, kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko. Hindi ko nga alam kung bakit siya umalis e.

Naghintay ako. 1,2,3,4,5 minutes, wala pa rin?!

"Ugh!" Sigaw ko. Second time niya na 'to. Kung nung una may hint pa ako, ngayon wala na. Paano kung nagsawa na siya sa akin. Gosh!

"Hoy Ara, mag-usap nga tayo." Sabi ni Kim sabay akbay sa akin.

"Ano namang pag-uusapan natin?"

"Anong nararamdaman mo kay Thomas?" Parang hinila ng kung ano ang dila ko.

Parang nag-flashback lahat ng pinagsamahan namin, two weeks ago.

Yung tampuhan, kulitan, harutan, kasweetan.

Parang kinabahan ako, ang bilis ng tibok nung bagay na yun sa dibdib ko.

"H-ha?" Tanging naisagot ko sa kanya.

"May gusto ka na ba sa kanya?" Ulit parang may nagkakarerahang mga Thomara fans sa dibdib ko na parang feeling ko anytime lalabas na sila.

"I--" naputol yung sasabihin ko ng may biglang kumatok.

Pumunta ako sa may pinto at may mail man. Taray, uso pa?

"Ano pong kailangan nila?"

"Nandyan po ba si Mrs. Torres?" Feeling ko namula ako, bigtime!

"A-ako po yun." Parang nabigla naman siya pero nakarecover naman agad.

"Akala ko hindi totoo na may asawa na yung iniidolo ng anak ko, pero totoo pala talaga." Namula tuloy ako lalo. Peke lang naman 'to e. Grabe!

"A-h hehe. Ano po ba yan?"

"Ah. May nagpadeliver ho sa inyo." Sabi niya at may ibinigay na box. Medyo may kalakihan pero sakto lang, parang yung box ng donut.

"Ah. Salamat po." Pinapirma lang niya ako at umalis na rin agad.

Umupo na ulit ako sa tabi ni Kim.

"Ano yan?" Chismosa talaga.

"Ewan." Binuksan ko na at may nahulog na isang sulat.

Hi Wifey,

Cienne told me that you're upset because she ate your chocnut. Cheer up, wag ka ng magalit sa kanya. Sorry kung minsan di ako nakakapagtext, or tawag. And eto yung dahilan kung bakit di ako nakapag-text sa'yo ngayon. Bumili pa kasi ako. ;) and I'm Quite busy kasi may ginagawa. And dinala ko rin yung mga paper works ko dito. So, sana wag kang magtatampo and please cheer up kapag nabuksan mo na yung package. I miss you so much! Take care, okay?

- Hubby

Dali dali kong binuksan yung package and as in sobrang laki ng ngiti ko.

Chocnut!

"O ano, gusto mo ba?" Tanong ni Kim. Lumingon ako sa kanya.

"Gustong gusto."

**

Short UD. I'm just craving for chocnut. Hahaha. :D

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon