Chapter 19 - A week with HIM

3K 61 3
                                    

We Got Married

Chapter 19

**

"Boyfriend mo ako? Girlfriend kita?" Paulit ulit na tanong sa akin ni Thomas ng makaalis si Arra dito sa kwarto niya. Hindi ko siya sinasagot, nahihiya ako. Nadala lang naman ako ng malalandi kong hormones na hindi naman normal sa akin. Nag-iba ka na, Ara.

"Tsk. Bakit pa ba ako nagtatanong e asawa naman na kita." Nilingon ko siya at tinaas baba niya lang ang kilay niya. Napakapresko talaga ng aura niya, ganun, nabalian lang humangin na. Bakit ulo ba natamaan sa kanya?

Tumahimik na lang siya at napahinga na ako ng maluwag kasi hindi ko na matake ang mga sinasabi niya. Baka lalong magwala ang mga hormones ko at hindi ko na mapigilan.

Tweet. Tweet. Tweet. Tweet. Tweet.

Sunod sunod ang tunog ng cellphone ko. Natuwa naman ako kasi sobrang tahimik dito sa kwarto, parang kanina kanina lang kasi nag-aasaran pa kami ng lalaking 'to, tapos ngayon di na ako pinapansin. Binuksan ko ang phone ko at nauponsa couch na nasa kwarto.

Thomas Torres mentioned you

Yan ang bumungad sa akin at ang mga sari-saring comments ng iba't ibang Thomara fanpages. Ano na naman kayang pinagsasasabi nitong si Thomas?

Can you please tweet @VSGalang and tell her to notice me? :( (Nasa isang room lang kami guys, but she's treating me like i'm not with her right now.) :(

At sunod sunod na mentions at reply ang natanggap ko galing sa team mates ko at team mates niya.

"@cienneycruzz: Ang arte mo, @VSGalang. Pansinin mo na yan, mamaya sugudin ka dyan ni Darla kasi hindi mo pinapainom ng milk, este pinapansin pala. @iamthomastorres"

"@abymaraño: @cienneycruz @vsgalang @iamthomastorres truelabelles! Hahaha. Arte kasi niyan, pademure di naman bagay. Peace daughterf!"

"@mikareyesss: @abymaraño @cienneycruz @vsgalang @iamthomastorres binubully niyo na naman yan. Sige ituloy niyo lang."

"@jeronteng: @mikareyesss Ang sama mo talaga Miks."

"@mikareyesss: @jeronteng who u?"

"@kimfajardooo: @jeronteng @mikareyesss BOOM BASAG."

"@mikareyesss: @kimfajardooo shattap!"

Napakahaba pa ng conversation at natawa naman ako kahit puro pambubully ang alam nila. Wala e, ganun na sila e. Pero ang sweet ng jemik, muling ibalik. Hahaha.

Isa namang instagram notification ang nagpop-out sa phone ko.

Binuksan ko yun at nakita ko ang picture ko habang nakangiti.

Ang caption?

iamthomastorres : Look, she's smiling now because of your tweets. Pero di niya pa rin ako pinapansin.

Tumayo ako at pinuntahan siya. Ano pang gagawin niya kaya? Ipopost ang kaartehan ko sa youtube? Hay nako.

Tinabihan ko siya at kinurot ko ang binti.

"Ow." Namimilipit yung mukha niya pero di siya umaaray.

"Ikaw, ang dami mong pasakalye, hindi mo ako makukuha sa ganyan ha. Halimaw man ako sa court, binibing pilipina pa rin ako kaya--" Pinutol niya ang sinasabi ko. Bastos na bata.

"Alam ko naman yun, e kasi naman wala tayo ngayon sa labas." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Anong connect na naman?

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon