Chapter 21

2.4K 68 6
                                    

Girls Girls Girls

Ara's POV

"Nasa kwarto ako ngayon. Nakatulala. Natatakot na baka matapos ang lahat..." Basa ko sa pocket book na hawak ko. Minsan talaga lahat na lang ng bagay na mababasa o makikita mo tumutugma sa'yo. Feeler ba talaga kapag truly, madly, deeply, inlove?

"Ara. What a sight?! Magbihis ka na, may training daw sabi ni Coach." Sabi ni Kim na nagtuloy tuloy na pumasok sa banyo. Argh. Paanong nagka-training e wala namang sinasabi. Kaasar. Sarap na ng pahinga e. Wala e, student athlete e. Tinago ko na ang pocket book na binabasa ko at kumuha ng t-shirt at training shorts. Nasa labas ako ng banyo at naghihintay na lumabas ang prinsesa. Kinuha ko muna ang phone para mag-check ng twitter ng bigla itong mag-vibrate. May nag-message.

From: Hubby

Wifey. Wifey. Wifey.

Text niya. Napangiti ako pero bigla lang rin nabura ng may bumulong sakin.

"37 days left. Tic toc." Panggagaya ni Kim kay Scheduler. 37 days... Para akong nabato. Kaya ko ba? Pero bakit ba kailangan naming putulin kung pwede namang ituloy?

Naputol ang pag-iisip ko ng batuhin ako ng kung ano ni Kim. Ang sama ng tingin niya sa akin.

"Magbibihis ka ba o bibihisan kita? Maligo ka na! Mapapagalitan na naman tayo ni coach. Alam mo naman yun, sobra sobrang training na nga binibigay tapos may dagdag pa paglate ka, tapos plus kapag tatamad tamad ka tapos may kasunod pa na..." Pumasok na ako sa banyo at hindi na hinintay pa ang mga susunod na sasabihin niya, nakareserve na para kaya coach ang tenga ko. Nakareserve para sa mga sermon at sigaw niya. Brrr

Sa awa ng Diyos, dumating kami on time pero hindi ko naman alam na kailangan pala ng water boy dito.

"Thom! Tubig naman o!" Sigaw nila Kim kay Thomas. Oo. Ang walangyang pilay, pilay na nga inaabuso pa, nandito sa gym nanonood at nagpapakadakilang water boy.

Lumapit ako sa kanya at ako ang naghagis kay Kim ng bote ng tubig. Tiningnan ko siya habang nakahawak ako sa bewang ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya.

"Water boy. Boring kasi sa dorm, di rin naman ako pwede mag-laro." Tinaas niya pa yung binti niya. Tumabi ako sa kanya at binigyan niya na ako ng tubig na bukas na. Sweet

"Tss. Sarap buhay nga e, dorm lang tapos marami pang time para mag-aral. Edi sana nag-review ka na lang." Sagot ko sa kanya. Ako nga nakakandarapa sa pag-aayos ng magulo kong sched tapos siya nagpapaka-water boy. Tsh

"Nagsalita ang dean's lister. Tsk. Alam mo namang average lang utak ko, di katulad mo. Tsaka, konting aral lang, solve na." Inirapan ko lang siya. Average? Matalino kaya yan. Pa-humble pa. Iniwan ko na siya at bumalik na sa practice.

5 pm ng matapos ang training. Grabe, may abs pa yata ako kesa dito kay Thomas. At si Thomas, pinanindigan talaga at ang mga team mates ko. Ayun, abusado. Talagang inutusan nila ng inutusan si Thomas. Ano bang mahirap intindihin sa pilay?!

Nag-shower lang ako at lumabas na. Nasa labas si Thomas at hinihintay ako.

"Dinner?" Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Paano? May driver ka ba?" Tanong ko. Sinong magda-drive? Di ako marunong. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Commute. Jeep tayo." Sagot niya.

"Gusto mo bang pagkaguluhan tayo?" Tanong ko sa kanya. Nasa tabi niya lang ako, baka kasi biglang ma-out of balance naku sayang.

"Wow. Artista? Sikat? Haha. Hayaan mo na, minsan lang naman. Tsaka mababait at open-minded naman yung mga yun, nakikita naman nila kalagayan ko kaya siguro naman kakalma sila kahit nakabalandra yung kagwapuhan ko." Napairap na lang ako. Ganito ba talaga mga lalaki? Ograbe. Hindi ko matake.

"Oo na lang. Kunware naniniwala ako. Nye nye." Sagot ko at inalalayan na lang siyang maglakad.

Nakarating naman kami ng matiwasay sa mall ng walang nangyayari maliban lang sa jeep na hindi makaupo ng ayos ang disabled na to.

"Saan tayo?" Tanong niya sa akin.

"Upo muna tayo. Baka pagod ka na e." Sagot ko sa kanya. Baka mabinat siya at baka di  kaagad gumaling, lagot ako sa coach nila pag nagkataon.

"Sus. Ang girlfriend ko. Malakas kaya 'to." Sabi niya ng nakangiti. Aminin ko man o hindi, nakakalaglag talaga ng undergarments yung ngiti niya. Iba e, may sparks.

"Ows? Kaya pala napilay ang malakas daw." Pang-aasar ko, ngumiti lang siya. Hindi yata nauubos kasiyahan niya e.

"Tayo na nga!" Sabi ko sa kanya. Baka maglupasay ako dahil sa mga ngiti nyang ganyan. Mahirap na, mahirap ng magpigil.

"Matagal ng tayo." Sabi niya ng nakangisi.

"Oo nga no. Tapusin na natin?" Pang-aasar ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Eto na nga o, tatayo na." Nginitian ko siya. Mamimilosopo pa e. Naglalakad kami papuntang elevator ng may tumawag kay Thomas.

"Thomy!" Napalingon kaming dalawa. Umasim yung mukha ko ng makita ko yung kagrupo niya sa chemistry.

"Arrs! What are you doing here?" Masayang tanong ni Thomas sa "Arrs" daw. Wow ha? Arrs, whatever. Atleast, wifey sa akin.

"I'll buy a new book sana. Ikaw?" Tanong pabalik nung Arrs. Errr.

"Ah. Lumabas lang kami nito. Si Ara." Nito? Ara?

"Ah. Hi, ako si Arra." Nakalahad yung kamay niya pero hindi ko tinanggap btch ng kung btch atleast hindi plastik.

"Sorry, basa kasi kamay ko. Natapunan nung tubig, well, sige, Ara nga pala." Sinadya kong pisilin ang hawak kong water bottle para umawas ang tubig atsaka ako nakipagshakehands.

Parang nandiri siya at mabilis na kinuha yung kamay niya napangisi na lang ako, ipinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Thomas.

"Oh paano, THOMAS, aalis na ako. May kasama ka naman na e. Bye." Tinanggal ko ang kamay ko sa balikat niya at alam kong bumakat ang kamay ko dun dahil basa ito, pero may mas babasa pa ba sa mukha ko? Sa mukha ko na puno ng luha na hindi ko na pala napigilan?

Napatawa na lang ako? Bakit ako umiiyak? Tinawag niya lang naman ako na Ara na dapat Wifey, at pinakilala niya ako biglang isang "hindi ko rin alam" na definition na dapat ay girlfriend. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil di ko man lang naipaglaban kung ano talaga kaming dalawa. Bwisit.

Ang daming nagtitinginan sa akin. Sinabi ko na nga bang masama ang pumunta sa mga lugar na matao e, sinabi na nga bang pagkakaguluhan ako.

"Si Ate Ara yun diba?"

"Lapit tayo?"

"No. Nagtweet sila ate Mika na wag daw natin iistorbohin si ate Ara habang nasa mall ito."

Napatungo ako grabe kung sana wala ako sa itsurang to, nakipagpicture na ako sa kanila, pero wala e. Hindi ko kaya.

Naglalakad ako na parang na sa isang music video, buti na lang walang nakakahalatang tao na umiiyak ako. At buti na lang tumigil na rin ang luha ko. Naglalakad lang ng may marinig akong hinihingal na tumatawag sa pangalan ko.

"Ara.. Ara.. Wait.." Tumigil ako pero hindi ako lumingon. Tangina! Ara na naman? Manhid ba talaga siya?

"Ara..." Alam kong nasa likod ko na siya pero di pa rin ako lumilingon. Dalawang words lang Thomas, dalawa lang! Tapos na, wala na, okay na, di na ako galit, mahal na ulit kita. Dalawang words lang, dalawa.

Narinig kong ibinaba niya ang saklay niya sht matutumba siya, lilingon na sana ako ng may yumakap sa akin.

"Sorry Wifey."

**

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon