Chapter 17

3.1K 70 8
                                    

We Got Married

Chpater 17

Hindi natuloy ang pagtetrain daw namin ni Mika kay Jane dahil umurong ang mga baby teeth niya ng makaharap na niya si Jeron.

Flashback

"Thomas Torres, ang boy seloso ng De La Salle University." Sabi ni Kib. Bigla naman siyang binitawan ni Thomas at umalis ng pulang pula ang mukha.

"Lakas din ng trip mo ano?" Nginitian niya lang ako tapos tumabi na naman sa akin pero may space na.

"Ara, may boyfriend ba si Camille at Cienne?" Tanong bigla ni Kib. Umiling lang ako kahit di ko alam ang real score between Camille-Avo-Cienne, kasi hanggang ngayon wala pa rin silang paliwanag sa mga kaganapan lately.

"Eh.. Ah... Uhm..." Parang hindi niya mailabas yung dapat niyang ilabas sa ginagawa niya. Hindi rin makatingin sa akin.

"Hoy. Anong problema mo? Crush mo si Cienne no?" Pang-aasar ko sa kanya. Umiling lang siya.

"Eh sino?" Tiningnan niya ako ng matalim sa mata at parang kusang nagets ng utak ko yung gusto niyang sabihin.

"Talaga crush mo si---!!!" Tinakpan niya yung bibig ko at pulang pulang tumango. Gusto ko ng sumigaw pero ang laki ng kamay niya. Grabe ha!

Feeling ki mag-vaviolet na yung mukha ko ng bitawan niya yung mukha ko. Huminga ako ng malalim at marahan siyang sinakal.

"May balak ka bang patayin ako ha?" Asar na tanong ko sa kanya. Nakalimutan ko tuloy yung pang-aasar ko sa kanya at napalitan ng pagka-badtrip. Langya, iba talaga mga kamay ng mga basketball player, buong mukha mo sakop e.

"Sorry. Uhm kasi ikaw lang talaga yung may alam tsaka hindi pa naman confirmed." Inirapan ko lang siya, para siyang bakla pabulong bulong pa.

"Ara, lumayo ka ng konti kay Montalbo kapag ako hindi nakapagtimpi." Nagulat ako kasi nasa likod na naman pala namin si Thomas. Umusod ako dun sa kabilang gilid at bigla naman siyang tumabi sa akin. At umakbay.

"Yung totoo? May HD ka ba sa mga chinito?" Asar asar niyang tanong sa akin. Haha.

"Oo. Yung first crush ko chinito tapos naging crush ko din si Jeron, chinito rin, tapos yung bestfriend ko chinito din tapos y--"

"Yung hubby mo, yung asawa mo, yung mahal mo, gwapong chinito." Napairap na lang ako at siniko ko na lang siya sa tiyan.

"Yuck hoy! Dun nga kayo." Asar na asar na sabi ni Mika.

"O, Mika! Anong problema, bitter na naman? Akala ko ba kayo ni Kiefer?" Siniko ko ulit siya.

"What?" Asar na tanong niya. Tiningnan ko lang siya at akmang sasagot na pero naunahan ako ni Mika.

"Break na kami. Sila na ulit ni Trinca." Nagulat si Thomas. Napayuko siya at parang hiyang hiya sa mga sinasabi niya. Hinug ko siya at pinat sa ulo.

"Okay lang yan." Sabi ko at lalo pa siyang yumuko.

"Huy! Di naman galit sayo si Mika." Bulong ko malapit sa tenga niya.

"Uy..." Pangungulit ko pa. Namumula yung tenga niya kaya parang na-alarm ako, iiyak pa yata.

"Hu--"

"Ara, please, kapag di ka lumayo ng konti baka mahalikan kita ng wala sa oras." Nagulat ako at napabitaw sa pagkakayakap sa kanya. Feeling ko yung pagkapula ng mukha niya napunta lahat sa mukha ko. Lumayo rin ako kasi baka ako yung gumawa ng sinabi niya. Joke.

"Hoy Kib! Nasaan ba si Jeron?" Pagtatanong ni Mika. Kami ni Thomas awkward pa rin pero nakaakbay na ulit siya at nilalaro ng left hand niya yung left hand ko.

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon