Chapter 22

2.5K 56 12
                                    

We Got Married

Chapter 22

Sungit

Note: Sobrang mais, baka di niyo ma-take. Di ko na masama yung mga games, di kasi ako nauupdate atsaka di ko alam kung paano.

Ara's POV

Trending Worldwide

Kathniel Undying Sweetness
Thomara
Sorry Wifey
SM Mall Of Asia
Arra

Basa ng teammates ko habang nasa sala kami ni Thomas. Bati na ba kami? Ewan ko.

"Ehe-ehem. "Sorry Wifey", wala bang "Okay lang, Hubby?" Kanya kanyang hiyawan at asaran ang mga teammates ko. Binato ko sila ng throw pillow at Napatungo na lang ako, feeling ko wala akong energy at hindi ko sila mabara.

Napalingon naman ako kay Thomas na hindi mapakali ang mukha, kinurot ko ang tagiliran niya dahil umaandar na naman ang pagka-nega ko.

"Hindi maipinta yang mukha mo. Nagui-guilty ka ba dahil iniwan mo yung 'Arrs' mo, magisa?" Pabulong na tanong ko sa kanya, tama lang para marinig niya.

"H-hindi.. Ar-- Wifey, pwedeng pakitaas ng binti ko?" Namumula na yung mukha niya at parang sobrang sakit ng nararamdaman niya. Tumayo naman agad ako at itinaas yung binti niya sa center table. Dahil kunwareng nurse ako tinanggal ko yung benda nung paa niya and parang naguilty, hindi naguilty talaga ako at parang gusto kong iuuntog ang ulo ko sa pader dahil sobrang namamaga yung binti niya. Tumakbo ba naman, ng nakasaklay, para habulin ako. Ang tanga mo Ara. Dakila ka.

Napatingin ako sa kanya, naka tingin siya sa kisame para itago yung sakit na narararamdaman niya. Sht. Nag-dial agad ako at tinawagan ko si Axel.

"Ax, pwede bang pakisundo si Thomas dito?"

"Uh. Sure. May nangyare ba?"

"Sobrang namamaga kasi yung binti niya, di ko alam gagawin ko."

Naluluha na ako pero pinipigilan ko. Malayo yan sa bituka, sobrang layo. Hindi yan mamatay. Rant ko sa utak ko. Kaya mo yan, Thomas.

Bumalik ako sa tabi niya maya maya pa ay dumating na si Axel.

"O, Axel. Napadaan ka?" Tanong nila Mika.

"Susunduin ko si Thomas."

"Ha? Bakit? Di ba makakauwi?" Tanong pa ulit nila at ngayon lang at sila naging aware sa mga nangyayare. Napatingin sila sa binti ni Thomas at nanlaki ang mga mata nila.

"Oh sht, Thomas! What happened?"

"Lagot. Bininat nung isa dyan."

"Pahabulin ba naman. Ang layo layo na e."

Sinamaan ko sila ng tingin.

"Ax, sorry di na ako makakasama sa paghatid sa kanya may class pa kasi ako bukas. Pakitext or tawagan na lang ako kung saan siya dadalhin." Tumango si Axel at itinayo na si Thomas. Nung nasa gate na kami tumigil si Thomas.

"Wifey.. I'm really sorry. I've been so insensitive. You know it isn't my intention, right? You know you're the only girl, here (sabay turo sa ulo) and here. (sa dibdib). No another Ara or Arra can replace you in my heart. Remember that, okay? Goodnight Wifey. I love you."

Sinabi niya yan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Niyakap ko lang siya at niyakap niya rin ako, alam niyang hindi ko siya bibitawan.

"I'm sorry. May mali din ako. I love you too."

"Ehem. May bukas pa. Tayo na nga, nakakabitter kayo." Panira ni Axel. Napatawa na lang ako. Ipinasok siya ni Axel sa kotse at nagpaalam na sila. Inintay ko silang makaalis. Papasok na sana ako ng marinig ko na naman sila.

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon