Chapter 11

3.5K 74 11
                                    

We Got Married

Chapter 11

"Good Morning Ara! Catch!" Masayang bati sa akin ni Kim at may hinagis sa akin. Puzzle. Ha?

"Ano 'to?"

"Puzzle. Bulag lang?" Sinimangutan ko lang siya. Isang piece lang siya nag parang isang picture. Tiningnan ko yung likod at may nakalagay.

"To?" Ano 'to?

"Ara, ligo na! Malelelate na tayo." Tumayo na ako at tumuloy sa cr. Napatingin ako sa salamin at may nakalagay na isang sticky note na may kasamang isa pang puzzle piece?

"I am really-" basa ko pa. Pinagdikit ko yun at yung isa pa pero hindi naman magkasukat. Tumuloy na lang ako sa pagligo. Ang weird ng feeling.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Napatingin ako sa phone ko, bigla kasing tumunog.

Pero bago ko tingnan ay may nakalagay na naman na puzzle pieces. Pieces, kasi dalawa.

Isinama ko na lang ito dun sa dalawa pa at binasa ko na yung message.

"Arabells! Baba na." Text ni Mika. Yung totoo?

Nakatingin lang silang lahat sa aki habang pababa ako.

"Tinitingin tingin niyo? Ganda ko ba masyado?" Napaismid silang lahat.

"Taas ng pangarap natin Ara. Di mareach."

"Che." Maganda naman ako diba? Diba? Lol.

Mabilis lang ako kumain kasi malapit na yung first class ko. Half day lang classes ko.

"Mika! Tara na." Tawag ko kay Mika. Tumayo na siya at sumunod sa akin.

"Ara, Mika, sakay na." Napatingin kami sa tumawag sa amin.

"Kuya Bolick!/Fatherf!"

"Tara na?"

"Si motherf?"

"Mamaya na lang daw siya. Gusto daw akong masolo." Tapos nagwink. May bigla namang bumato sa kanya ng sapatos.

"Ang kapal naman. Alis na nga shoo!" Natawa na lang kami. Ang cute talaga ni Ate Aby at Kuya Bolick.

"Bakit mo pala kami sinundo?"

"Trip lang." Umirap na lang ako. Halata namang may tinatago.

"Ara. May nakalagay pala dito sa front seat. Pakikuha na lang." May maliit na box nga dun kaya kinuha ko.

"Puzzle pieces na naman?" Nasabi ko kasi ano ba naman to?

Ngumiti lang silang dalawa sa akin na para bang kinikilig. Poker face lang ako.

"Nandito na pala tayo. Ingat kayo!" Nagbabye na kami at tumuloy na sa classroom.

"Oh Daks, see you later! Ingat." Magkaiba kami ng klase. Pagdating ko sa classroom nakatingin silang lahat sa akin. Maganda ba talaga ako ngayong araw?

Dumiretso na lang ako sa upuan ko ng may mapansin ako. Nagmadali ako kasi may nakita akong nakapatong sa desk ko.

"Exclusively for Mrs. Victonara Galang-Torres." Nakalagay sa isang papel na may kasamang dalawang chocnut at maliit na color green na balloon.

Napansin ko na may nakasingit pa doon. Dalawang puzzle pieces na magkadikit. Tiningnan ko at dalawang pares ng mga mata ang nakalagay doon at sa likod ay may Mr. & Mrs. na nakalagay. Dahil sa nakita ko parang gusto kong mahanap agad lahat ng pieces.

Dumating na ang prof ko kaya natigil ang pag-iisip ko.

Every subject nadadagdagan ang mga pieces na hawak ko. Yung iba bagay ng mga profs tapos yun iba galing sa ibang player ng MBT.

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon