Chapter 24

1.1K 23 0
                                    

We Got Married

Chapter 24

Oops...

**

Ara's POV

Papunta na ako sa gym ngayon, tinext ako ni FatherF at sinabi niya sa akin na nasa gym ang buong team.

May dala akong donuts, peace offering para kay Thomas. I admit it, may mali ako. Sorry na, babae lang. Nagseselos, nasasaktan.

Habang papasok ako sa gym sigaw agad ni coach ang naririnig ko.

"Thomas, hindi ba't sinabi ng doctor na 'wag kang magpapagod? Ano itong nabalitaan ko sa twitter na hinabol mo pa si Galang sa kalagayan mong yan?!" Nung marinig ko pa lang pangalan ni Thomas natakot na agad ako.

"Sorry coach..."

"Sorry? Sabi sayo wag kang magpapagod, hindi ka si Superman at lalong hindi ka si Justin Bieber--" Narinig ko ang tawanan nila. Corny ni coach, nahawa lang kina Cams?

"Shh! Thomas, alam ko at alam mo na fake marriage lang 'to, bakit parang totoo na? Alam ko na pwede kayong magkatuluyan pero naiisip mo ba na magtatagal kayo kung kahit konting disiplina sa sarili wala kayo? Pareho kayong athlete, may mga pangalan kayong inaalagaan. Role models, kung tawagin. Hindi ko kayo pinagbabawalan pero sana hindi yan makasama sa inyong dalawa."

Dahil sa sinabi ni Coach, napaisip ako. Tama nga siya. To think na nasa public place pa kami nung nag-away at may injury pa siya.

Napabuntong hininga na lang ako, gusto ko ng umuwi pero hindi ugali ng isang atleta ang takbuhan ang responsibilities niya. May kasalanan ako, kaya dapat mag-sorry ako.

Cinompose ko ang sarili ko at naglakad papunta kay Coach. Kaya mo yan, Galang! Galang nga diba?

"Good Morning, Coach!" Nagtinginan silang lahat sa akin.

"Great timing, Ms. Galang or should I say, Mrs. Torres?" Nag-yiee silang lahat. Para namang di pa sila sanay.

"Coach naman. Ah, may dala po ako sa inyo." Sorry hubby, next time na lang yung sa'yo.

Inabot ko kay coach yung donut na para sana kay Thomas.

"Para saan 'to?" Tanong niya.

"Peace offering po. Alam ko po na malaki po ang pagkakamali ko at alam kong ang unang step para maitama yun ay ang humingi ng tawad. Sorry po talaga, Coach. Di na po mauulit."

"Sorry?" Ayan na naman si Coach

"Is it too late now to say sorry?" Tanong ko.

"'Cause I'm missing more than just my hubby." Tuloy ni Jeron. Wow, bilis ha!

"Yeah yeah..." Talaga naman. Hahaha

"Quiet! Kayo talaga, magbihis na nga kayo. At ikaw Ms. Galang, pinapatawad na kita. Basta wag ng uulitin at ikaw naman Thomas, alam kong di ito para sa akin pero sa akin na lang. Magpahinga ka na. See you tomorrow!"

"Bye coach!" Sabay naming sabi at umalis na rin si coach. Kami na lang dalawa ni Thomas. Umupo ako sa tabi niya.

Awkward...

"H-hi." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko, hihilahin ko sana kaso mas lalo niyang hinigpitan.

"Ahm, ayoko na sanang sabihin pa 'to kasi naririndi na rin ako pero, sorry talaga. Alam mo na babae lang ako, nagseselos din. Kahit alam naman na walang karapatan. Sorry talaga."

"Sinong may sabing wala kang karapatan?" Tanong niya and i can sense hurt from his voice.

"Thomas--" he cut me.

"Hubby." Demanding masyado ha.

"Oo na. Hubby, alam natin na fake lang 'to diba? May katapusan parang alphabet, nagsimula tayo sa A at magtatapos tayo sa Z." Sabi ko. Mas lalo niyang hinawakan ang kamay ko, mas mahigpit.

"Kaya nga ako humingi ng permission para ligawan ka diba? Kaya nga naging tayo diba? Wifey, please. Don't make this hard for the two of us. We both know that we love each other, why can't we just continue what we have started and forget the contract that says we have to end this relationship. Come on, Wifey. I love you. I love you so much." Halos maiyak na si Thomas at pati na rin ako.

Gusto kong umoo. Kung ako yung masusunod gusto ko na rin kalimutan yang contract na yan. Pero may sabit, at ang hirap lang sabihin sa kanya. Paano ko ba sisimulan kung ako man din hindi ko rin alam kung paano nagsimula?

**
Pauwi na ako ngayon, akala ko magkaka-ayos na kami ni Thomas pero hindi pa din pala.

Akala ko masasabi ko na rin sa kanya lahat e, hindi pa din pala. Nakakainis, naasar ako sa sarili ko. Duwag pa rin ako, sobra.

"Huy Ara!" May umakbay sa'kin. Si Jeron, naligaw ata 'to?

"Uy! Kamusta?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo? Kamusta?" Tanong niya. Nginitian ko lang siya. Kamusta nga ba ako?

"Eto, may tinatago pa rin. Duwag pa rin." Ngumiti siya sakin bago ako inakbayan, wow, feeling close. Parang di sinaktan bestfriend ko ha!

"Alam mo kasi, Ara. Kung gusto mo na magtagal kayo, maging honest. Alam mo ba sabi nila bago ka pumasok sa isang relasyon dapat honest ka. Dapat lahat ng sikreto mo, masabi mo sa kanya. Yan kasi talaga yung dahilan kung bakit parating nasisira ang isang relasyon." Ngumiti siya ng mapait at tumingin sa langit. Pinipigalan niyang umiyak.

"Alam ko naman yun, pero kasi di ko alam kung saan at paano ko sisimulan." Malungkot kong sabi sa kanya.

"Alam ko kung paano mo sisimulan." Sabi niya pa.

"Paano?"

"Simulan mong ikwento sakin." Masaya niyang sabi.

"Baliw ka ba? Sa boyfriend ko nga di ko masabi, sa'yo pa kaya?"

"Nabaliw pa. Haha. Hindi, kasi kaya ka nahihirapan kasi may nararamdaman ka sa kanya at takot ka na baka kapag sinabi mo sa kanya ang totoo ay iwanan ka. Kapag sakin mo naman sinabi, hindi ako mawawala, maiintindihan pa kita." Naka-thumbs up niya pa nasabi. Bakit nga ba hindi? 

"Oo na sige na. Pero hindi ko kasi talaga alam kung saan ko sisimulan e." 

"Simulan mo dun sa part na pinakanatatakot kang i-share, para smooth na lang yung kwento. Game?" 

"Okay. Game." 

Narration...

To be continued...

Long time no see! I missed you guys! 


We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon