Chapter 23

3.2K 81 13
                                    

We Got Married

Chapter 23

Note: C O R N Y 😭😂

Mad

Ara's POV 

Natauhan lang ata ako ng maamoy ko ang sarili ko. Bagoong with mango shake.

"Ara, okay ka lang ba?" Tanong sakin ng kambal. Gusto kong isigaw sa kanila na asarin na lang nila ako. Ayoko ng ganito, ayoko ng kinakaawaan.

"Oo naman. Mabaho lang yung damit ko ano. Ano ba naman, punta muna ako sa locker." Nagkatinginan sila na para bang nag-uusap usap sila gamit ang mga mata nila.

Umalis na ako. Wag kang iiyak. Wag kang iiyak. Pero, hindi e. Wala tumulo na. Wow, mas masarap pa atang maspikan sa mukha (facial) kaysa mapahiya ng ganoon. Pumunta agad ako at nagpalit white shirt. Palabas na sana ako ng may tumawag sa akin.

"Ara! Wait up! Wifey!!" Hindi naman mabilis ang paglalakad ko pero bakit di niya agad ako maabutan? Ganoon ba talaga kalayo ang mundo naming dalawa?

Pero dahil tanga ako, kusang tumigil ang mga paa ko at hinintay ang pagdating niya pero instead na siya ang makita ko, si Myco ang nakita. Instead na iwasan ko siya, niyakap ko na lang siya. Narinig kong napatigil ang paglalakad ni Thomas pero nakayakap pa rin ako kay Myco. Tawagin na nilang gumaganti ako, oo yun ang totoo.

Gusto kong kumalas pero gusto ko ring gumanti. Masakit kasi e, kailangan ba talagang dalawang Torres ang wawasak sakin?

"Queen." Matamis na sabi ni Myco. Alam kong nakangisi siya pero bago pa ako makaalis sa yakap ko sa kanya may humila na sa akin.

"Galang!" Nanlilisik yung mga mata niya, so siya pa ang may ganang magalit ngayon?

"Torres." Sagot ko dito. Nagsukatan kami ng tingin. Bakit siya ang nagagalit, siya 'tong dinalaw ng mga magulang niya, pinuntahan ng ibang 'Arra' at sinabihang hindi ako ang gusto para sa kanya. Naramdaman ko na lang na nagmomoist na yung dulo ng mga mata ko kaya tumalikod na ako.

"Tsaka na lang tayo mag-usap, kapag kaya ko ng makinig, kapag kaya mo ng ipaliwanag. Kapag kaya mo ng sabihin sa akin lahat, lahat ng sikreto mo." Naglakad na ako at masakit kasi hindi man niya lang ako sinundan. Sige na, may pilay siya pero mahirap ba talaga? Napatingala na lang ako, lecheng luha 'to. Patak ng patak!

"Daks.." Naramdaman ko na lang na may matangkad na nakayakap sa akin. Namiss ko siya, yung bestfriend ko na hindi ko na rin napapansin dahil sa pagkabusy ko sa "boyfriend ko".

"Daks.." Sagot ko dito, niyakap niya lang ako ng mas mahigpit. Walang pakealam kung nasa corridor man kami o pinagtitinginan ng mga tao. I just need a shoulder to cry on, at alam kong siya lang ang kailangan ko. Hindi ko rin kayang mag-open up sa ibang team mates ko, i find it awkward.

Matapos ng iyakan session namin, di muna kami pumasok. Oo na masamang mag-cutting, pero minsan lang naman. Lalo na kapag kailangan. Nagpunta lang kami sa canteen, katamad pero mas lalong ayaw ko munang pumasok kasi di rin naman ako makakapag-concentrate. Hayy

"Daks. Galit ka ba kay Thomas?" Sabi niya habang umiinom ng Gatorade. Napatingin ako sa kanya. Ako? Galit?

"Galit? Hindi naman ako galit. Di naman kasalanan ni Thomas na ayaw ako ng parents niya sa kanya, naiinis lang ako na sa ganda ko na 'to, tinanggihan pa a- ARAY!" Binatukan ba naman ako.

"Gaga! Ano nga! Ang ayos ayos kong magtanong e." Inirapan ko lang siya. Sinong di magagalit kapag napahiya ka sa harap ng maraming tao?! Kapag inayawan ka ng magulang ng taong mahal mo?!

"Sino ba namang di magagalit? Pero sabi ko nga, hindi naman yun kasalanan ni Thomas. Galit lang ako kasi yun yung nangingibabaw sakin ngayon e. 1 month na nga lang.." Napabuntong hininga ako. Kaasar.

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon