💛💛💛💛💛💛💛💛
I don't believe in love at first sight but I believe in meeting someone for the first time and knowing they're going to change your life.
—unknown
KC POV
On the way ako sa office na pinag aaplayan ko. Pumila ako para kumuha ng form para sa exam daw namen. Pagkakuha ko ng form dumiretso ako sa mga upuan na para sa mga nag aaply, Nang mapalingon ako sa isang lalaki na nakatitig sa akin, lumingon pa ako sa likuran ko baka Kase nagkakamali lang ako ng tingin, ng ibalik ko ang tingin sa lalaki ay naka ngiti na sya sa akin, it means ako talaga ang tinitignan nya. Kumunot ang noo Ko, pumunta ako sa kinauupuan n'ya at tumayo, tinaasan ng kilay at inirapan ko sabay upo sa bakanteng upuan sa harapan ng lalaki. Akala n'ya madadala n'ya ako sa pangitingiti n'ya! No way! Hindi ko na pinansin ung lalaki tinuon ko ang buong atensyon ko sa pag sagot nung form. Ng matapos ako, hindi ko na nilingon ung lalaki sa likuran ko, dumiretso ako dun babaeng nag bigay ng form kanina.
"Miss ito na po.. salamat! Kailan ko malalaman kong tanggap na ako?"
"Tatawagan ka na Lang namen miss?"Tinignan nya ung form na binigay ko sa Kanya at binasa ang aking pangalan
"Miss Katherine Cassandra Ira Bermudez" Ngumiti ako At umalis na...
———————————
Ralph POV
Papunta ako ngayon sa office nung pinag aaplayan ko. Sakay ng motor ko na regalo sa akin ng mama ko noong last year birthday ko. Nasa ibang bansa kase ang mama ko, may sarili na rin syang pamilya dun. kahit Hindi naman ako mag work ay ok Lang dahil Kaya naman ako suportahan ng mama ko pero para sa akin mas maganda pa rin ung May sariling kita. Bukod sa pag babanda ko.
Nang makarating ako sa office na inaplayan ko Ay agad ako pumila para kumuha ng form. Exam daw yun para sa mga applicant. Ng makuha ko ang form, agad ako umupo sa mga upuan na nakalaan sa mga applicant. Sa bandang likuran ako umupo para makita ko kung sino sino ang papasok.Maya maya Lang ay May isang babaeng dumating! Maganda, Medyo chubby,morena, in short type ko sya! Napangiti ako sa aking isip At nakagat Ang hawak na ballpen na nakatitig sa babaeng nakatayo mukhang naghahanap din s'ya ng upuan. Napagawi sa akin ang tingin nung babae, kaya nagkatitigan kame, sabay lingon sa likod n'ya sinisigurado n'ya siguro kung sa kanya ako nakatingin. Kaya napangiti ako sakto naman na tumingin s'ya ulit kaya nakita n'ya akong nakangiti sa kanya. Mukhang nagalit ung babae dahil lumakad papunta sa akin. Tumigil s'ya sa harapan ko tinaasan ako ng kilay at inirapan. Pag katapos umupo sa harapan ako. Ang sungit naibulong ko. Itinuloy ko ang pag sagot sa form, pero maya't maya ay tinitignan ko ang babae sa harapan ko. Mukhang tapos na s'ya kaya tumayo Na at dumiretso dun sa babaeng nagbigay ng form sa amin kanina. Mukhang may tinatanong pa s'ya at ngumiti pag ka sagot ng babaeng nagbigay ng exam.
Maya maya ay tumayo na rin ako at pinasa ang ang form, Pag labas ng Building luminga linga ako, hinahanap ang magandang babaeng chubby "asan na yun ang bilis naman mag lakad" nung hindi ko makita ang aking hinahanap tumuloy na ako Sa parking at pinaandar na ang aking motor.
———————
KC POV
"Kamusta pag aaplay mo?" Ang mama ko
"Ok lang Ma tawag na lang dw sila"
"Ate! Ano may work ka na?" Tanong ng kapatid ko na si Myca.
"Wala pa eh"
"Ok lang yan ate alam ko naman na matatanggap ka diyan sa mga inaplayan mo"
"Sana nga" malungkot na sagot ko.
Hindi kase ako sanay na natetengga sa bahay parang feeling ko pag nasa bahay lang ako ay mag magkakasakit ako. Kaya kahit katatapos lang ng contract ko sa dati ko work ay naghanap na kagad ako.
"Ma Akyat muna ako sa room ko. Napagod ako kakalakad kanina" paalam ko sa mama ko
"Hindi ka muna ba mag dinner?"
"Hindi na Ma busog pa namam ako"
Dumiretso ako sa room at pasalampak na nahiga sa kama naka tingin sa kisame at nag iisip Kung kailan ako matatanggap sa work.
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko.
From honey:❤️
hon nasa bahay ka na ba?? Matulog ka na! Wag ka na masyado magpuyat.. gnyt hon! I love You...😘" Message ng boyfriend ko na si Francisco Salazar
"ok hon! Tulog na rin po aq its A Long tiring day today... gnyt! I love You hon..😘" reply ko sa message ng boyfriend ko.
Matagal tagal na rin ang relasyon namen ni Francis manager ko sya sa dati ko work. Pero hindi ko pa s'ya pinakakilala kay mama. masyado pa kame bc sa mga career namen Kaya Hindi rin namen naisipan na ipakikilala ang isa't isa sa family namen. Basta masaya naman kame ng ganito message, calls minsan lumalabas pag may time. Pag wala eh di wala. Tawag tawag na Lang sa cellphone.
Pagka tabi ng cellphone ko sa Side table. Naalala ko yung isang mayabang na lalaki nakasabay ko mag apply kanina, akala mo naman gwapo kung Makatitig sa akin. Usap ko sa sarili ko, gwapo naman s'ya! Sabi ng isang isip ko. Oo nga gwapo rin s'ya. Pag sang ayon ko sa sarili ko.Tumayo na ako para maligo at makapag pahinga na.
Ralph POV
Pag karating sa bahay dumiretso ako sa refrigerator at kumuha ng isang bote ng beer, kinuha ko rin ang gitara ko tumipa tipa practice na rin para sa sunod namen na gig this weekends.
Ganito ang buhay ko sa araw araw, wala na kase ako kasama sa buhay mag isa na lang ako dito sa Pilipinas pinasusunod ako ng mama ko sa ibang bansa para dun na manirahan ngunit hindi ko nakikita ang sarili ko sa ibang bansa hindi ko ata kakayanin dun kaya kahit anong kulit ng mama ko na sumunod na ako sa kanya doon dahil wala naman ako kasama dito ay hindi n'ya talaga ako mapilit.
Habang nag titipa ako ng gitara naisip ko ung mukha ng babaeng nakita ko kanina at para akong siraulo na ngumingiti mag Isa ng maalala ko ang kanyang mukha, tinaasan ako Ng kilay at inirapan pa. Ang sungit nung babae na Un sayang maganda pa naman, sana magkita ulit kame sabi ko sa isip ko.
Pagkatapos ng 2 bote ng beer dinalaw na ako ng antok ko... dumiretso na ako sa Bathroom at naligo para makatulog na. Naalala ko na May practice pala kame bukas ng bandmates ko dun sa bahay nung vocalist namen na si Ivan.
Pagkalabas ng bathroom ay naka receive ako ng message galing sa Girlfriend ko na si Rhodalyn Galvez.
"Hi bahay ka na? How's your day?? Miss you... 😘"
Binasa ko lang at Hindi nag reply. Nag bihis na ako At nahiga.
BINABASA MO ANG
right love at the wrong time.
RomanceMasyado ng maraming naganap sa buhay ni KC naloko, nasaktan, ginamit lahat na ata ng masasakit na salitang mula sa pag ibig Ay naranasan nya. Hanggang kailan nya kakayanin ang sakit na dulot ng pag ibig. Kakayanin nya pa kayang umibig pang muli Kung...