Chapter 5: Hired

6 0 0
                                    

KC POV

Nagising ako sa ring ng cellphone ko Hindi naka register ang number na tumatawag naisip ko baka isa sa mga Inaplayan ko kaya sinagot ko kagad.

"Hello"

"Yes hello can I speak to Ms. Katherine Cassandra Ira Bermudez"

"Speaking... may I know who's on the line?"

"Mam were calling from MEGALAB your hired na po kailangan nyo po mag report tomorrow morning around 9am sa Office para sa mga requirements" Nawala ang antok ko pagkasabi nung babae sa kabilang linya, napatayo na rin ako ng tuluyan.

"Ok po maraming salamat"

Tapos na ako makipag usap ngunit nakatulala pa rin ako sa kawalan. May work  na ako. Agad Akong bumaba para ibalita sa mama ko ang magandang balita.

"Ma! Ma! Ma!" Sigaw ko sa buong bahay

"Ano ba KC ang aga aga napaka ingay mo"

"Ma may work na po ako" sabay yakap sa aking mama.

"Talaga?!? Eh di mabuti kailan ka daw mag uumpisa?"

"Pinapapunta po ako bukas sa Office nila para sa nga requirements"

"Congrats anak"

"Thanks ma"

"Oh sya maligo ka na para maka pag breakfast na tayo daanan mo na rin si myca sa room nya At May pasok pa yun."

"Ok ma"

Dumaan muna ako sa kwarto ni Myca para gisingin, baka ma late pa sa pag pasok ang isang yun! bago bumalik Sa sarili kong kwarto.

——————————-

Ralph POV

Nagising ako sa ring ng cellphone ko.. Hindi ko muna pinansin baka si Rhodz Lang namam ang tumatawag. Pero hindi tumigil sa pag ring ang cellphone ko kaya inabot ko sa side table at tinignan gamit ang isang dilat na mata ang screen ng cellphone ko. Unknown number... sino toh??? Hindi ko sinagot ang tawag At nilagay sa ilalim ng unan upang Hindi ko marinig ang ring ng cellphone ko. Tanghali na ako gumising actually hapon na pala it's past 3 in the afternoon. Kung Hindi pa kumalam ang sikmura ko ay Hindi pa ako babangon. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Ang daming message.

Si Rhodz

Si Mama

Si Ivan

Si Jerome

At Unknown number

Ito ata ung tumatawag sa akin kanina. Agad kong binuksan ang Message.
Hi Sir Ralph Manalo good day! We're calling you from your mobile but you didn't answer we just want to inform you that your hired from MEGALAB we want you to report tomorrow morning around 9am in our Office for your requirements. Thank you!

right love at the wrong time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon