Chapter 5

41 0 0
                                    

Sa di kalayuan kung saan nagaganap ang kasiyahan ng magkakaibigan sa gabing iyon ay di alintana ng mga ito na may nakamasid sa kanila na lalaki.Ngunit  isa lamang ang kanyang tinititigan na wari'y di niya nagugustuhan ang kinikilos ng babae kanyang kinabibwisitan.

Third Person

"Aba tignan mo nga naman talagang pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana"sabi niya sa kanyang isip at napangiti na akala mo ay nakajackpot na sa lotto.At habang tinitigan nito ang dalaga at patuloy lang ito sa paglagok ng alak ay bigla na lamang may lumapit sa kanyang babae.
"Hey handsome. Can you join me tonight?"malanding tanong nito sa kanya habang hinahaplos nito ay kanyang dibdib na sinasabing sumama talaga ito sa kanya.
"Not interested.. So you may go"sagot ng binata. At napatingin sa gawi ng magkakaibigan. Bigla na lamang nagbago ang awra ng binata ng makita na wala na roon ang magkakaibigan.
"Sh*t" bulong pero may inis na sabi ng binata sa kanyang sarili at biglang tumayo upang hanapin ang dalagang kanyang tinitigan kanina.
"Sino naman ang hinahanap mo nandito naman ako kaya kitang paligayahin nga-"hindi na natapos ng babae ang sasabihin ng tumingin ang binata sa kanya.
"Aalis ka sa harapan ko o hindi"may diin na sabi ng binata sa babae. Bigla naman umalis ang babae dahil na rin sa takot.

Pagkatapos umalis ng babae ay hinahanap ulit ng kanyang mga mata ang dalagang kanina pa niya tinititigan ngunit talagang mailap ang tadhana.
"Siguro nga'y maswerte ka ngayon pero alam kong magkikita pa tayo crazy girl"

Rhian P.O.V

Nandito na kami sa entrance ng bar dahil sobra ng lasing nitong dalawa lalo na si bianca at syempre sinabayan din nitong isa kaya dalawa na sila. At syempre ako ay nanatiling nakaupo kanina dahil inaasahan ko na to na may malalasing pero di ko lubos maisip na pati si jessy ay magiinom ng sobra. Inaantay ko yung sundo ni jessy ginamit ko yung phone ni jessy para tawagan si prince na sunduin na lang si jessy dito. Kaya inaantay ko siya at itong isa naman ay doon na lamang sa apartment ko dahil alam kong kapag nalaman to ni tito(dad ni bianca) ay malalagot siya baka di na naman siya bigyan ng allowance ng isang buwan at grounded paano nagiisang anak kaya ganon na lamang kahigpit ang mga magulang niya sa kanya.Si jessy ay may kapatid dalawa sila ng kuya niya. Si Jeric Montero di naman masyadong strikto ang kuya niya lalo na kapag kami ang kasama pero nagiging seryoso si kuya jeric pagdating sa bussiness nila. Haytss bakit ba lahat sila napaka seryoso sa bussiness nila. At ako, wag niyo na kong tanungin saka na lang kapag ready na kong i-kwento sa inyo ang lahat.

Beep beep~~
(Busina ng sasakyan)

Nandyan na ata ang kotse ni randall. Kumaway ako para malaman niya na nandito kami at ng makita niya ko ay agad siyang bumaba di na niya nagawang iparada ng maayos ang sasakyan niya ng mapatingik siya sa gawi ni jessy na nakahiga ang ulo sa kabilang balikat ko. Magkabila kasi sila sa kanan si jessy at si bianca ay nasa kaliwa ko bigat na bigat na ko sa dalawang to. Aytss mga pasaway talaga.😒😂

"Pasensiya na sa pag-antay rhian ngayon ko lang nabasa ang text mo sa cp ni jessy"sabi nito at inayos ang pagkakabitbit kay jessy.
"Ayts mahal naman e. Sabi kong wag kang masyadong magiinom"inis pero mahinahon nitong sabi kay jessy na akala mo ay naririnig ni jessy.
"Hmm" Narinig kong sabi jessy. Napangiti na lang ako.
"Sige na randall mauna na kayo ihatid mo na siya"sabi ko rito habang inaayos ang ulo ni bianca.
"Oo nga.. Kayo? Baka gusto mong ihatid ko muna rin kayo"
"Nako hindi na.. Mas maiging mauna na kayo at itong isa ay sa apartment ko na lang muna matutulog"mabilis kong tanggi sa tanong niya. Tumango na lamang ito.
"Ganon ba. Oh sige. Magingat ka na lang sa pagdadrive at alam kong nakainom ka rin... Sige sige"sabi nito at binuhat si jessy ng pangbridal na buhat.

Bianca P.O.V

Aytss..ang sakit ng ulo. Bwusit na yan.
Nasaan ba ko?

Napatingin ako bumukas na pinto at pumasok si rhian. Ibig sabihin nasa apartment ako ni rhian ngayon. Buti na lamang kong ganon.

"Goodmorning bruha.. Oh breakfast in bed mo te"ganda ng bungad ng bati niya sakin ah.
"Hehe..morning... Thank you bes"sabi ko na lang sa kanya. At ngumiti.
"Hmm sige na kumain ka na dyan at ako ay magaasikaso pa dahil may pasok ako sa coffee shop ngayon"sabi nito at tumayo sa higaan niya. Iisa lang naman ang higaan nito ewan ko ba dito. Kung bakit nagtitiis sa maliit na apartment na to. Meron namang sapat na pera.
"Sasabay na ko bes. Kailangan kong umuwi ngayon dahil for sure ay sesermunan na naman ako ng aking pudra"sabi ko sakanya at tumawa na lang kami. Kaya siguro dito niya ko diniretso sa apartment niya dahil baka pagalitan talaga ako. Kilala kasi niya ang parents ko. Silang dalawa ni jessy nakapunta na rin sila sa bahay kaya ganon. Kaya naman thankful ako sa kanila.
"Sige. Dalian mo na lang kumain at magayos. Okay"sabi nito bago buksan ang pinto ng kwarto niya.

•••••

Nabura ko kasi ang 5-17 chapter
Nakakainis lang... Kaya inuulit ko po.
Pasensiya sa kunting abala..

Medyo boring tong chapter na to! Pero im promise sa susunod pang chapter ay mas lalong magiging boring..hahaha😂😂✌✌ joke di hahabaan ko na lang para di kayo mabagot.Justkidding okay!

Don't forget to tap a button star
Hope you like it.💕
Kamsahamnida😍
Saranghae😘

The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon