Rhian P.O.V
Napuno ang gabi ko ng puro lang saya ng dahil kay drake. Oo tama si drake na lagi akong inaasar at iniinis araw-araw pero hindi ko lubos maisip na ngayong araw na hindi kami ng nagbabangayan at magkakasundo kami sa iisang bagay at yun ay ang kape. Magkaiba man kami ng lasa at 'flavor' na iniinom parehas naman kaming nagkakaintindihan sa aming pinaguusapan.
"Hahahaha. Baliw ka tama na hahaha" natatawa ako sa reaksyon ng mukha niya hindi sa corny niyang joke. Napapahawak na ko sa tyan sa sobrang kakatawa.
"Hahahaha" hawak ko sa tyan ko at bahagya ko pang pinapahid ang mga luhang tumutulo sanhi ng aking pagtawa. Hinampas ko naman siya para tumigil na.
"Ayoko na. Hoo! Tama na. Haha"sabi ko sa kanya. Bigla naman niya itinaas ang dalawa niyang kamay na para bang suko na siya o titigil na siya. Tumigil na naman ako sa pagtawa at inaayos ko ang buhok dahil bahagya itong nagulo at pupunasan ko sana ang takas kong mga pawis ay bigla na lamang akong pinaharap ni drake sa kanya.
Napatingin ako sa mga mata niyang mala-kulay abo Kung iyong titignan. At sa di malamang dahilan napatitig ako sa kanya at maski siya ay nakatingin din. Bigla namang dumako ang tingin ko sa labi niyang mapula-pula.
Bago pa ko may magawang mali ay agad ko ng iniwas ang tingin.
"Pasensya na. Ito tanggapin mo"abot niya sa akin ng panyo mula sa kanyang bulsa. Tatanggi pa sana ako ng hawakan niya ang aking kamay at ibinigay ang panyo.
"Tanggapin mo na. Aarte pa" pangaasar naman niya. Tumingin ako rito at pinanlisikan ng mata. Ginawaran lamang niya ako ng isang nakakalokong ngiti.
"Bwusit ka! Umuwi ka na nga"palo ko sa braso niya. Kanina lang ang saya saya ko na tas biglang mang-aasar na naman siya.
"Hindi na, dito na naman yung apartment ko"turo ko sa kabilang kanto.
"Okay. By the way.. Thanks" sabi nito sakin na may ngiti.
"Oo na sige. Tatanggapin ko yang thank you mo. Baka kasi bukas magbago na naman ang lahat" seryoso na may halong biro kong sabi sa kanya.
"Pwede naman na hindi magbago.."tigil nito sabay tingin sakin ng seryoso. Inaantay ko pa saglit yung karugtong.
"Anong mukha yan!? Umalis ka na nga! Mag-gagabi na oh." Sabay tingin ko sa langit. Ngunit nanatili lamang siyang nakatingin sa akin ng seryoso. Gusto ko na talagang umalis at tumakbo palayo sa kanya dahil hindi ko alam kong anong nasa isip niya.
"Rhian? Pwede bang.."tawag niya sakin.
"A-anong pwede?" Bakit ba ako nauutal?
"A-ah w-wala. Wag mo na lamang isipin."sagot naman niya. Tumango na lang ako pag-sangayon sa kanya.
"Sige, papasok na ko. Ingat ka pauwi baka marape ka dyan ng mga bakla. Hahaha just kidding. Anyways. Thanks a lot"nagmadali naman akong naglakad palayo dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sa hindi ko malamang dahilan kung bakit ganon na lamang ang pakikipagusapan niya sa akin.
Maaring isa lamang iyon sa mga biro niya sa akin. Tama ka dyan rhian. Aasarin ka ulit non bukas.
Nagulat ako ng may taong nakaupo sa harap ng apartment ko. Nakayuko na para bang may inaantay. Nalaman kong si Jessy pala iyon ng makita ko yung binigay kong pouch sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Right One
RomanceNaisip mo rin bang magboyfriend pero maraming hadlang? " Yung tipong mamahalin ka rin,aalagaan at higit sa lahat di ka iiwan. Pero sa panahon ngayon di ka na mamakahanap pa ng ganon dahil nga 'WALANG GANON' dahil lahat ng tao ngayon. Manloloko at Na...