Drake P.O.V
Magdadalawang linggo na ng iniwan ako nitong babaeng to eh.
Palabas na kami ng field ng sinadya ko talagang magpahuli at sakto namang nasa hulihan din siya.
Bigla kong hinila yung braso niya para tumigil sa paglalakad.
"Argh..aray ko drake"pilit niya pa ring hinihila yung braso niya sakin.
Niluwagan ko ito ng kaunti atsaka hinarap ko siya sa akin.
"Ano bang problema mo? Kung may galit ka sa mundo wag mo kong idamay" ang ingay talaga ng bunganga nito. Nakakainis.
Tatalikod na sana siya ng bigla ko siyang hinila ulit papuntang parking itutuloy namin yung hindi natuloy.
Nagtataka kayo kung ano yun no!.
Flashback
Magkakasama kaming anim sa mall. Umuwi ako non dahil may urgent meeting si dad at kailangan nandon ako. Ang sabi ko babalik ako pero hindi ko alam kung ano ang babalikan ko pero pumasok agad sa isip ko si crazy girl.
Hindi ko malamang dahilan pumunta pa rin ako tinext ko muna si pinsan kung nakauwi na sila. Ang sagot niya oo pero hindi kasama si rhian. Hindi daw siya nagatubiling sumama.Ewan ko ba sa babaeng yun. Mas minabuting magisa. Paano na lang kung mapahamak siya. Hindi niya ba natatandaan yung nangyari sa kanya noong isang gabi. Tsk. Paano na lang kung.. Hayst.
Ano bang pakielam ko sa babaeng maingay na yun na parang akala mo nakalunok ng mic sa sobrang ingay ng bunganga.
Paparada pa lang sana ako ng makita ko siya sa stop over ng bus.
Sinakay ko siya sa kotse para sana ihatid siya pauwi. Hindi ko alam kong bakit ko to. Ginagawa sa kanya.
I don't like her.
I hate her.
But i care..
Pero nakaisip ako ng paraan para makapagusap kami ng maayos.
Pinasakay ko siya sa passenger seat ng kotse ko.
"Saan ba tayo pupunta?" Nahalata ata niya na hindi ito yung way papuntang bahay nila.
Nanatili lamang akong tahimik at hindi siya pinansin. Lumipas ang mga oras ng bigla atang nainip.
"Sabing saan..."sisigaw na dapat siya ng...
"Were here" lumingon naman ako sa kanya sabay ngiti. Napalingon din siya sa labas.
"Restaurant? Anong ginagawa natin dito?" Hindi ba niya alam kung anong meron dito? Idiot.
"Kakain"matipid ko namang sabi sabay labas ng kotse ng maipara ko na siya ng maayos.
"Alam ko pero bakit dito mo ko pinunta hindi naman ako gutom" medyo mahinahon na siya pero mahahalata mo pa rin yung galit sa boses niya.
Magulo talaga minsan ang mga babae.
"Hindi ka naman kakain e. Ako lang" bigla naman siyang napatingin sa akin at makikita mong naiirita na tlaga siya.
Nasisiyahan talaga ako kapag nakikita ko siya naiinis. 😊
"ANO? Bakit mo pa ko sinama kung ikaw lang din naman pala ang kakain. Ano ako tagatingin kong mabibilaukan kana? Wow ah!" Tumagilid naman siya na animo'y nagpipigil ng galit.
Natawa na lang ako.
Hindi niya ko kayang suntukin o sigawan dahil maraming tao dito.
Hinila ko na lang siya ulit at this time sa kamay niya. Pusta tayo naiinis na to.
Pumasok kami ng restaurant. This for my close friend.
Sakto namang may vacant. Doon kami sa may bandang unahan.
Pinaupo ko siya at tumawag ng waiter. At binigay samin yung menu pero agad ko namang binawi sa kanya iyon.Tinignan niya lang ako ng masama😡 ngitian ko na lang siya. 😏Tsk
"Ang kapal ng mukha.. Bakit pa kasi sumama ako mokong na to.. Bwusit" habang pumipili ako sa menu di ko maiwasan mapakinggan yung sinabi niya napangiti na lang ako. Sakto namang nakapili na ko.
Hindi naman ako masamang tao para di siya pakainin kaya umorder ako ng good for two person.
Tahimik siya nakaupo sa may katapat ko at halatang inis na inis siya. Nagulat ako ng magpaalam siya na pupunta muna ng restroom
Pinayagan ko naman siya kasi alam kong babalik rin naman siya pero lumipas ang dalawang oras pero di pa rin siya bumabalik. Nandito na rin yung order namin.
Pinuntahan ko siya sa restroom for girls then i realized she leave without my permission. That girl.
(Karma tawag dyan😂)
End of flashback
"Tara itutuloy natin yung naudlot" pinapasok ko siya sa kotse ko.
"Ano bang sinasabi mong naudlot? Alam mo ikaw di ka na nakakatuwa?"mahihimigan mo sa kanya na inis na inis na siya.
Bubuksan pa sana niya yung pinto ng kotse ko ng paandarin ko na ito.
"Ihinto mo to!"mahinahon niya sabi.
"I SAID STOP??"napapreno ako ng wala sa oras sa pagsigaw niya. Tinabi ko muna yung kotse ko sa gilid.
"What the!" Sabay akong naharap sa kanya. Pagkaharap ko nakita kong medyo naiiyak na siya.
Hindi ko alam kong ano gagawin ko at nanatiling nakatingin sa kanya. Bigla naman niya binuksan yung pinto at lumabas.
Nung una wala pa ko sa sariling lumabas na pala siya nakikita ko sa mukha niya yung lungkot at galit. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak at dahil pa sakin yun.
At doon ko lang nalaman na lumalayo na siya sa akin habang ako ay nanatiling nasa loob ng kotse.
Bigla ko namang binuksan ang pinto at hinabol ko siya. Sakto namang naabutan ko siya hinarang ko ito sa harap.
Susubukan pa sana niyang maglakad pa kanan pero agad ko naman siya ulit hinarang. Hanggang sa paulit ulit na niyang ginagawa at paulit ulit ko din siyang hinaharang.
"Pwede ba? PAALISIN MO NA KO.."pasigaw nitong sabi atsaka umiyak.
At sa di malamang dahilan bigla ko na lamang siyang niyakap hindi ko alam kong anong pumasok sa aking isip ko pero gusto ko siyang yakapin at ayaw ko siyang lumayo sa akin.
•••••
Yes! Naman.. Inaasar mo pa kasi e. Mahalin mo na lang kasi.Please guys!
Wag naman po sana kayo maging silent reader lang.Don't forget to tap a button star*
Kamsahamnida😍
Saranghae😘
BINABASA MO ANG
The Right One
RomansaNaisip mo rin bang magboyfriend pero maraming hadlang? " Yung tipong mamahalin ka rin,aalagaan at higit sa lahat di ka iiwan. Pero sa panahon ngayon di ka na mamakahanap pa ng ganon dahil nga 'WALANG GANON' dahil lahat ng tao ngayon. Manloloko at Na...