Rhian P.O.V
[Hello Lil Bro]
[Hi Lil sis.. How are you?]
[I'm fine lil bro. Bat ka napatawag?]
[You need to go home. Dito mismo sa mansion]
[Why? Wala na bang masisermunan si dad kaya pinapauwi niyo na ko dyan] inis kung sabi dahil alam kong ganon at ganon lang naman ang gagawin ni dad. Nakakainis na!
Ngayon lang din naman nila ako hinanap. Simula nong umalis ako sa mansyon ni dad at nagkaroon kami ng sagutan ni kuya raven.
Hindi ba sila masaya at umalis at wala na ko sa puder nila.
[No lil sis. Dad wants to see you as soon as possible]may halong kaba ako sa sinabi ni kuya rhino.
[Bakit nga kasi. Ano bang nangyari? Mamat-]
Tanong ko sa kanya sa telepono.[Stop it rhian don't you ever say that if you don't go FINE. Di na kita pipilitin] pagalit na sabi ni kuya ngayon lang siya nagalit ng gento.
Toot~ toot~
Ano bang nangyari kay dad?
Alam kong kahit anong galit ko kay dad. Di ko siya matitiis. Mayroon lang talaga akong kaunting tampo. Lalo pa't sa nangyari sa kanila ni nanay. Mas pinili di dad ang pera kaysa sa totoo niyang pamilya.
Aaminin ko hanggang ngayon di ko pa matanggap ang nangyari kay nanay at hindi niya rin kasalanan ang pagkawala ni nanay pero nasa tabi ba siya ni nanay?. Nasa tabi ba siya namin ,ako.
Ilang minuto pa kong nakahiga sa aking kama ng napagdesisyunan ko ng mag-ayos.
Importante daw e.
*****
At sa haba ng byahe nakarating na rin. Nakita ko pang bubuksan na ni Manong Greg yung gate ng mansion.
"Magandang hapon Ma'am" sabay saludo sa akin. Agad naman akong huminto para batiin siya pabalik.
"Magandang hapon rin ho Manong Greg"at agad ko naman siyang ginawaran ng isang pagsaludo. Isa sa pinaka matagal ng tagapagbantay dito sa mansion simula ata ng dumating ako rito ilang taon na nakalilipas.
Pagkatapos ay pinaandar ko na ulit ang aking sasakyan.
At ng maiparada ko na siya ay agad akong pumasok samu't sari naman ang natanggap kong pagbati mula sa aming mga katulong agad ko naman silang nginitian pabalik.
" Manang Gina. Saan po sila?" Agad kung tanong. Isa rin sa pinaka matagal na katulong dito sa mansion ang sabi ni kuya rhino ay si manang na rin ang nagalaga sa kanilang dalawa pero bago sila ay ang mommy nila muna ang unang inalagaan nito. Mabait naman si manang sa akin.
"Ang daddy mo iha naroon sa kanyang opisina sa taas kasama ang mga kuya mo"tumango naman ako agad.
"Salamat ho manang"sabay akyat sa itaas. At ng makarating ako sa kwarto ni dad na parang opisina na rin niya ay agad akong kumatok.
"Come in"rinig kong sabi ni dad mula sa loob. Pumasok naman agad ako. Bahagya pa silang nagulat kung bakit nandito ako.
"Why?" Pagtatanong ko sa kanila. Dahil mahihiwagahan mo ang kanilang mga tingin lalo na si kuya raven. Palibhasa si kuya rhino ay ngumiti lamang at parang sinasabing
'Buti nakarating ka lil sis' ganon."Why are you here?" Seryosong sagot ni kuya raven. Sasagot pa sana ako ng biglang nagsalita si kuya rhino.
"I'll call her yesterday and daddy told me na kung pwede ay kumpleto tayo kaya wag mo ng sungitan pa siya bro"seryoso ding sagot ni kuya rhino sa kanya sabay akbay sakin ni kuya rhino. Tinignan pa ko saglit ni kuya raven at napatingin din ako sakanya pero agad ko rin iyong iniwas.
Bakit naasiwa na ba siyang makita ako? At parang wala na kong karapatan dito.
Kung hindi lamang ako tinawagan ni kuya rhino at sinabing importante ito ay hindi talaga ako pupunta rito gayong hindi naman pala ako 'welcome' . Tsk
*****
Pagkatapos ng tensyon sa kwarto na parang opisina ni dad.
Napagisipan ni dad na kumain na muna dahil ngayon lang 'daw' ulit kami magkakasama ng ganito.
Kung tutuusin ay hindi ako masayang kasama sila lalo pa't may isang taong di maganda ang awra kapag narito ako. Sino pa? Kundi si kuya Raven. Ayts
*****
Natapos ang hapunan ay napagdesisyunan ko ng umuwi. Nagkaroon lamang ng kaunting paguusap tungkol sa aking pag-aaral ko at syempre hindi mawawala ang negosyo nila dad. Hindi ko naman gustong pakinggan pa iyon kaya naman.
"Aalis na ho ko" agad akong tumayo dahil hindi ko nagugustuhan ang usapan lalo na nga't sa negosyo nila.
"Sit down RHIAN" may diin na sabi ni kuya Raven sa aking pangalan pero imbes na umupo ay nanatili akong nakatayo.
Ano ba ang gusto nila? Alam ko naman na hindi nila ako bibigyan ng kahit isang posisyon sa negosyo nila. Kaya bakit ko pa sila papakinggan.
Huminga na muna ako bago ako nagsalita.
"Ano po ba ang dapat kong malaman sa negosyo niyo? Alam ko naman na ang tingin niyo sa akin ay walang interes dyan sa negosyo niyo kaya hayaan niyo na lamang po ako yun lang"yumuko na muna ako saglit bilang paggalang.
"Mauna na ho ako" aalis na sana ako sa harap nila ng biglang magsalita si dad at habang nakatalikod ako sa mga ito ay narinig ko ang hikbi galing kay..DAD?
Bakit siya umiiyak?
"Please stay here. Kahit ngayong gabi lang anak.." Anak? Ngayon niya lang ako tinawag na ANAK.
At sa di ko malamang dahilan ay mayroong takas na luha sa aking mga mata.
Ano bang nangyayari? Bakit ganyan si dad? Bakit parang feeling ko may hindi mangyayaring hindi maganda?
Sana naman wala..
Dahil hindi ko na alam kung pati si dad ay mawawala sa akin..
Kahit na hindi ako masyadong 'showy' kay dad ay mahal ko siya. Mahal ko sila nila kuya.
•••••
Ayan na muna!
😊😊😊Don't forget to tap a button star*
Kamsamnida😍
Saranghae😘
BINABASA MO ANG
The Right One
RomanceNaisip mo rin bang magboyfriend pero maraming hadlang? " Yung tipong mamahalin ka rin,aalagaan at higit sa lahat di ka iiwan. Pero sa panahon ngayon di ka na mamakahanap pa ng ganon dahil nga 'WALANG GANON' dahil lahat ng tao ngayon. Manloloko at Na...