Chapter 10(continuation)

15 0 0
                                    

Drake P.O.V

Palabas na ko ng restobar ng pinsan ko ng may mapansin akong papuntang babae sa sakayan ng bus. Si Sadist girl lang pala. Hindi rin ako nakapagpaalam kay prince dahil na rin hahatid niya ung girlfriend niya. Tsk.

Hayaan ko na lamang yung babaeng yun. Papunta ako ng parking para kunin yung sasakyan ko. At nang saktong ililiko ko na yung sasakyan ko palabas ng parking ng may napansin kong kanina pa siya nakaupo napapikit pa saglit. Dala siguro ng kalasingan siguro!. Tinignan ko pa siya saglit ng napadilat siya at may tinitignan na kotse sa may bandang kanan ng waiting area. Bakas sa itsura niya ang takot at kaba. Di kalaunan ay tumakbo ito at di alintana ang pagkalasing. Agad naman akong lumabas ng sasakyan para sundan siya. Nakita ko pa na umandar din yung kotse na kanina pa nakamasid sa kanya. Sino kaya yun!

Medyo malayo malayo na rin ang naitakbo ng sadistang babaeng yon. At patuloy pa rin ang sunod ng kotse.

Nakakainis! Sino ba yung taong nasa loob ng sasakyan na yan.😠 at bakit niya sinusundan si rhian. Kilala ba ni rhian ang taong nasa loob ng kotse. Ayts.

Hindi ko alam kung bakit ko pa sinusundan tong babaeng to. Kung tutuusin ay pwede kong pabayaan siya kanina pa at hayaan kung ano pwedeng gawin sa kanya ng taong nasa loob ng kotse. Nakakainis! Hindi ko alam pero gusto ko siyang tulungan,gusto ko siya alagaan.

Patuloy ang pagtakbo ni rhian hindi na niya siguro iniisip kong saan siya pwedeng makarating medyo natatapilok na rin ito.

Hayst!.Nagkaroon ako ng ideya. Nakayuko ito di niya siguro alam na may tao siyang nabangga. At ng saktong titingin ito sa akin ay agad ko siyang hinila papuntang iskinita ng malaman kong parating na ung humahabol sa kanya. Nagtago pa kami saglit doon at inantay umalis ang mga masasamang taong un.

Naramdaman kong tumitig pa ito sa akin pero hinayaan ko lang.

Rhian P.O.V

Kinakabahan kong inangat ang aking mata sa taong humila sa akin at nagtago kami sa isang iskinita na sobrang dilim sapat na ito para di ako makita ng mga humahabol sa akin sa loob ng sasakyan. Nanginginig ako sa sobrang takot. Hindi ko alam ang gagawin ko kung nagkataon.

Sino ba sila? Bakit nila ako hinahabol? Ano ang kailangan ng mga ito sa akin?

*****

Matagal tagal rin doon nagtago ang dalawa at ng malaman nila na wala na ang mga humahabol kay rhian ay dali dali silang lumabas kung saan ay nagtatago ang mga ito. Napaangat ng tingin ang dalaga upang malaman kung sino ang nagligtas sa kanya mula sa mga ito. Laking gulat na lamang ng dalaga kung sino ang taong nagligtas sa kanya.

Kahit pa siya ay sobrang hilo ay lasing ay alam nito sa kanyang sarili na di siya pwedeng magkamali at tama ang nakikita nito na ang binatang kanyang kinaiinisan ay siya nitong tinulungan.

Drake P.O.V

Saglit kaming natigilan sa isa't isa . Nakita niya kasi na ako ung kasama niya dito. Tinignan ko naman siya habang nakayuko ito nanginginig dahil sa takot. Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyangg....

*niyakap*

Matagal akong nakayakap sa kanya pero wala akong tugon na yakap mula sa kanya kaya naman napagpasiyahan kong bitawan na siya dahil na rin siguro galit ito sa akin ngunit ng bibitawan ko na siya bigla na lamang niya akong niyakap ng mahigpit at umiiyak.

Wala akong nagawa kundi yakapin din siya ng mahigpit at hawakan ang kanyang ulo. Para malaman niya na wag na siyang magalala pa at nandito lang ako.

"shhhhh..nandito lang ako rhian" yan na lamang ang nasabi ko. Habang patuloy pa rin siyang umiiyak.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko para kay rhian pero isa lang ang alam ko masaya ako ngayon.

•••••
Isang maikling update lang to!
Continuation lang naman mga besh..
Babawi si Author sa susunod na chapter..
Don't worry..

Don't forget to tap a button star
Kamsahamnida😍
Saranghae😘

The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon