Rhian P.O.VIlang araw na lang at pasukan na naman at gusto ko sana puntahan sila lola sa bahay nila. Namimiss ko na rin kasi sila lalo na ang mga pamangkin ko roon. Simula kasi ng kunin ako nila dad sa puder nila lola (mama ng mama ko) ay hindi ko na sila nadadalaw pa dahil pinagbabawal na kong pumunta roon pero ng lumayas ako sa bahay ng magaling kong tatay ay lagi kong pinadadalhan ng pera sila lola roon.
Kaya naman nagtatrabaho ako hindi para sa sarili ko kundi para na rin sa pamilya ko doon. Sa kanila ko lang naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya hindi ko nga ba't alam kong bakit pa ako kinuha ng magaling kong tatay sa gayong may mga anak naman siya sa labas.
Oo tama kayo? Ako ang tunay na anak pero ako ang pinabayaan at minabuting itaboy tapos ngayon kinuha na lang ako bigla sa pamilyang kinalakihan ko tapos di rin naman pala ako ituturing na pamilya.
At totoo niyan habang nagsasama sila nanay at dad ay nagkaroon ng isang di sinasadyang pangyayari. Kasal noon si nanay at dad. Kinwento sa akin ni nanay bago siya mamatay sa sakit na cancer.
Naging babaero si dad non pero ng magpakasal sila ay nagbago naman daw ito. Lagi siyang inaasikaso ni dad, inaalagaan at minahal ng higit pa pagmamahalan nila noon pero syempre sa di mo inaasahang pagkakataon nagbago ang lahat.
Nagkaroon siya ng anak sa labas nalaman na lamang ni nanay noon nong ipinagbubuntis na niya ako at malaki rin daw ang pinagbago ni dad noon. Ang dating maasikaso ay napalitan ng mapanakit na tao. Ang dating mapagmahal ay napalitan ng pagbabaliwala nito kay nanay. Kaya naman naisip ni nanay na lumayo at ilayo ako sa tatay kong walang ibang inisip kundi ang pera. Pinagpalit kami ni dad sa pera lang.
Ano nga bang laban ni nanay doon. Bukod sa pagmamahalan nila noon.
Natalo ng pera ang pagmamahal na binigay ni nanay kay dad.Kaya siguro inis na inis ako sa mga lalaking nanliligaw at umaaligid sa akin pero syempre di ko naman nilalahat.
Simula ng namatay si nanay ay sabi ko sa sarili ko na di ako sasama sa magaling kong tatay. Wala e. Kinuha na lamang nila ako bigla at ngayon. Ito ako ngayon walang pinagbago nagiisa pa rin ako kasama ang sarili ko.
'Kung narito ka lamang sa tabi ko nanay siguro ay masaya na ko. Ikaw lang naman ang meron ako e, pero wala kinuha ka pa rin ni lord sakin pero alam ko may rason si lord kung bakit ka niya kinuha sa akin kaya kahit nandyan ka na nay sa tabi ni lord. Lagi mo pa rin aalagaan ang sarili mo ah! Lagi mo rin po akong gabayan sa lahat ng desisyon ko sa buhay. Mahal na mahal kita nanay'
Gustuhin ko mang bumalik doon minabuti ko na lang na wag na at tumayo sa sarili kong paa.
*****
Papunta na ako kila lola para nga dalawin siya. Masyado akong nagdrama kanina siguro ay dahil sa pagkalumbay ko kay nanay ito. Kaya ngayon lilibangin ko na lamang ang sarili ko. Nagsuot na lamang ako ng simpleng damit na green at pantalon.
Photo A/N
Habang nilalakbay ko ang daan papuntang bahay nila lola ay napagdesisyunan ko muna na mamili dahil baka doon na muna ako kahit isang gabi lang. Namili na rin ako ng mga pasalubong ko sa mga pamangkin ko.
Natapos akong mamili mga bandang ala-singko ng hapon. Malapit na rin naman ang bahay dito ni lola. Kung tutuusin ay parang probinsiya ang ayos ng lugar dito ni lola. May malawak na palayan. Napapaligiran din sila ng dagat na matatanaw ang paglubog ng araw. Sayang lang at mag-gagabi na ako makakapunta roon. Pagkababa ko sa terminal ay nagantay pa ako ng tricyle para diretso sa mismong tapat ng bahay nila lola.
"Teka iyang? Ikaw ba yan?"napalingon ako sa tumawag sakin mula sa likod. 'Iyang' means ian. Imbes na ian naging 'iyang'. Si lola ang nagtawag sa akin niyan kaya maski lahat ng nakakakilala kila nanay at lola ay yan na din ang tawag sa akin.
Hindi ko pa nakilala sa mukha ang taong tumawag sakin pero nginitian ko ito.
"Ako to si tyang Bebeth mo?"pakilala nito sa akin. Oo nga. Si tyang bebeth nga. Dating kinukuhanan namin ng isda sa palengke ni nanay.
"Nako! Pasensya na po tyang bebeth kayo po pala. Hindi ko po kayo agad nakilala. Mano po?"inabot naman nito ang kanyang kamay.
"Ay jusko! Kaawaan ka ng dyos iha!. Ano't naparito ka? Dadalawin mo ba ang lola mo?"tanong nito sa akin. Tumango naman ako sabay sagot
"Opo tyang. Matagal-tagal na rin ho' ng di ko sila nadadalaw. Namimiss ko na rin po sila"sagot ko naman dito.
"Mas lalo kang gumaganda iha. At mas lalo nagiging kamukha mo ang iyong ina"nginitian ko naman si tyang sa sinabi nito sa akin.
"Maraming salamat tyang. Kayo po pala? Pauwi na rin po ba kayo?"pagtatanong kay tyang.
"Ay oo! Inaantay ko lamang si buboy"sagot naman nito sa akin.
"Si buboy po? Yung dating kasama ninyo sa palengke na lagi ninyong buhat buhat"naalala kong sabi kay tyang.
"Aba'y oo iha! Siya nga! Ngayon nga't malaki na binata na rin"sabi nito natawa naman kami ni tyang ng maalala ang mga dating nangyari mula sa pagkuha namin ng isda sa kanya.Marami rin kaming naging kwento ni tyang hanggang sa dumating nga ang anak niya na si buboy. May dalang tricyle at pinasabay na rin naman ako ni tyang doon para di na daw ako mag-antay pa ng pagkatagal tagal ng tricyle sa terminal.
At sa wakas ay nakarating na rin.
"Tyang bebeth ito po?"abot ko ng bayad ko panggasulina man lang. Pero imbes na kunin ay.
"Nako! Iha! Wag na nabalitaan ko rin ang sitwasyon mo ngayon kaya naman itago mo na lamang iyan. Oh siya! Mauna na kami. Ipagkamusta mo na lang ako dyan kay lola Maria mo ah."sabi ni tyang. Napaka-bait talaga ni tyang.
"Salamat ho ulit tyang. Ingat ho kayo"paalam ko naman kay tyang bebeth.******
Hanggang dito na muna! Masyado ng maraming update ang inyong lingkod pero mukhang wala namang may gusto magbasa at bumuto ng istorya ng
'The Right One'Pero umaasa pa rin ako na mayroong magsubaybay nito
Fighting for me!'Hangga't kaya kong tapusin to gagawin ko. Lalaban ako'
6-7-18Don't forget to tap a button star
Kamsahamnida😍
Saranghae😘
BINABASA MO ANG
The Right One
RomanceNaisip mo rin bang magboyfriend pero maraming hadlang? " Yung tipong mamahalin ka rin,aalagaan at higit sa lahat di ka iiwan. Pero sa panahon ngayon di ka na mamakahanap pa ng ganon dahil nga 'WALANG GANON' dahil lahat ng tao ngayon. Manloloko at Na...