Chapter 28

8 0 0
                                    

Rhian P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rhian P.O.V

"Teka ano ba yung pinagkakaguluhan nila sa tapat ng gate?" Napalingon sa tinuturo ni Bianca.

"Oo nga no. At talagang mga freshmen na babae pa" saad ni Jessy. Kita namin ang lahat ng estudyante sa baba ng university.

"Ah! Pupusta ako lalaki yan" dagdag pa ni Jessy.

"Paano mo naman nasabi?"tanong ni Bianca sa kanya.

"Hindi mo ba napapansin na puro babae lang ang pumupunta sa gate. At halos lahat ng lalaking freshmen nakatayo lang" tsk. Oo nga.

"Tara bumaba na tayo" sabi ko sa kanila.

"Tara-- tara dali" tili tili pa ni Bianca. Akala mo naman walang boyfriend kung maka-tili. Napailing na lang ako sa inasta ni Bianca.

"Huyy!! Magtigil ka nga. Akala mo walang boyfriend"patakbong sabi ni Jessy kay Bianca. Ang dalawang ito.

At ng makababa kami agad kaming pumunta sa gate para tignan kung ano pinagkakaabalahan nila at pinagkakaguluhan.

(A/N ayaw pang aminin gusto mo rin makita yung nasa labas✌️)😒

Hindi pa man kami nakakalapit naaninag ko na yung kanina pa ata siya nakatayo sa labas ng gate dahil makikita mo sa mukha niya na inip na ito. Tama ba ako ng nakikita? Si...

"Kuya Rhino?" Sabi ko ng makalapit kami sa mga ng kukumpulan doon.

"Huh? Sinong.."takang tanong nila. Tama nga ako si kuya Rhino nga.

" Aba! Oo nga kuya mo nga besh"gulat na sabi ni Bianca sakin. Tumango tango sa kanya.

" Teka-- excuse--excuses" bakit nandito siya. Pwede naman niya akong tawagan? Bakit kailangan niya pa pumunta dito ng ganyan ang suot.

"Kuya???"gulat naman niya akong tinignan agad naman din iyong nagbago at ngumiti na akala mo walang bukas.

"Lil sis. Thank god you'll here" agad naman niya akong niyakap at binigyan ng halik sa ulo ko. Nakakahiya lang!!! He treated me like a baby. Hayts.

"Hi po"Bianca at isa rin sa kinikilig kay kuya. Tsk

"Oh! Hi girls" malandi namang sabi nitong mokong na to. Palibhasa si Jessy nginitian lang si kuya.

"Stop it bro. What are you doing here?" Lingon ko rin sa mga freshmen dito sa gate. At halatang kinikilig sa ginawa ni kuya Rhino na paghalik sa ulo ko.

The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon