PROLOUGE
Unknown's PoV"Handa na ba ang lahat?" tanong ko sa isa sa aking mga alipin.
"Opo mahal na—"
"Manahimik ka! Kung ayaw mong putulin ko ang iyong dila." Masyadong palasalita ang aliping ito. Siguro'y dapat ngayon pa lang ay kitlin ko na ang kanyang buhay upang hindi na siya makapaglahad pa ng mga impormasyon.
"Ipagpatawad niyo po."
Nilingon ko ang isang sanggol na babae na taimtim na natutulog.
"Nakasisiguro ka bang siya lang ang natatanging tagapagmana ng Emperyo ng Akishino?" tanong ko sa nakatungong alipin. Ayokong sumugal sa isang laro na ako ang magiging talo.
"Nakasisiguro po ako. Ang Emperatris ng Akishino ay hindi na po maaari pang magdalang-tao, sapagkat ako mismo ang nagpapainom sa kanya ng mga halamang gamot na ibinibigay niyo sa'kin," sagot niya. Mabuti kung ganon. Dahil ayokong masayang lahat ng pinaghirapan ko.
Isinuot kong muli ang aking balabal upang matakpan ang aking mukha at tsaka tumalikod sa aking alipin. Ngunit bago ako tuluyang umalis ay ibinigay ko muna sa kanya ang huli kong utos.
"Kitlan mo ng buhay ang sanggol na 'yan. At ayoko ng makita pa ang iyong mukha dito sa Emperyo kahit kailan, nagkaka-intindihan ba tayo?"
"O-opo. Masusunod."
Tuluyan na akong umalis sa lugar na 'yon kasabay ng pag-limot sa mga nangyari ngayong gabi.
Lahat ay mangyayari sa kagustuhan ko. At lahat ng hahadlang d'on, ay sisiguraduhin kong mamamatay.
###
BINABASA MO ANG
Into the Book | ON HOLD
Historical FictionHighest ranks achieved: #49 in Historical Fiction #1 in Dynasty #26 in Books #60 in Timetravel #51 in Lady #15 in Otaku [BOOK 1 OF BOOK DUOLOGY] Almira Akanishi is like a living book. Halos lahat na yata ng sikat na novels ng mga sikat na authors...