Chapter 07: Who's the Savior?

175 85 10
                                    

This chapter is dedicated to:

writerjgarcia
(thanks sa pagdedicate sa'kin. ♥ Ang bait mo po. Hihi!)

and

SeBarLas
(Hi new friend! Hahaha! Ang bait mo din po.)

Hi sa inyo guys! Hahaha! Natuwa lang akong magde-dicate. Next chapter yung iba.

PLUG:
Try to read their stories True Love of Sabrina & Kingdom of Ivatra by writerjgarcia. . . and Another Case: Solved by SeBarlas. Maganda stories nila guys.

Enjoy reading! Don't forget to vote. Lovelots! ♥️

***

Chapter VII

WHO'S THE SAVIOR?


"Anong ginagawa ng isang magandang dilag sa isang madilim na kakahuyan?" tanong ng lalaking hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa'kin ang espada. Malaki ang kanyang pangangatawan at may nakakatakot siyang itsura. Pero magka-ganon pa man ay nilakasan ko pa rin ang loob ko.

"Eh kayo? Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba't mas kaduda-duda ang inyong presensya sa kakahuyan na ito?"

Hindi ko alam kung saan ko ba nahuhugot ang lakas ng loob para sagutin ng ganon ang lalaking 'to. Ewan ko ba, maybe it's just my defense mechanism, I don't know. I just wish it can help me.

And thank goodness, it actually help me dahil ibinaba niya ang espada niyang nakatutok sa'kin. *sigh*

Bahagya namang tumawa ang lalaki at tsaka ngumisi. "Matapang ang magandang dilag na ito. Hmm, maaari ka naming isama. Ano sa tingin mo ha?" baling niya sa isa pang lalaking kasama niya na prenteng nakasandal lang sa puno. Di katulad ng lalaking 'to, masasabi kong gwapo ang isang 'to kahit na may takip ang kalahati ng mukha niya. Pero kahit na! Tss.

"Wala akong natatandaan na kasama sa plano natin ang pagkuha ng babae. Ang mabuti pa ay ituloy na lang natin ang paghahanap kay Shinju," walang ganang sagot nung gwapong lalaki. Sige tama 'yang ginagawa mo, wag niyo akong idamay.

Oh wait! He said Shinju. Ibigsabihin si Shinju nga ang hinahanap nila. Ang mokong na 'yon iniwan ako sa ere. Kaya pala kanina pa hindi bumabalik, nagtatago na pala. Kaasar!

Bahagyang nag-isip yung nakakatakot na lalaki at pagkatapos ay nagsalita, "May punto ka naman diyan. Mas mahalagang mahanap natin ang tulisang si Shinju. Marami pang utang sa'kin ang lalaking 'yon," galit na wika nung lalaki. At teka, tulisan? Ang sabi niya, anak siya ng mataas na opisyal? Arrgh! Naisahan ako ng mokong na 'yon ha!

Naglalakad na palayo yung dalawang lalaki ng bigla namang magwala 'tong si Ori. "Ori ano ba, ang ingay mo. Manang-mana ka talaga sa amo mo eh! Parehas kayong sakit sa ulo," mahinang sigaw ko sa kabayo. Isa ko pang problema ang isang 'to. Eh mukhang malabo na yatang bumalik pa 'tong si Shinju, saan ko naman dadalhin 'tong si Ori? Eh hindi naman ako marunong mangabay-

"Teka, pamilyar sa'kin ang kabayong 'yan ha! Sinasabi ko na nga ba't babae ka ni Shinju!" And in just a blink of an eye, ay nasa harapan ko na siya, muling nakatutok sa'kin ang kanyang espada. "Nasaan na si Shinju?" mapanganib na tanong nito.

I gulped. "H-hindi ko alam 'yang-'yang sinasabi mo. W-wala akong kilalang Shinju!" I stuttered while looking at his silver and shining sword, na ngayon ay unti-unti nang dumidikit sa aking balat. Nararamdam ko na rin ang hapdi na dulot ng sugat na ginagawa niya sa'king leeg. I can't defend myself not because I'm a weakling and helpless. It's just that...that...

Into the Book | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon