CHAPTER XV
ALTERNATIVE PRINCE
Almira’s PoV“Almira? What's wrong?”
Nanlaki ang mga mata ko. Wala na. Wala na ang asul na liwanag at napaka-taas na muli ng sinag ng araw. Gumagalaw na muli si Ms. Ami at ang buong paligid.
Teka... A-anong nangyari?
Agad akong napabalik sa reyalidad ng biglang sumigaw si Ms. Ami. “Almira punong-puno na ang tasa ko!”
“Ay sorry po!” Agad kong inilapag ang tasa ng tsaa at kumuha ng pamunas dahil kanina pa pala ito umaapaw ng hindi ko namamalayan.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Ms. Ami pagkabalik ko sa upuan ko.
I looked at her. “Wala ka bang naramdam na kakaiba Ms. Ami?”
Agad naman siyang napakunot ng noo. “Wala Almira. The last thing I know ay nagsasalin ka lang ng tsaa sa tasa ko,” sagot niya. “Sabihin mo sa'kin, may nangyari bang hindi ko alam?” nagbago ang ekspresyon niya at bakas sa mukha niya ang pagka-bahala.
I gulped. “T-tumigil ang oras. Tumigil ang buong paligid kanina lang!” natatarantang sagot ko.
“A-ano?”
“May mga narinig din akong mga boses. Hindi dito nanggaling ang mga boses nila. At sa tingin ko isa si Rei-neechan sa mga 'yon,” dagdag ko.
“Si Rei? Paanong...” tila may bigla siyang naalala at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa'kin. “Kung si Rei ang isa sa mga 'yon... Sino ang isa pang boses na narinig mo?”
“Boses iyon ng isang lalaki. At boses 'yun ni... ni Daisuke.”
“What?!”
Agad-agad siyang tumayo at hinila ako palabas. “Teka Ms. Ami anong problema? Saan tayo pupunta?” halos madapa-dapa pa ako dahil sa paghila niya sa'kin.
“Kailangan natin mapuntahan si Prinsipe Daisuke--- no... I'm pretty sure that he is now Takeshi.”
Takeshi? Sino si Takeshi? Wait... it sounds familiar.
Hindi na ako nakapag-tanong pang muli dahil masyado ng focused si Ms. Ami sa pagkaladkad sa’kin. Pagkatapos ng ilang minutong hilahaan ay sa wakas nakarating din kami sa Emperyo ng Yamato. Agad kaming pinapasok sa loob marahil kilala na rin ako ng mga guardiya maging si Ms. Ami bilang si Minako.
Agad naming hinanap si Prinsipe Daisuke at hindi naman kami nahirapan dahil nasa bungad pa lang ay naririnig na naming ang pag-sigaw nito na parang baliw. Wait... Talaga bang sumisigaw siya ngayon? Sa pagkaka-alam kong masyadong siyang supistikado para gawin ang bagay na ‘yun. Marahil totoo nga ang hinala ni Ms. Ami na hindi siya si Prinsipe Daisuke.
Naglakad kami malapit sa kinaroroonan niya at tanaw namin mula rito na maging ang mga tagapag-silbi ay nagkakagulo na rin sa kakaibang inaasal ng Prinsipe.
“Mahal na Prinisipe ano po bang problema? May karamdaman po ba kayo?” tanong ng isa sa mga tagapag-silbi.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Prinsipe Daisuke o ni Takeshi o ano man ang pangalan meron siya dahil sa sinabi ng tagapag-silbi. “Anong prinsipe ang pinagsasabi-sabi mo? Hindi ako prinsipe noh! Nasaan ba ako?” asar na sagot nito sabay tingin sa paligid.
I sighed. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Ganyang-ganyan din ang una kong naging reaksyon ng mapadpad ako sa lugar na ito. Pero sandali, paano siya napasok sa loob ng libro?
BINABASA MO ANG
Into the Book | ON HOLD
Historical FictionHighest ranks achieved: #49 in Historical Fiction #1 in Dynasty #26 in Books #60 in Timetravel #51 in Lady #15 in Otaku [BOOK 1 OF BOOK DUOLOGY] Almira Akanishi is like a living book. Halos lahat na yata ng sikat na novels ng mga sikat na authors...