Chapter IX
WHEN SHE MEETS THE CROWN PRINCE
"Lady Ayane!"
Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa'kin ni Nanika pagkadating ko dito sa Emperyo ng Yamato. Nagising lamang ako ng gisingin ako ng naghatid sa'kin at nandito na pala ako sa Emperyo, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe.
Ngumiti ako kay Nanika. "Tara na sa loob?" aya ko sa kanya. Iniiwasan ko kasing pagusapan namin ang tungkol sa pagpunta ko sa Emperyo ng Mikasa dahil-dahil, ah basta ayoko!
Napansin ata ni Nanika ang malungkot kong ekspresyon dahil tumigil ito at hinarap ako, "May problema ka ba Lady Ayane? Saan ka ba talaga nagpunta?" nagaalalang tanong nito.
I sighed. "Galing ako sa silid-aklatan ng Emperyo ng Mikasa. Dahil hindi kita mahanap, nagpasiya akong doon muna magpalipas ng oras. Wala kang dapat ipagalala Nanika. Walang nangyaring masama sa'kin." but of course that's a lie. Maraming masamang nangyari sa'kin doon, at ang pinaka-malala ay ang makilala ko si Shinju-no Prinsipe Shiori.
Kumunoot ang noo niya, "Huwag ka ng magsinungaling Lady Ayane. Kung walang masamang nangyari sa'yo, bakit may benda ka sa katawan?"
Oh sheet. I already forgot about this. Hindi agad ako nakasagot. Damn, what to do?
"Tama nga ang hinila ko."
"H-hindi. Minalas lang ako kanina dahil yung sinasakyan kong kabayo papunta doon sa silid-aklatan ay biglang nagwala. Kaya ayun, nahulog ako kaya't meron akong ganito," sagot ko sabay taas ng braso kong may benda. Gumana ka please.
Hindi siya sumagot at tila tinitimbang kung totoo ba o hindi ang sinabi ko. Maniwala ka please Nanika, ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol sa mga prinsipe at prinsesa.
She sighed. "Sige naniniwala na ako. Pero hayaan mo akong gamutin ang mga sugat mo-"
"Hindi na!" I shouted. Baka kapag makita niya ang sugat ko sa leeg ay magtaka siya kung bakit may hiwa doon mula sa espada.
Nagtaka siya sa pagsigaw ko, "Bakit? Nais ko lamang gumutin ang iyong mga sugat."
"A-ah kasi nagamot na ito. At tsaka isa pa, hindi naman na ito kumikirot. Kaya't huwag ka ng mag-abala pa."
"Sige. Kung iyan ang iyong nais," sagot nito at ngumiti. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Dumiretso na ako sa aking silid at nagpahinga. Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong napabuntong-hininga. Hindi ko lubos maisip na nangyari lahat sa'kin 'yon in just a day. Kung sabagay, hindi ko naman talaga 'to buhay, It's Ayane's. Ako si Almira, at lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko ay para dapat kay Ayane. Oh well, wala naman na akong balak pang bumalik sa Emperyo ng Mikasa kaya-oh sheet.
Agad kong kinapa ang scroll sa ilalim ng suot kong kimono. Muntik ko ng makalimutan na hinabilin nga pala sa'kin ito ni Prinsesa Satomi! Jusko, kakasabi ko lang na ayoko ng bumalik doon eh. Aish.
**Kinabukasan**Agad kong hinanap si Nanika at agad ko rin naman siyang natagpuan sa may kusina. Abala ito sa paghahanda ng pagkain kaya't minabuti kong hintayin na lamang itong matapos. Habang naghihintay ay nagpasiya akong manatili muna sa may silid-aklatan. Susubukan ko ulit hanapin ang librong nagdala sa'kin dito, baka sakaling nandon ang libro at makahanap ako ng paraan para makauwi na ako. I'm on my way to the library ng makasalubong ko si Lady Aina. Nagiisa ito at hindi kasama ang mga utusan niyang laging nakabuntot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Into the Book | ON HOLD
Historical FictionHighest ranks achieved: #49 in Historical Fiction #1 in Dynasty #26 in Books #60 in Timetravel #51 in Lady #15 in Otaku [BOOK 1 OF BOOK DUOLOGY] Almira Akanishi is like a living book. Halos lahat na yata ng sikat na novels ng mga sikat na authors...