Dedicated to: PhantonilPLUG:
The Guardian and Remember by my real life friend Phantonil.Enjoy reading and don't forget to vote guys! Lovelots! ♥️
***
Chapter VIII
THE WISH FROM THE PRINCESS
"Maligayang pagdating sa Palasyo ng Mikasa, Lady Ayane."Hindi ko ma-appreciate ang pagwe-welcome sa'kin ni Prinsipe Seji, dahil pagod na pagod na talaga ako. Grabe, feeling ko babagsak na ako anytime. Wake up Almira! Konting tiis na lang, makakatulog ka na rin.
Ngumiti ako ng pilit kay Prinsipe Seji bago sumagot, "Ah, s-salamat po Prinsipe Seji, kaya lang po kasi..." Napakamot ako sa batok ko at pilit na ngumiti. "Ahm...Mawalang-galang na po ha, saan po ba ako pwedeng matulog? Hindi ko na po kasi talaga kaya ang antok ko eh," nahihiyang tanong ko.
At oo, kinapalan ko na ang mukha ko, eh kesa naman tulugan ko si Prinsipe Seji right here, right now, mas nakakahiya 'yon no.
Ngumiti naman si Prinsipe Seji. "Ganon ba? Kung ganon ay ihahatid na kita sa iyong magiging silid." Hay sa wakas. Ngumiti na lang ako bilang sagot.
Nagsimula na kaming maglakad sa malawak na pasilyo sa loob ng palasyo. At kahit inaantok na ako ay hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng lugar. Parang minu-minuto atang naglilinis dito dahil sa sobrang linis eh, nakakahiya namang magdumi.
Maya-maya pa ay huminto kami sa isang hindi kalakihang wooden-sliding door. "Ito ang iyong magiging silid Lady Ayane," pagkatapos ay binuksan niya ang pinto. "Tumawag ka lang ng alipin kung mayroon ka pang kailangan. Sige, mauuna na ako at magpahinga ka na."
"Salamat po."
Pagka-alis ni Prinsipe Seji ay inilibot ko ang paningin ko sa buong silid. May ilang kagamitan na maayos na nakalagay sa isang wooden cabinet na hindi ko masabi kung para saan. Meron ding mga paintings, at ang pinakanaka-agaw ng atensyon ko ay ang isang kamang maayos na nakalatag sa sahig.
"Wooh...Ang tagal kitang hinintay," pagka-usap ko sa kama at tsaka nahiga."Ang lambot... lambot..." at pagkahigang-pagkahiga ko ay tuluyan na akong hinila ng antok.
**Kinabukasan**
*TOK-TOK-TOK*
Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na katok na nangga-galing sa pinto. Aish! Ang aga pa eh. Inaantok na bumangon ako sa higaan at tsaka pikit-matang naglakad papunta sa pintuan.
"Ano ba 'yon? Istorbo ka sa pagtulog eh. Mamaya pa pasok ko ok, five minutes pa," inaatok na sabi ko sa istorbong katok ng katok at akmang isasarado ko na ulit sana ang pinto para bumalik sa pagtulog nang may biglang magsalita.
"Pfft. Magandang tanghali sayo Lady Ayane. Ipagpatawad mo ang aking pagsira sa iyong mahimbing na pagtulog, ngunit kailangan mo ng mag-ayos upang bumalik sa Emperyo ng Yamato."
-_o
o_-
๏_๏
⊙_⊙
OMG.
Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ang tingin sa'kin ni Prinsipe Seji na nakangiti lang sa'kin.
"Ah. P-prinsipe Seji ikaw pala. He-he-he," asiwang sabi ko sabay pasimpleng hawak sa bibig ko. Hala, baka may panis na laway pa ako! Nakakahiya!
Bahagya namang tumawa si Prinsipe Seji. "Hihintayin na lamang kita rito sa labas ng iyong silid hanggang sa makapag-ayos ka Lady Ayane."
BINABASA MO ANG
Into the Book | ON HOLD
Historical FictionHighest ranks achieved: #49 in Historical Fiction #1 in Dynasty #26 in Books #60 in Timetravel #51 in Lady #15 in Otaku [BOOK 1 OF BOOK DUOLOGY] Almira Akanishi is like a living book. Halos lahat na yata ng sikat na novels ng mga sikat na authors...