Chapter 02: Restricted Book

295 112 15
                                    

Chapter II

RESTRICTED BOOK

"Welcome Almira. By the way I'm Takeshi , nice meeting you."

Takeshi pala ha? Isi-search kita sa FB mamaya. Ay wait! Paano ko siya isi-search eh hindi naman pala niya sinabi ang apelyido niya. Ni hindi ko nga rin nakita ang mukha niya, kasi nga madilim. *sigh*

Pagkababa ko ng taxi ay sinalubong ako ni Mama na may dala-dalang payong. "Nakalimutan mo na naman ang payong mo. Ikaw talagang bata ka."

"Hehehe! Sorry na Mama."

"Che! Ewan ko sayo. Tara na nga sa loob at nagluto ako ng rāmen." Wow! Tamang-tama gutom na ako!

***


"Bakit ka ginabi ha, Almira?"

*cough* *cough*

Naibaba ko tuloy ang hawak kong baso ng biglang magtanong si Mama. "Oh ayos ka lang, nak?"

Nu ba 'yan, akala ko nakatakas na ako sa tanong na 'yan ni Mama, hindi pa pala.

"Hehehe. Opo mama. Ayos lang po ako, may naka-isip lang siguro sa'kin," palusot ko.

"Asus. Oh bakit ka nga ginabi?" I gulped. Patay ako nito kay Mama kapag nalaman niyang nagtatrabaho ako sa library as a punishment. Huhuhu! >_<

"Ahm... Ma, ang sarap mo talagang magluto ng rāmen! Dabest ka tala-"

"Almira," sabi ni Mama na may halong pagbabanta. Waaah! Hindi siya naniwala sa palusot ko. What to do?

"Ah-eh..." gosh! Wala akong maisip na palusot.

"I-o-u? Anak naman! Tapos na akong mag-aral. So ano nga? Umamin ka nga sa'kin Almira, anong nangyari?" paktay na talaga! *sigh* No choice na ako.

Kinuwento ko kay Mama lahat ng nangyari kanina simula dun sa classroom hanggang sa library pwera lang dun sa part na sinabay ako ni Kenta papuntang sakayan. No way! Siguradong kukulitin lang ako ni mama kapag sinabi ko 'yun.

"Ah, ganon ba anak? Sige ipagpatuloy mo lang 'yan." What?!

I looked at my mother, wide-eyed. "Ma naman eh! Hindi ka man lang po ba pupunta sa school para ipagtanggol ako? Or atleast magalit man lang?" Eh kasi diba, 'yun naman talaga ang normal na dapat gawin ng isang ina para sa kanyang anak? Woah! Ang lalim non ah.

She just gave me a smile before answering, "Ayoko nga, masyadong mae-expose ang beauty ng Mama mo doon no, edi pinagkaguluhan pa ako ng mga kaklase mo," sabi niya sabay flip ng hair. *sigh*

Bakit ko nga ba ine-expect si Mamang gawin ang mga normal na bagay na ginagawa ng isang ina? E hindi nga pala siya normal. Hay naku. I should note that to myself.

Inirapan ko lang si Mama at tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Oh wait! Don't get me wrong ha, I'm not mad with my Mom. Ganon lang talaga kami sa isa't isa, parang mag-tropa lang. But of course, there's a limitation, me as her daughter and she as my mother.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang mag-salita si Mama, "Ahm, anak... Ang Papa mo ba-Ah wala. Sige, kumain ka lang wag mo na akong intindihin." Napatingin ako kay Mama ng biglang lumungkot ang expression niya. Hay. Kapag talaga si Papa ang topic, nagiging ganyan siya.

"Sorry Ma, pero hindi pa rin po kasi naglalabas ng bagong libro si Papa eh. Hayaan niyo po, pag may free time po ako, pupunta ako sa bookstore," nakangiti kong tugon kay Mama. I lied about that, araw-araw akong napunta sa bookstore. Ayoko lang talagang ipaalam kay Mama.

Into the Book | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon