Chapter X
PRINCE AND PRISON
[Mortal World]
Rei's PoV
Agad akong bumalik sa school para tignan ang library. I don't know but I have this feeling that something's not right. Pagkadating ko doon ay agad na hinanap ng mga mata ko si Almira. Shit! Where is she?
Naghanap pa ako hanggang sa makarating ako sa may dulong bahagi ng library which is ang restricted section. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng matanaw ko ang walang malay na si Almira at hindi siya nagiisa...
“S-sir Arata...”
“Nangyari na ang iniiwasan nating mangyari Rei. Almira is already into the book,” walang emosyong sabi ni Sir Arata na diretsong nakatingin sa'kin.
Napatungo ako. “Kasalanan ko po. Hiniyaan ko siyang magisa dito sa library kaya dapat ako ang sisihi—”
“Wala kang kasalanan Rei. Nakatadhana ng makapasok si Almira sa loob ng libro dahil bahagi siya nito,” seryosong sagot niya na taimtim na nakatingin sa natutulog na si Almira.
“Pero kailan po siya babalik?”
“Sa susunod na eclipse,” sagot nito. “Matapos niya man o hindi ang kwento sa loob ng libro, babalik siya dito sa oras na magkaroon muli ng eclipse. Ngunit sa ngayon, wala tayong ibang magagawa kundi hintayin ang susunod na eclipse,” tumalikod siya sa'kin at humarap sa malaking salamin kung saan tanaw ang nagliliwanag na buwan.
“Pero anong sasabihin natin sa mama niya? Siguradong nagaalala na siya kay Almira.”
“We do not have a choice but to make up a story,” napaangat ako ng tingin kay Sir Arata.
“Hindi po natin sasabihin sa mama niya ang totoo?”
“No. Hindi siya maniniwala sa'tin Rei, dahil hindi pa naman siya nakakapasok sa loob ng libro,” he answered. “Kailangan nating paniwalain ang mama niya na naaksidente si Almira at na-comatose. In that way, hindi siya magtataka kung bakit matagal na natutulog ang anak niya. For now, call Ami.”
“Y-yes.”
I sighed. I guess we do not have a choice but to lie. I'm sorry Almira.
***
“A-ano? Naaksidente si Almira at ngayon ay comatose?” nahawakan ko agad si Mrs. Akanishi ng manghina ito at napaupo sa sahig.
“We're really sorry about this Mrs. Akanishi. Our school will pay all the hospital expenses while Almira is here,” Ms. Ami answered. Siya ang nagasikaso ng pag-a-admit dito kay Almira. Madali naming napeke ang medical results niya because this hospital belongs to Yamazakis.
“P-paanong naaksidente ang anak ko?”
“N-nahulog po kasi sa hagdan si Almira kahapon. It's just happen na bumalik po ako sa school dahil may naiwan po akong gamit, and there I saw Almira. Mabuti na lamang po at nadala po agad namin siya sa hospital. We're really sorry Tita,” hindi ako makatingin ng diretso kay Mrs. Akanishi dahil nakokonsensya ako sa pagsisinungaling. I really hope na magising na si Almira.
“Rei, samahan mo muna si Mrs. Akanishi sa kwarto ni Almira,” utos ni Ms. Ami.
“Sige po. Tita, halika na po.”
BINABASA MO ANG
Into the Book | ON HOLD
Historical FictionHighest ranks achieved: #49 in Historical Fiction #1 in Dynasty #26 in Books #60 in Timetravel #51 in Lady #15 in Otaku [BOOK 1 OF BOOK DUOLOGY] Almira Akanishi is like a living book. Halos lahat na yata ng sikat na novels ng mga sikat na authors...