Chapter III
️BLOOD MOON
Nang makarating ako sa bahay ay nagpalit na agad ako ng damit at tsaka itinago sa bulsa ng palda ko ang maliit na susi ng library na binigay sa'kin ni Rei-neechan kanina.Pagkabihis ko ay dumiretsyo na agad ako sa kusina kung saan sigurado akong nagluluto si Mama.
"Wow! Mukhang masarap 'yan Mama ah," sabi ko kay Mama ng makarating ako sa kusina at nadatnan ko siyang nagluluto ng favarite kong rāmen (Japanese food).
"Aba syempre naman anak, ako pa ba?" nakangiting sagot ni Mama.
Pagkatapos magluto ni Mama ay napagdesisyonan naming sa sala na lang kumain habang nanonood ng t.v.
Inilapag ko ang isang mangkok na puno ng rāmen at isang platitong may lamang ilang pirasong sushi sa may wooden table sa sala, habang si Mama naman ay abala sa pagbubukas ng t.v.
"Mira, paki-handa na rin ng tubig ha," utos ni Mama na abala pa rin sa paglilipat-lipat ng channels.
"Opo."
Dumiretsyo na ako sa kusina para kumuha ng dalawang baso at dalawang pares ng chopsticks, kinuha ko na rin ang isang pitsel ng tubig sa may refrigerator.
Pagkadating ko sa sala ay naabutan ko si Mamang tutok na tutok sa t.v. "Ma, kain na tayo," pagtawag ko kay Mama pero parang hindi naman niya ako narinig dahil nasa t.v. para rin ang atensyon niya. Hay.
"Ma," sabi ko habang kinukulbit siya.
"Hmm?" sagot niya pero sa t.v. pa rin ang tingin. Woo!
"Mama sabi ko kain na tayo. Ano po ba 'yang pinapanood niyo at hindi ko kayo ma-abala?" tanong ko kay mama at sa wakas, nakuha ko na rin ang atensyon niya.
"Super blue blood moon anak! Ang galing no?" excited niyang sagot. Ano daw 'yun?
Tiningnan ko yung pinapanood ni mama at balita pala 'yun. Naka-display sa t.v. ang picture ng isang kulay dugong buwan na may caption na 'Super Blue Blood Moon, masisilayan bukas.'
"Panoorin natin bukas anak ha, tapos kunan natin ng pictures! Mga 6:30 daw yan ng hapon magpapakita eh. Excited na ako!"
"Ah sige po." Super blue blood moon? Mukhang interesting.
**Kinabukasan**
Usap-usapan na rin dito sa school ang tungkol sa super blue blood moon na magaganap mamaya. Actually, excited na rin ako pero mas pinili kong magbasa na lang sa isang tabi at manahimik.
Pagkadating ng teacher namin ay nagsimula na ang discussion at natigil pansamantala ang usapan nila tungkol sa super blue blood moon.
***
"Ok. Class dismissed." Pagkasabi ng class adviser namin niyan ay nagkanya-kanya ng labas ang mga kaklase ko. Nagpahuli na ako dahil ayokong makipagsiksikan sa kanila, hindi naman aalis ang pintuan diyan eh.
Pagkalabas ko ng classroom ay dumiretsyo na agad ako sa library.
Nagulat ako pagkadating ko dahil may ilang mga estudyanteng naka-tambay sa may labas ng library at mukhang mga inip na inip na. Ano kayang meron?
BINABASA MO ANG
Into the Book | ON HOLD
Historical FictionHighest ranks achieved: #49 in Historical Fiction #1 in Dynasty #26 in Books #60 in Timetravel #51 in Lady #15 in Otaku [BOOK 1 OF BOOK DUOLOGY] Almira Akanishi is like a living book. Halos lahat na yata ng sikat na novels ng mga sikat na authors...