Chapter V
A NEW FRIEND?
"Sino ba si Lady Ayane?" seryosong tanong ko kay Nanika.Gusto kong malaman kung sino ba 'tong Lady Ayane na 'to, na akala nila ako. Kung kailangan kong magpanggap bilang siya, sige gagawin ko. Kailangan kong maka-survive sa lugar na 'to, no matter what happens.
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan Lady Ayane-"
"Seryoso ako Nanika. Pwede bang kwentuhan mo ako tungkol sa'kin?" seryosong sagot ko kay Nanika. Kailangan kong malaman kung paano kumilos si Lady Ayane, kung anong pag-uugali niya at kung sino siya sa mundong 'to.
"S-sige." Mukhang nagulat ko yata si Nanika dahil sa tanong ko. Pero ok na rin 'yon, dahil napapayag ko siya.
"Salamat Nanika." nakangiti kong sagot sa kanya.
***
"Talaga? Ganon kakulit si Lady Ayane? I mean, ako?" tanong ko kay Nanika habang naglalakad kami papuntang pamilihan. Sabi niya kasi, samahan ko na lang daw siyang mamili habang nagku-kwento siya, so pumayag na ako. Hindi ko naman alam na malayo pala ang super market nila dito mula sa tirahan ni Lady Aina. Hays.
"Anong ibigsabihin ng I-I mean, Lady Ayane? Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi," tanong niya. Ay! Hindi nga pala uso dito ang English words.
"Ibig kong sabihin ang ibigsabihin non Nanika," nakakatawa ang itsura niya. Hahaha! Lalo lang siyang naguluhan sa sinabi ko. "Wag mo na lang pilitin ang sarili mong intindihin pa 'yon Nanika. Sagutin mo na lang 'yung tanong ko sayo, sige na," pangungulit ko sa kanya.
"Ah, oo. Pasaway ka talaga Lady Ayane, kahit kailan. Alam mo bang muntikan ka nang ipatapon sa labas ng Emperyo noong bata ka pa, dahil sa pagnanakaw mo ng pagkain sa kusina ng palasyo? Mabuti na lamang ay ipinagtanggol ka ni Lady Aina. Grabe, sa tuwing naaalala ko 'yon ay gusto kong maiya," naiiling na sagot niya. Bakit naman?
"Bakit gusto mong maiyak? Dahil ba nag-alala ka sa'kin?" Yiee. Ang sweet niya naman pala eh.
"Anong nag-alala?! Dinamay mo kaya ako noon at sinabing ako ang nag-utos sayo. Grabe ka. Pati tuloy ako, muntikan ng ipatapon sa labas ng Emperyo," nakangusong sagot ni Nanika. Pfft! May common denominator pala kami nitong si Lady Ayane. Hahaha!
"Talaga? Hahaha!" sagot ko habang natawa.
"Oo Lady Ayane, lagi mo akong dinadala sa kapahamakan. O teka! Andito na pala tayo," sabi ni Nanika. Napatingin naman ako sa paligid ko at tama nga siya, andito na kami sa pamilihan nila.
At infairness ha, ang linis dito. Di katulad sa mga palengke sa'min.
"Lady Ayane dun tayo," sabi niya sabay turo dun sa isang stall na puro accessories.
Sumunod na lang ako sa kanya dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar na 'to baka mamaya maligaw pa ako eh.
Nang makarating kami doon, ay nagningning ang mga mata ni Nanika. Mahilig pala siya sa accessories?
"Ang ganda diba?" sabi ni Nanika habang hawak-hawak ang isang kulay rosas na bracelet na may nakasabit na maliit na pendant na hugis bituin.
BINABASA MO ANG
Into the Book | ON HOLD
Historical FictionHighest ranks achieved: #49 in Historical Fiction #1 in Dynasty #26 in Books #60 in Timetravel #51 in Lady #15 in Otaku [BOOK 1 OF BOOK DUOLOGY] Almira Akanishi is like a living book. Halos lahat na yata ng sikat na novels ng mga sikat na authors...