Chapter 14: Destined Fate

121 36 3
                                    

This chapter is dedicated to joezenzhae, pakkiopot, ating1472, jollyjowan, UnlovableGentleman, Asteroid4716, jongster28, atanaSHYxxHighest_Apple RKLapid AranixxVida alluringli

Maraming salamat po sa walang sawang pag-suporta mga frennies! Natutuwa talaga ako at nakatagpo ako ng mga mababait at magagaling na author dito sa wattpad. Salamat sa inyo! Asahan niyong patuloy kong susuportahan ang mga stories niyo at pagiibayuhin ko pa ang aking pagsusulat. ❤

Stay safe guys and enjoy reading!


P.S. Picture of Ami Yamazaki (Mizuki Yamamoto) on the multimedia box.

***

CHAPTER XIV

DESTINED FATE


[Mortal World]

Rei's PoV

“S-sigurado na po ba kayo sa gagawin niyo?” nag-aalang tanong ko kay Ms. Ami.

Sabado ngayon at walang mga klase. Andito kami ngayon sa library ng school at inihahanda ang mga kakailanganing gamit para sa gagawing pagpasok ni Ms. Ami sa loob ng libro.

And yes, she will now enter the world inside the book.

This will be the second time na gagawin ito ni Ms. Ami. Ang unang beses ay noong ako ang napasok sa loob ng libro. I once lived inside the book kaya't hindi na ako nabigla pa ng mawala si Almira at mapasok din sa loob ng libro.

We have this some kind of strings that let us enter the book. Marahil dahil na rin sa kamukha nga namin ang mga characters sa libro but I still believe that there is more than that.

Ms. Ami is the only one who can go inside and outside the book anytime she wants. Nagagawa niyang manipulahin ang karakter niya sa loob sa oras na mapasok siya sa libro. Mawawalan ng malay ang pisikal niyang katawan katulad ng nangyari kay Almira.

But everything has its own consequences.

Sa oras na pumasok siya sa libro ay tuluyan ng manghihina ang pisikal niyang katawan. The longer she stays inside the book, the more dangerous it will be. Maaari siyang mawalan ng malay ng ilang araw or worst...

Pwede niyang ikamatay ito.

“Huwag kang mag-alala Rei, walang mangyayaring masama sa'kin,” nakangiting wika ni Ms. Ami.

“P-pero...”

Hinawakan niya ang kamay ko at muli ay ngumiti. “Kailangan kong gawin 'to Rei, katulad ng ginawa ko noong ikaw ang napasok sa loob ng libro. Almira needs our help and this is the only way.”

Binitawan niya na ang kamay ko at nagpatuloy sa pag-aayos. I sighed.

She's right. Almira needs our help at ako dapat ang nakaka-alam kung gaano kahirap at nakakatakot mamuhay sa mundong hindi mo alam.

Into the Book | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon