Chapter 11: Rivalry

152 61 1
                                    

Chapter XI

RIVALRY

“I-ikaw si Prinsipe Katsuo? At-at ang iyong ina ang nagpakulong sa'kin?”

Kumunot ang noo nito. “Bakit parang nagulat ka? Simula pagkabata ay magkakilala na tayo kaya't paanong nakalimutan mo ang tungkol dito?” seryosong tanong nito.

I gulped. “A-ah... Ang ibig kong sabihin ay ikaw nga ang kababata kong si Katsuo! Naalala ko na. Ha-ha-ha. Nagiging makakalimutin na kasi ako nitong mga nakaraang araw,” sagot ko sabay pilit na tumawa.

Hindi katulad ng iba, mukhang hindi siya kumbinsido na nagiging makakalimutin na ako. Diretso lamang siyang nakatingin sa'kin na tila sinusukat ang kabuuan ng mukha ko. Jusko, mukhang mabubuking pa ata ako!

Naiilang na ako sa pagtitig niya sa'kin kaya nagsimula na akong tumalikod sa kanya upang umalis ngunit agad din niyang nahawakan ang braso ko, “Teka lang Ayane. May nais lang akong malaman...”

Lalo akong kinabahan dahil napaka-seryoso ng boses niya. Hindi kaya, alam na niyang hindi talaga ako si Ayane?

Dahan-dahan akong humarap sa kanya nang hindi tumitingin sa mga mata niya. “A-ano 'yun?” kinakabahang sagot ko.

Nagulat ako ng bigla niyang iangat ang aking mukha at itinapat ang kanyang mukha sa'kin. Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin to the point na naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Juicecolored, 'bat ba masyadong lapitin sa gwapo 'tong si Ayane.

Tinitignan niya ang bawat sulok ng mukha ko na para bang may hinahanap siya. Maya-maya pa ay huminto ito sa'king mga mata.

“May lugar pa ba ako sa iyong puso Ayane?” mahina ngunit punong-puno ng emosyon na tanong niya.

Napalunok ako. Hindi ako makasagot dahil parang naestatwa na ako sa kinatatayuan ko. Jusko, eh ngayon ko nga lang siya nakilala eh.

Nang hindi ako sumagot ay tumungo ito. “Marahil nga ay si Daisuke pa rin.” malungkot na saad nito.

What? Hindi ah. Baka si Ayane oo, pero don't worry ako si Almira kaya may chance ka pa. Hihihi. Umiling ako sa naisip ko. This is not the right time para lumandi Ayane, ok?

Nanatili kami sa ganong sitwasyon ng walang umiimik sa'ming dalawa. Maya-maya pa ay may biglang naglagabog ng pinto sa labasan ng kulungan at walang anu-ano'y hinila ako mula kay Prinsipe Katsuo.

“At ano sa tingin mo ang ginagawa mo Katsuo?”

Napaawang ang bibig ko ng makitang galit na galit si Prinsipe Daisuke habang diretsong nakatingin kay Prinsipe Katsuo na ngumisi lamang. Naguguluhan man sa nangyayari ay minabuti kong pumagitna sa kanilang dalawa.

“T-tama na Prinsipe Daisuke. Pakiusap, kumalma ka muna.”

Binaling niya sa'kin ang masamng tingin. “At ikaw, hindi na sana ako nag-abalang pumunta pa rito upang ikaw ay iligtas sa pagaakalang kailangan mo ng tulong. Kung alam ko lamang na nakikipaglandian ka lang din naman kay Katsuo ay sana hindi na—”

*Pak!*

I slapped him as hard as I could and the hell I care? Hindi ko mapagilan ang sarili kong sampalin siya dahil hindi ko matanggap ang mga sinabi niya. No one else before tell me something like that, not even my mother.

“Kahit kailan ay hindi ko nilandi si Prinsipe Katsuo, Kamahalan. Kung wala ka ng ibang magandang sasabihin ay mauuna na kami,” I said then I slighly bowed my head as a sign of respect, bago hinila si Prinsipe Katsuo palabas ng kulungan.

Into the Book | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon