Chapter XIII
DREAMS VS. REALITY
Third Person's PoV
"Ayane!"
Agad na nasalo ng kawal ang walang malay na si Ayane bago pa ito mahulog sa sahig.
"At anong drama 'to? Hindi ako naniniwalang nawalan ng malay ang babaeng 'yan," galit na wika ni Prinsesa Natsumi. "Marahil isa lang 'yan sa kanyang mga taktita upang makatakas. Mga kawal, dakpin ang babaeng 'yan!"
Bago pa makalapit ang mga kawal ay nagsalita ang lalaki sa tabi ni Ayane. "Subukan niyong lumapit at sinisiguro ko sa inyo na hindi niyo gugustugin ang parusang ipapataw ko sa inyo," saad nito sa napakaseryosong tono.
Agad napatigil ang mga kawal ng marinig ang tila pamilyar na boses nito. Maging si Natsumi at ang kanyang ina ay napahinto rin.
Tinanggal ng lalaki ang kanyang suot na sumbrero na ikinagulat ng lahat. "P-prinsipe Daisuke..."
Agad nagbigay galang ang lahat at yumuko sa prinsipe.
"D-daisuke, hindi ka man lang nagsabi sa'kin na dadalaw ka sa Emperyo. Nakapaghanda sana ako-"
Hindi na natapos pa ng prinsesa ang nais sabihin nang putulin ito ni Daisuke, "Kailan pa kita binigyan ng pahintulot na tawagin ako sa aking pangalan ng walang paggalang?" seryosong sagot nito.
"Ipagpaumanhin mo Mahal na Prinsipe," nakayukong sagot ng prinsesa.
Binuhat ni Daisuke si Ayane ngunit agad itong nilapitan ni Katsuo. "Ako na ang magdadala sa kanya Kamahalaan."
Tinitigan siya ng huli at ngumisi. "Akala ko ba ay iingatan mo siya? Hindi bat sinabi ko sayo na sa oras na may mangyaring masama kay Ayane, hindi ako magdadalawang-isip na bawain siya sayo?"
Nagsukatan ng tingin ang dalawang prinsipe at hindi nagtagal ay si Katsuo ang unang bumawi ng tingin. Alam niyang tama ang lahat ng sinabi nito at maski siya ay nadismaya sa kanyang sarili ng hindi man lang niya magawang ipagtanggol ang babaeng kanyang minamahal.
Lumapit si Daisuke sa emperatris ng Akishino. "Ipagpaumanhin niyo po Emperatris Mariko ang hindi ko pagbibigay paalam sa pagpunta dito sa Emperyo."
"Ayos lang Mahal na Prinsipe. Karangalan ng buong Emperyo ng Akishino ang pagsilbihan ang susunod na Emperador," magalang na wika nito.
"Kung ganon ay nais ko sanang humiling ng isang pabor," sagot ng prinsipe.
Almira's PoV
Puti. Halos lahat ng nakikita ko sa paligid ay kulay puti. Teka nasan ba ako? Don't tell me nasa langit na ako at patay na ako sa mga oras na 'to? My ghad!
Ang huling naalala ko ay nasa Emperyo ako ng Akishino kaharap ang malditang prinsesang si Natsumi. After that ay tinulak niya ako pagkatapos kong yakapin si-
"M-mama?"
Napako ang tingin ko sa isang babaeng nakaupo sa tabi ng isang kama. Hindi na ito nakasuot ng kimono katulad ng huling naalala ko.
BINABASA MO ANG
Into the Book | ON HOLD
Historical FictionHighest ranks achieved: #49 in Historical Fiction #1 in Dynasty #26 in Books #60 in Timetravel #51 in Lady #15 in Otaku [BOOK 1 OF BOOK DUOLOGY] Almira Akanishi is like a living book. Halos lahat na yata ng sikat na novels ng mga sikat na authors...