Chapter 01: Punishment

386 125 74
                                    

Chapter I

️PUNISHMENT


Almira's PoV

Oh my gosh! Oh my gosh!

Ito na yung part na maglalaban na sila Harry Potter at Lord Voldemort! Ilang chapters na lang matatapos ko na ang Harry Potter and the Deathly Hollows! Yes! Isang malaking achievement 'to para sa'kin. Halos makumpleto ko na kasi ang Harry Potter's series, isa na lang. At 'yun ay ang last book nito na Harry Potter and the Cursed Child. Huhu pag-iipunan ko pa 'yun. >_<

“Ms. Akanishi, are you listening?”

Aba naman kasi, ¥500 (yen) o higit pa ang presyo ng isang 'yun. At take note, hindi pa hardbound 'yun ha! If I'm not mistaken, nagkaka-halaga yun ng ¥1,000 plus, kapag hardbound o original copy, di ko sure e. Hindi naman kasi ako mayaman no!

“Ms. Akanishi? Ms. Akanishi?!”

“Ay Harry Potter!” Nagulat ako dahil sa pagsigaw ni Sensei (Teacher). Tapatan ba naman ako sa tenga.

“Pfft! Nasa ibang mundo na naman 'yang si Mira for sure.”

“What do you expect? Eh, 'yan ang dakilang book addict ng classroom na 'to. Oh wait! Let me repeat that, ng buong school pala.” At napuno ng tawanan ang buong classroom. Weird. Ano bang nakakatawa?

“Quite!” Aray ko yung eardrums ko nabasag! Grabe naman 'tong si Sensei kung makasigaw eh! Parang nakalunok ng megaphone.

Bigla naman silang nagsitahimikan, sila lang, hindi ako kasali no. Hindi nga ako nagsasalita dito e.

“Ms. Akanishi,” tawag ni Sensei na masamang nakatingin sa'kin. Oh, bat nadamay ako diyan? Nanahimik ako dito e.

“Po?” takhang tanong ko kay Sensei na naka-kunot ang noo, kaya ang agang mag-mukhang matanda eh. Pfft.

“Hindi ba't sabi ko sa'yo, hindi ka pwedeng magbasa ng kahit na anong libro kapag may klase tayo, Ms. Akanishi?” Ano daw? Bawal magbasa ng kahit na anong libro sa klase? Labo naman nito ni Sensei.

Tsk tsk! Kailangan kong paliwanagan 'tong si Sensei kundi lugi kaming mga estudyante. Para na rin sa kapakanan ng buong klase. Laban!

I cleared my throat for a long speech. “Eh Sensei, paano po ako matuto kung hindi ako magbabasa ng libro sa klase? Eh diba po, nasa libro lahat ng nile-lesson natin? Ano 'yan Sensei, favoritism? Sila pwedeng matuto, ako hindi? Tapos ano Sensei? Ang ending, sila ga-graduate, ako hindi? Unfair naman po ata 'yan—”

“What I mean is—” Hindi ko na pinatapos pa si Sensei sa pagsasalita dahil inunahan ko na siya.

“Hindi Sensei eh! Unfair po kasi talaga! Ganon na lang po ba 'yon? Pagkatapos po ng lahat ng paghihirap ng mga magulang ko para lang may maibayad sa pang-tuition ko dito, tapos wala din pala akong matututunan? Hindi po ako papayag diyan! Never! As in never talag—”

Napatigil ako sa pagdakdak ng mapatingin ako kay Sensei. *gulp*  Oh my Harry Potter! Para siyang mangangain ng tao!

“Go to the principal's office, now!”

“As in now na po?” Nakangiting tanong ko kay Sensei. Ano ba! May klase pa kaya kami no. Baka naman papeymus 'tong si Sensei, at gustong hintayin ko pa siya—

“Argh! Now!”

Ay takteng 'yan! Ang sakit sa tenga!

***

“Please sit down.” Hay naku! Kahit hindi ko marinig 'yang linyang 'yan, uupo talaga ako no! Ngalay na ngalay na kaya ako kaka-lakad.

Into the Book | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon