Chapter VI
️IN DANGER
Ano raw? Tama ba yung pagkaka-rinig ko?"Seryoso ka ba?"
Ngumiti naman siya sa'kin, ngunit hindi katulad kanina ay sinsero ang ngiti niya ngayon. "Oo naman. Pagpasensyahan mo na ako kanina, Binibini. Natutuwa lamang ako sa'yo dahil ikaw pa lamang ang naglakas-loob na sigaw-sigawan ako. Kakaiba ka Binbini," sabi niya tapos ay naupo sa isa sa mga bench dito sa garden.
"Anong ibig mong sabihing, ako pa lang? Ganon ka ba kinatatakutan dito?" tanong ko.
"Oo, dahil isa akong- isa akong anak ng mataas na opisyal," sagot niya na nakapagpa-taas ng kilay ko.
"Eh ano naman ngayon kung anak ka ng mataas na opisyal? Hindi naman ikaw yung 'mataas na opisyal' mismo eh, anak ka lang niya," prangkang sagot ko sa kanya. Totoo naman eh. Tsaka nakaka-asar kaya yung mga taong lagi na lang ipinagmamalaki ang mga magulang nila, na kesyo ganito nanay ko, ganito ang tatay ko. Tss!
"Hahaha! May punto ka, Binibini. Ngunit wala kang magagawa dahil ganito talaga ang patakaran dito. Teka nga, bakit ba away mong maupo?" Hays, di ba obvious?
"Wala akong tiwala sayo no, baka mamaya kung ano pang gawin mo sa'kin eh."
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya kanina ha, bwusit na 'to pina-kaba ako. Pero nagulat ako ng bigla siyang tumawa sa sinagot ko. Iba rin 'to eh, imbis na mainsulto, natuwa pa.
"Hahaha! Ganon ba? Eh nakikipag-usap ka na nga sa'kin ngayon eh. Huwag kang mag-alala, mabait naman ako, Binibini."
"Ah basta, hindi kita kilala kaya aalis na ako." Akmang tatalikod na sana ako, nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng pag-hawak sa kamay ko. Ang hilig talagang mang-hila ng isang 'to!
"Kung ganon ay hayaan mo akong magpakilala ng pormal sayo, Binibini," nakangiting sabi niya. Aish! Ang kulit!
"O sige na nga! Basta siguraduhin mong wala kang gagawing kalokohan ha?" paninigurado ko.
"Oo pangako. Tara na't maupo."
Iginiya niya ako papunta doon sa inuupan niya kanina at tsaka kami parehas na naupo, pero syempre malayo ang distansya naming dalawa.
After a few minutes, ay siya na ang unang nagsalita. "Ako si- si Shinju. Ikaw Binibini anong iyong pangalan?" basag niya sa katahimikan.
Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba ang pangalan ko o hindi, but somehow I realize na wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko. Tutal pangalan naman ni Ayane ang gagamitin ko eh. "Ayane, Ako si Ayane," sa wakas ay sagot ko.
"Kung ganon ay ikinagagalak kitang makilala Ayane. Ngayon na magkakilala na tayo, ay pormal na tayong magkaibigan. Sigurado akong malaking karangalan 'to para sayo Ayane kaya, walang anuman," sagot niya na nakapag-pataas na naman ng kilay ko.
Wow lang ha, ang taas din ng kumpiyansa ng isang 'to! Grabe, karangalan ko pa talaga? Eh siya nga 'tong halos habulin na ako kanina para lang makipag-kaibigan, tapos ngayon karangalan ko pa? Di ko ma-reach ang kayabangan ng isang 'to!
"Hoy ikaw ha, tigil-tigilan mo ako sa mga kayabangan mo."
"Nagbibiro lamang ako Ayane. Hahaha!" natatawang sagot niya.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napatawa na lang din ako sa ginawa niya, "Hahahaha!"
Masarap pala magkaroon ng kaibigan no? Bukod kasi kay Nanika, na ayon sa kanya ay matagal ko ng kaibigan, wala akong naging kaibigan noon, I mean sa school. Lahat kasi sila ang tingin sa'kin ay weird, geek at book addict. No one wants to talk to me before, kasi daw mahirap daw akong kausap. Lagi daw kasi akong naka-focus sa books. But still, wala akong pinagsisisihan sa mga 'yon. Masaya ako noon kahit walang kaibigan, but now I realize na masarap din palang magkaroon ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Into the Book | ON HOLD
Fiksi SejarahHighest ranks achieved: #49 in Historical Fiction #1 in Dynasty #26 in Books #60 in Timetravel #51 in Lady #15 in Otaku [BOOK 1 OF BOOK DUOLOGY] Almira Akanishi is like a living book. Halos lahat na yata ng sikat na novels ng mga sikat na authors...