Chapter 12: The Princess from Akishino

142 59 3
                                    

Chapter XII

THE PRINCESS FROM AKISHINO

"Dahil nakita ko kayong naghahalikan ni Katsuo!"

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Katsuo na iiling-iling lang at tila pigil na pigil ang pagtawa. Ano ba kasing pumasok sa utak nito at kung ano-ano ang pinagsasabi!

"Naghahalikan? Kami? Kailan? Saan?"

"Huwag ka ng magmaang-maangan, kitang kita ko kayo kanina sa selda!" sagot nito na hindi makatingin sakin ng deretso.

At teka ano daw? Sa selda?

I sighed. "Hindi kami naghahalikan doon Prinsipe Daisuke. Lumapit lamang siya sakin kanina upang tignan ang aking-" napatigil ako at napaisip. Bakit nga ba siya lumapit? Aish!

"Upang tignan ang iyong?"

"Dumi sa aking mukha! D-diba Katsuo?" lumingon ako kay Katsuo at pinandilatan ito ng mata. Ngumiti ito at alam ko na agad ang tumatakbo sa isip niya. Damn it!

"Tama ang sinabi ni Lady Ayane, Kamahalan. Lumapit lamang ako upang alisin ang dumi sa kanyang mukha," saad nito. "At sa ating dalawa, hindi ba dapat ikaw ang mas nakakaalam na sadyang makalat sa kanyang sarili si Ayane?" dagdag pa nito na tila may ibang pahiwatig at deretsong nakatingin kay Prinsipe Daisuke.

"Hindi mo na kailangang ipaalala pa sakin, lubos kong kilala si Ayane kaya't alam ko ang bagay na iyon," sagot nito na deretso lang ding nakatingin kay Katsuo.

"Mabuti kung ganon. Akala ko kasi ay marami ka ng bagay na nakalimutan magmula noong umalis ka patungong Gyanggu upang magsanay, Kamahalan," kita ko ang pag-ngisi ni Katsuo na tila nang-aasar.

Hindi ko alam pero bumibigat ang pakiramdam ko sa tinginan nilang dalawa na parang anytime magsusuntukan na sila. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang pagkuyom ng mga palad ni Prinsipe Daisuke. Jusme, ni hindi ko nga maintindihan pinaguusapan nila eh.

Tumikhim ako at nagsalita. "Kung wala na po kayong sasabihin Kamahalan ay marapat lamang po na umalis na kami," pagsingit ko sa usapan bago pa humantong 'to sa espadahan.

"Tama si Ayane, aalis na po kami Kamahalan," saad ni Katsuo at yumuko bilang paggalang. Ganon din ang ginawa ko at akmang paalis na sana kami ng biglang magsalita si Prinsipe Daisuke.

"Ingatan mo siya Katsuo. Sa oras na may mangyaring masama kay Ayane ay hindi ako magdadalawang-isip na bawiin siya sayo." seryosong saad nito.

Nagsukatan muna sila ng tingin bago sumagot si Katsuo. "Hindi mo na kailangang ipaalala sakin 'yan Daisuke. Sabihin mo man 'yan o hindi, iingatan ko si Ayane."

Nagulat ako dahil hindi niya tinawag na 'kamahalan' si Prinisipe Daisuke. Pareho lang silang seryosong nagsusukatan ng tingin at sa huli ay si Katsuo ang unang umiwas.

Pagkatapos non ay tuluyan na kaming umalis at lungkot ang nakita ko sa mukha ni Prinsipe Daisuke sa huling pagsulyap ko sa kanya.

***

"Narito na tayo Ayane, maaari mo na akong bitawan," agad akong napamulat at agad-agad na napabitaw kay Katsuo ng hindi ko mamalayan na huminto na pala kami.

Eh jusko naman kasi! Hindi ko alam kung may galit ba siya sa mundo o nakalimutan niyang may sakay pa siyang ibang tao at bigla-biglang bumilis ang pagtakbo niya kanina. Ni hindi ko na nga makita ang paligid ko sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Aish!

Tinulungan niya akong makababa at pagkababang-pagkababa ko ay hinampas ko siya ng malakas sa braso.

"Aray!"

Into the Book | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon