Chapter 04: A World Into the Book

215 102 6
                                    

Chapter IV

A WORLD INTO THE BOOK


"Lady Ayane? Lady Ayane, nasan ka na ba?"

Sino ba yung maingay na 'yun? Istorbo sa pagtulog eh! Siguro isa sa mga estudyante dito sa library. Hays.

Tinakpan ko na lang yung tenga ko at tsaka natulog muli...

"Lady Ayane ikaw ba 'yan?" Ano ba 'yun? Bakit parang palakas pa ng palakas 'yung tunog? Aish!

Babangon na sana ako sa pagaakalang nakahiga ako sa kama, nang bigla akong ma-out of balance at sumalampak sa sahig. Arrgh! Ang sakit!

"Aray ko."

"Lady Ayane! Ayos ka lang ba?" Nagulat ako ng may biglang lumapit sa'kin at inalalayan ako sa pagtayo. Teka nga, pamilyar yung boses niya ah.

Nilingon ko yung tumulong sa'kin at---

Nilingon ko yung tumulong sa'kin at---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"R-rei-neechan?" mahinang tanong ko. Akala ko ba absent siya ngayon? Tsaka ano 'yang suot niya? Kimono?(traditional clothing of Japanese) Dito sa libra---

"Oh my gosh." N-nasan ako?

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Well technically, library pa rin naman 'to, kaso nga lang ang luma niya na tignan. Ang daming old manuscripts na nakasulat sa old Japanese writing system. Wow. Para akong bumalik sa sinaunang panahon ah--- Teka nga...

"Oh my! Yung libro!" Hinanap ng mga mata ko yung libro nang maalala ko kung anong nangyari.

Yung liwanag, yung libro, yung buwan, tapos ngayon naman weird na lugar. Waaah! Mababaliw na ata ako dito!

Pero wait! Hindi ko makita yung libro!

"Lady Ayane, ano bang sinasabi mo?" tanong ni Rei-neechan na maypagka-weird. Seryoso? Kailangan talaga naka-kimono? Kung hindi lang ako namomroblema dito ay tatawanan ko na talaga siya eh, kaso baka ma-offend ko naman siya. Wag na nga.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, "Anong trip mo Ate Rei at naka-kimono ka?" walang halong birong tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi ako nawe-weirduhan sa kanya eh.

Nagtakha naman siya sa tanong ko at tiningnan din ang suot niya tapos ay tumingin din sa'kin, "Wala naman akong nakikitang mali sa aking kasuotan, Lady Ayane. Maging ikaw ay naka-kimono rin naman, at lahat ng nasa Emperyo ay ganito ang kasuotan. Bukod pa po diyan, bakit niyo po ako tinatawag na R-rei-neechan?" magalang na tanong niya. Pero ano daw? Pati ako?

Into the Book | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon