Bella's image above.
THIS IS A DIFFERENT POV FROM THE PROLOGUE
--**--Chapter I: First
Two years after
Bella's POV
Malalalim na asul na mga mata ang taimtim na nakatitig sa akin. Kapansin-pansin din ang itim na linya sa ibabang bahagi nito.
Inayos ko ang aking uniporme at sinimulang suklayin ang abot balikat kong buhok sa harap ng salamin. Maayos na ring nakasabit ang isang kurbata sa leeg ko.
Hindi ko maisip na magiging isa na akong ganap na Grade 11 student. Parang kahapon lamang ay kinakabahan pa akong mag-junior high at ngayon kakaharapin ko na ang pangatlong yugto ng pagiging estudyante ko.
I'm still not ready to be a Senior High student but I have no choice.
"Bella, are you all done?" rinig kong tawag ni Nana mula sa baba.
"Opo, patapos na rin po ako." Lumabas na ako ng kuwarto at dali-daling nanaog ng hagdan pababa.
"Where's mom?" bungad ko nang tuluyan na akong nakarating sa kusina.
"Maaga s'yang umalis kanina," she answered without even looking at my direction. Abalang-abala siya sa paghahanda ng pagkain sa lamesa.
Lumapit ako sa kanya at tumulong na rin sa ginagawa niya.
"Here, take this. Pinabibigay ng mommy mo." She handed me a one thousand pesos. Tinitigan ko lang ito ng ilang segundo sa mga kamay niya. Ano naman ang gagawin ko riyan?
"Are you still mad at her?" Sa halip na sagutin siya kinuha ko na lang ang perang inaabot niya sa akin. Ayaw ko munang pag-usapan ito ngayon.
****
Hawak-hawak ang aking Sherlock Holmes na libro, mabilis akong naglakad sa corridor, nakayuko ang ulo at nakatitig sa sahig.
I did everything I could just to avoid the gaze of the students around me.
Lahat ng nadaanan ko ay abalang-abala sa pagkukwento tungkol sa mga naging bakasyon nila.
This summer has been a tough one for me. Wala pa rin akong progress na nagagawa. Walang nangyari sa lahat ng ginawa kong pagre-research tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari dalawang taon na ang nakalilipas.
Dinala ako ng mga paa ko sa harap sa isang bench dito malapit sa isang malaking puno. I took my seat habang tahimik kong binubuklat ang bawat pahina ng libro ko sa ilalim nitong puno ng Acacia.
Masayang kumakaway ang mga dahon nitong nakikipaglaro sa ihip ng sariwang hangin. Kakaunti lang din ang mga estudyanye at napakatahimik ng lugar. Perfect for someone like me, I must say.
"Busy much." Nagulat ako nang may narinig na nagsalita mula sa likuran ng punong malapit sa kinaroroonan ko.
I turned around and to my surprise I saw Vee . Her short hair bounced as she joined me on my seat. Just by watching her, you can immediately tell that she's a very smart woman, gaining her the title as the mini Einstein here in the campus.
Kuminang ang suot n'yang salamin nang matamaan ito ng sinag ng araw na tumagos mula sa mga dahon ng punong acacia.
"Still thinking about her?" she asked out of the blue.
"Every single second," malungkot kong tugon habang nakatingin sa kawalan.
"You know, Stephanie's the very first person here in the campus who made me feel not alone. I would really be honored if I'll return that favor to her sister." I can see her sweet smile from my peripheral view. Hindi ko siya nilingon at sa halip ay nanatili lamang akong nakatitig sa librong hawak ko.
BINABASA MO ANG
After Past (Completed)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "The truth behind those eyes are twisted lies, and behind those twisted lies is a person in disguise." *** The past still haunts her. She knows that there's more to the story than meets the eye. But as she dig deeper and deeper, more tr...