Silence greeted me as I stepped in our house. Well, it has been like this for ages. You know, my both parents busy with their works. Pero hindi ako magtatampo kahit na gustong-gusto ko na. Hindi ako magrerebelde para lang makuha ang atensiyon nila. Not just because I'm not that kind of a person, dahil kung bibigyan nila ako ng importansya, they would do it willingly. And on the other note, I'm fine with this. I got used to being alone so it's okay.Nilibot ko ng tingin ang loob ng bahay. There's no sign of my parents' presence. Isang katulong namin sa bahay ang naabutan kong naglilinis ng hagdan. I didn't bother to spare some time for a talk with her and I went to my room directly, instead.
Naghilamos muna ako sa banyo bago magpalit ng damit pambahay. Pagkatapos ay nagtungo ako sa study table ko para gawin ang mga assignments ko. It's better to finish it as early as possible.
Natapos ko na ang isang assignment ko nang may kumatok sa pinto.
"Pasok!" sigaw ko. Inikot ko ang swivel chair ko na dating upuan ni Papa sa kaniyang opisina dito sa bahay, para makita kung sino ang kumatok. Pero sino nga ba naman ang ineexpect ko, maliban sa mga kasambahay namin? Well, I was expecting for Mama. It's been a week na kasi pero hindi ko man lang nakita maski anino niya. Maybe she was so busy at the hospital. Neurosurgeon kasi ang Mama ko. Si Papa naman lawyer. A great combination of busy persons, right?
"Ma'am, meryenda niyo po." Tinanguan ko lang ang kasambahay. Pagkatapos niyang mailagay ang tray sa gilid ko ay agad siyang lumabas. She was so timid with her actions. Alam kasi ng mga tao sa bahay na ito na hindi ako palasalitang tao. Believe it or not, I have spent 17 years of my life alone. Well, not literally but you know, having these walls alienate me from others.
Binalingan ko ng tingin ang isang baso ng apple juice at sponge cake, pero wala akong gana para roon. Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa isa pang assignment ko.
Isang oras na ata ang nagdaan. Kanina pa ako nagsusulat-sulat. Nang mapagod ay sinubukan ko namang i-browse ang PC ko at naghanap ng maaaring panuorin. Pero walang bago roon. Nakalimutan kong magdownload. Tumayo ako para sana magtungo sa banyo ng masanggi ko ang bag ko at nagkalat ang laman nito. Umupo ako at kinuha ang mga gamit ko na nahulog ng mapansin ko ang libro. Muntik ko na palang makalimutan ang tungkol dito.
Basta ko na lang inilagay sa study table ko ang mga notebooks at ilang gamit na nahulog kanina, pagkatapos ay nagtungo ako sa gilid ng kama ko para maupo habang nasa libro ang paningin ko. Sinipat ko ulit ang libro at napagtantong wala ang pangalan ng author maski ng publishing company na nagpublish nito. Nagkibit balikat na lang ako at binuklat ang libro.
For you...
'Yan ang mga katagang bumungad sa akin sa unang pahina. What a brief dedication. Napangiti ako dahil doon.
Ilang segundo ko pang tinitigan ang mga letra habang may ngiti sa labi. Para kasing kinausap ako ng author sa mga salitang iyon.I smiled foolishly at myself at mahinang napailing. I'm being silly again.
Isang blankong papel ang bumungad sa akin sa ikalawang pahina. Pero bigla kong naitapon ang libro sa gulat. My God! May ilaw na nagmula sa pahinang iyon hanggang sa lamunin na nito ang libro. I rubbed my eyes, pero hindi ako naghahallucinate. May liwanag nga na nagmumula sa libro! It was so bright that it can blind you.
I closed my eyes and prayed. Baka may sa demonyo ang libro! Sa likod pa naman ng campus ko iyon napulot. Oh God from above and His angels, save me! Malungkot ako sa buhay, oo. Aaminin ko rin pong minsan na akong nag-attempt mag suicide, pero ayoko pa pong mamatay! Marami pang bagay ang dapat at gusto ko pang ma experience. May mga pangarap pa ako. Hindi pa ako nakakarating ng Disney land sa Hongkong. Please 'wag muna!
Napatigil ako sa gulong nasa kaloob-looban ko. Silly how scared we become when death is infront of us, na parang hindi natin nagawang gustuhin na mamatay na lang. When we're sad, we oftentimes resort to suicide. Na para bang iyon na lang ang choice. That, that very moment we want to die, when in fact what we truly want is the pain to subside. Human beings are naturally immature, aren't we?
Hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako habang nakapikit pa rin. Nanginginig pa ako! Because of what? Of fear? Biglang nagpop up sa utak ko ang mga memories ko with Papa and Mama. Dahil doon ay mas lalo akong naiyak ng malakas. Hindi ko pa rin magawang maimulat ang mga mata ko. Natatakot ako na baka si San Pedro ang bumungad sa akin. Oo na, ayoko pang mamatay!
"Mama, Papa!" Iyak ko. Para na akong bata na umiiyak dahil hindi mahanap ang daan pauwi. Parang isang paslit na nahiwalay sa ina habang namamalengke sa divisoria. Ganito pala 'yung feeling pag mamamatay ka na?
Biglang huminto ang mundo ko. Natigil ang pag-iyak at panginginig ko, at biglang kumalma ang puso ko. Pero napalitan ito ng kakaibang kaba. Kaba na hindi ko man kailanman naramdaman. Para bang ang puso ko ay lalabas na sa katawang tao ko. God, what feeling is this? From whom was this warm hug came from? Pero hindi naman nangyayakap si kamatayan hindi ba? This kind of hug was what I've been wanting for. The kind of hug that soothes you inside out. The hug that makes everything okay. Naiyak tuloy ulit ako. Parang hinahaplos ang puso ko. After years of my existence, someone hugged me this way. Kung kay kamatayan man galing ito, then fine. Handa na akong mamatay.
"Hush now, Gretchen."
H-huh? Napatigil ulit ako dahil sa baritonong boses na iyon. Ang husky pala ng boses ni kamatayan. 'Yung tipong pakakalmahin ka pero guguluhin niya ang sistema mo. Magulo? Oo ganun 'yun. Nanghihina rin ang mga tuhod ko. Ganun ka powerful ang boses niya.
"You'll be fine. I'll be here."
Again, these were the words I've been dying to hear. Nagmulat ako at tiningala ang pinagmumulan ng boses. A prominent jaw and a milky but not very white complexion greeted me. Ayoko man ay umusog ako at bumitaw mula sa yakap. Para sana mas makita ang itsura ni kamatayan.
God is undeniably merciful! He perfectly made the death god's appearance to make every heart at ease despite the idea of dying. I reached out my hand to his face and I was envious of how smooth his face despite the hard look of it. The touch of his prominent jaw would make you shudder. His small yet full pinkish lips looked tasteful! Even his nose stood so manly. But his set of dark gray-colored eyes was scary. It was something you are willing to stare at all day long, yet sends fear in your every flesh.
Napako ang atensyon ko sa mga matang maingat na nakatingin sa akin pabalik. It displayed thousands of emotion yet you can't name one. It was like a puzzle, one that was hard to solve. Bumalik ang tingin ko sa labi niya. Napalunok ako at ganoon rin siya. God! His Adam's apple was so sexy. Forgive me, oh God for I have sinned.
Unti-unti kong nilalapit ang mukha ko sa kaniya. This is crazy! I am crazy! This is definitely not me! Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa paglapit ng biglang matauhan ako. My lips was an inch away from his. I could feel his warm breath coming from his nose. But I have made it! I have stopped myself from sinning!
"U-uhm." Nahihiya akong lumayo sa kaniya. I tried to compose for words to say something, but I failed. Napayuko ako habang kagat ang kuko ng hinlalaki ko. Nakakahiya! I was never been touched nor kissed, pero inappropriate pa rin na subukang humalik sa huling pagkakataon. Lalo pa kay kamatayan! Diyos ko. 'Wag sana akong mapunta sa impyerno dahil sa kalapastanganan ko. Patawad po!
YOU ARE READING
Mere Words
Tâm linhLaurisia Mallari is the only child of Dra. Gianna Mallari and Atty. Lawrence Mallari. Having busy persons as her parents, it was indeed tough for her. At a very young age, she had learned to be on her own. She grew up believing that she could conti...