Chapter 14

1 2 0
                                    


Tinapunan ko ng tingin ang likurang bahagi ng classroom. At Abbas' seat to be exact. Ngunit halos patapos na ang pang-umagang pasok ay wala pa rin siya.

Two hours had passed since we parted ways right after eating in the cafeteria. Yeah, I still couldn't believe it that he actually asked me to eat breakfast with him. Well, for his defense, halata raw kasi sa huwisyo ko na wala pa akong kain, thus the invitation.

Ni hindi ko na nga nalasahan ang kinakain ko dahil sa kaba. Samantalang siya, kain kargador.

I wasn't turned off though. 'Yon nga lang, what I felt towards him a while ago wasn't as strong as before. Dati kasi, madapo lang ang mga titig niya sa akin nang hindi sinasadya e para na akong bulate na binudburan ng asin.

I also found it weird, actually.

"Thank God!" sigaw ng isang kaklase ko nang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang pang-umagang pasok sa araw na ito.

Nagsimula na namang maging magulo ang mga kaklase ko. Some were even stretching as if they were so bored for the past two hours, without even taking in consideration that Sir Fed was still at the front.

Well, aaminin ko na boring talaga magturo si Sir, idagdag pa na boring ang 'Introduction to Social Science' para sa karamihan. But I think that was too insensitive. Pero siguro ako lang 'tong nag-o-overthink at problemado para sa iba. Sir seemed to not care at all. Lumabas siya ng room na parang wala lang.

"Laurie, wanna join with us? May bagong bukas na resto sa may labasan and we want to try it out." Mara was all smiled when she invited me. I even saw a hint of hope.

Napatingin ako sa mga kaibigan niyang nasa likuran niya, at nakita ang pagbubulungan nila sa isa't isa. I don't even know if it was me they were talking about, but I felt offended already. Ni hindi sila nakatingin sa banda namin habang nagbubulungan. Dahil doon ay nawala ang kanina'y pagdadalawang isip ko sa offer ni Mara.

This is what I hate about me too. I'm too sensitive. Makakita lang ako ng mga nagbubulungan o nagtatawanan sa paligid ko, feeling ko ako agad ang pinag-uusapan.

I smiled at Mara before I respectfully shook my head. "Salamat na lang."

"I won't take that as an answer. You promised me last time na sasama ka na sa akin pag-aayain ulit kita. Come on, Laurie. Please?"

Ginapos pa ni Mara ang kanang braso ko. Hindi ko naman mabawi ito dahil nahihiya ako. Baka ma-offend ko siya.

"A-ano kasi, m-may lakad ako."

Inayos ko ang salamin ko gamit ang kaliwang kamay ko, at yumuko.

I heard Mara sighed. "Okay. Basta sasama ka na next time, ha?"

Ibinalik ko ulit ang paningin ko sa kaniya. Pagkatapos ay nagdadalawang isip pa akong tumango.

"Sige, take care."

Mara smiled before she went to her friends, and they walked out of the room together. Ako naman ay napabuntong hininga sa sarili ko, dismayado.

When will I be brave for myself? When will I stop doubting everyone?

When will you change, Laurie?

"A penny for your thoughts?"

Inayos ko ulit ang salamin bago napatingin sa taong nag-salita.

"A-abbas, ikaw pala."

Nakapamulsa siya habang mukhang naghihintay sa idudugtong ko sa sinabi ko. When he realized that I have nothing to say, he grabbed the nearest chair to my side by the use of his right feet, and then he sat on it. Medyo hindi pa ako naging komportable sa lapit namin, kahit na half-a-metter naman ang layo niya sa akin.

"M-may kailangan ka?" hindi mapakali kong tanong na naging dahilan ng pagkunot ng noo niya.

"Is it really necessary to have a reason to sit beside you?" his brow was raised. Napayuko naman ako dahil sa pagkapahiya.

Tama nga naman. Classmate ko siya, so basically room niya rin 'to, kaya may karapatan siyang umupo kahit saan man niya gustuhin.

"S-sorry," bulong ko.

"Tss. There's nothing to be sorry about."

Sa sumunod na mga minuto ay katahimikan ang naghari sa pagitan namin. All of my classmates were gone for lunch. I was supposed to go to the golfcourse to have my lunch there as well, pero 'di ko na alam kung paano pa ako makakaalis. Gayong narito si Abbas.

I can't just leave him here alone, right? That would be too disrespectful.

I was left with no choice but to wait for the time to pass by. Si Abbas naman ay namalayan ko na lang na natutulog na sa kaniyang kinauupuan. I was thinking of leaving him, finally that I had the chance, but I no longer have enough time. Kaya wala akong nagawa kundi tiisin na lang ang gutom hangang sa dumating ang oras sa pang-hapong pasok namin.

I thought that was the longest four hours of my life. Salamat na lang at naisipang magdismiss ng maaga ng prof ko sa Oral Communication. Balak pa atang magtagal ng ilang kaklase ko sa room para mag-jamming, kaya ako ang naunang lumabas.

I could hear my stomach growling. Si Abbas naman kasi.

Pero hindi rin siya nakapag-lunch, a?

I looked back and there, I saw him making his way to the other side. Kung hindi lang atat na akong umuwi para kumain at buklatin ang libro, ay baka tinitigan ko na naman siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko, gaya ng dati.

I don't know whether the time today was really that slow, or ako lang iyong atat. On my way home, akala ko nagdaan ang isang buwan bago ako nakarating. I was caught in the traffic kasi. That's why it was already dark when I came home.

Gaya ng dati, wala si Mama at Papa kaya nauna na akong mag-hapunan. I'm not even sure if they'll come home today; not that it's not the usual.

Mabilis ang mga naging galaw ko. Pinagalitan pa nga ako ni Manang nang makita ang paraan ng pagkain ko. Para raw akong hindi nakakain ng isang taon kung umasta.

Naligo muna ako ng mabilisan lang bago nagtungo sa desk ko para umpisahan ang mga kailangan gawin. Para akong nawalan ng lakas nang marealize ang dami ng gagawin. I have three essays to make, one story to write, one math problem to solve, and a movie to reflect.

I looked at my watch. Ganoon na lamang ang pagkadismaya ko nang makitang 8:00 na ng gabi. Inabot ko ang libro mula sa bag ko at ipinatong ito sa lamisa. Malungkot ko itong tinitigan ng ilang segundo.

I sighed. Maybe I'll have to take a pass for tonight.

Itinabi ko na lang ito at sinimulan ng gawin ang mga takdang-aralin. Inuna ko ang panunuod sa 'Pursuit of Happyness' para makagawa ng movie reaction. I even kept on skipping some scenes para mabilis.

But I guess it will not be for tonight. 10:35 na at 'yong movie reaction pa lang ang natatapos ko.

Ano na kaya ang nangyayari sa mundo ni Gretchen? Hay!

I shook my head to shoo away any distractions. Study first, Laurie.

Nagpatuloy ulit ako sa pag-gawa ng mga aralin ko. Exactly 12:00 na nang isang essay na lang ang natira. But then, I fell asleep without even knowing.

Mere Words Where stories live. Discover now