Chapter 18

1 0 0
                                    

Isang marahan na kalabit sa aking balikat ang nagpagising sa akin sa sumunod na araw. No'ng una ay takot pa akong dumilat, ngunit nang marinig ang ibang pangalan na tawag sa akin ay bigla akong nabuhayan.

"Ano ba naman 'yan, Kapatid! Dagdagan mo," angal ni Kuya Geoffe at saka dinagdagan nang dinagdagan ang pagkain sa aking plato.

"K-Kuya, tama na 'yan. Baka 'di ko maubos," nahihiyang sabi ko.

Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin nang may gulat at tuwa sa mga mata. "Nag-ku-kuya ka na, ha! Keep it up!" Saka niya ginulo ang buhok ko. Napanguso na lang ako. Kakasuklay ko lang ng buhok ko, e.

"Hmp! How I wish to have a brother din. Looking at both of you, I think it would be nice," ani ni Juris.

Is Juris an only child?

They all looked at me in unison, with furrowed brows. Teka, have I said the words out loud?! Sa isip ko lang dapat ang tanong na 'yon!

Napagtantong naibulalas ko nga nang wala sa sarili ang tanong nang tanungin ako pabalik ni Juris, "Are you seriously asking me that, Gretch?"

I laughed nervously. Iwinagay-way ko ang mga kamay.

"I was just kidding, ano ba kayo!  Of course, I know!" I safely replied. 'Di na in-emphasize kung ano ba ang ibig kong sabihin. Mahirap na.

Napabuntong-hininga ako nang bumalik sila sa kani-kanilang pinag-uusapan.

"You should be careful. Someone seems to start being doubtful," sabi ni Garius na nakatayo ngayon sa likuran ng inuupuan ko.

I was about to ask him what does he mean by that, when I felt someone across the table looking at me intently. Zareth's watchful eyes didn't leave me, even if I caught him.

Kahit na kinakausap siya paminsan-minsan ng katabi na si Clydinne, ay nanatili siyang nakatitig sa akin.

Napaayos ako ng upo. I nodded at him and showed him a smile. I just hope he didn't saw the nervousness at it.

Yumuko na lang ako sa kinakain at doon itinuon ang atensyon. I wanted to join in their conversation, because it sounded fun, pero mas mabuti na 'yong manahimik na lang ako. Less words, less mistakes.

"So, what are we going to do first? Banana boat, snorkeling, or what?" tanong ni ate Stella.

"Let's just shop na lang kaya muna?" Juris suggested with delight, as if I could see her eyes twinkling.

"Saka na 'yan, Juris. 'Pag uuwi na tayo. Island hopping na lang?" si Clydinne.

"I second Clydinne's motion!" Kuya Geoffe giddily shouted, as he raised his fisted hand. Napatingin pa sa amin ang ilang nasa kalapit na mga mesa dahil sa sigaw niya.

"Don't shout, Geoffe! Kalalaki mong tao," suway ni ate Stella.

"Ano ngayon kung lalaki ako, 'di na pwedeng sumigaw?!" sigaw ulit ni Kuya Geoffe.

Juris hid her face on her palms. Ate Stella shook her head in dismay, with clear annoyance on her face. Si Clydinne naman ay nanatiling kumakain. Si Zareth… uh, 'di ko na nilingon.

"Kuya," mahinang suway ko sa katabi ko.

"Okay, okay!" Kuya Geoffe raised both his hands and did the zipping lips.

Natatawa na lang akong napailing.

I wonder how the real Gretchen handled him. Base on their descriptions kasi, she seems to be someone who gets irritated easily.

The banter continued all throughout our breakfast. Ilang minuto pa kaming nanatili sa kinauupuan dahil 'di pa rin sila maka-decide kung ano ba ang unang gagawin na activity sa araw na ito.

Mere Words Where stories live. Discover now