After that big bang of light, I knew right away that I was transported to Gretchen's world.
Hindi ko mahanap ang tamang salita para ilarawan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yon. I was just genuinely happy, a bit agitated, but very much excited. Halos isang buwan na rin ata o higit pa nang huling magparamdam ito.
Napukaw ako sa aking iniisip nang maramdaman ko ang mainit na sinag ng araw. Nakapikit pa rin ako nang sinubukang sanggain ito gamit ang aking kanang kamay. Nakaramdam din ako ng pangangalay sa may kanang parte ng leeg at balikat ko.
I slowly opened my eyes because of curiosity of where I might was.
"Hala!... S-sorry," I blurted when I saw whose shoulder I was leaning on.
"At gising na nga ang prinsesa, o baka nagpipikit-pikitan ka lang kasi nakasandal ka kay Zareth?" pang-aasar nang lalaking nagmamaneho na sa tanda ko ay Geoffrey ang pangalan, kapatid ni Gretchen na ako sa mundong ito. "At last, 'di ba?" dagdag pa niya at tumawa nang mapang-asar.
"H-hindi sa gano'n," I defended.
Nahihiya kong tiningnan ang lalaki sa kaliwa ko na nakatingin din pala sa akin! Though it was abrupt, I saw the ghost of smile on his lips.
"OMG, is there something going on between them ba, Kuya Geoffe?" tili ng pormadong-pormadong babae na nakaupo sa upuan sa harap ko na sa likod naman ng driver's seat. From what I could remember, she's Juris, the one whose boyfriend cheated on her.
"Sus, halatang-halata naman. Kaya sige na! Kayong dalawa jan, umamin na kayo!"
"Wala namang g-gano'n." Napakamot ako sa ulo ko. Wala naman kasi akong alam. Baka nga mayro'ng namamagitan kay Gretchen at Zareth dati, pero ako at si Zareth, wala.
"Ang ingay mo Geoffe!" sita ng babaeng nasa harap, katabi ng driver's seat.
"Zareth pare, wala naman akong problema kung kayo nga, kaya ikaw na lang umamin dahil mukhang ayaw talaga niyang kapatid ko," patuloy pa rin ni Geoffe, 'di pinansin ang pag-sita ni Ate Stella.
"Wala nga kasing gano'n," ulit ko na parang 'di naman nila narinig.
"OMG, grabe ka Gretch, come on! Spill the tea na, it's just us lang naman." Ngumisi si Juris.
I cupped my face. Nakakahiya!
"You're blushing!" tili niya dahilan nang paggalaw ng isa pang babaeng nasa tabi niya.
"What's happening?" tanong nito habang kinusot ang bagong gising na mga mata.
"Clydinne halata mo na rin na may something kay Zareth at Gretch, 'di ba?" panimula na naman ni Kuya Geoffe.
Tumunganga pa nang ilang segundo si Clydinne bago marahang tumango.
"OMG, ako lang talaga ang clueless?"
"Busy ka naman kasi always sa manloloko mong jowa dati," sagot ni Ate Stella habang sa harap pa rin ang mga tingin.
"See, Gretchen?! Pati si Stella napansin 'din pala?" tuwang-tuwa namang singit ni Kuya Geoffe na para bang nanalo sa lottery.
"Tama na, Geoffrey. Gretchen isn't comfortable anymore." I heard Zareth's deadpan tone. Kahit na gustong ko na makita ang reaksyon niya, ay pinili kong manatiling nakayuko.
"Uy, concern! Gretchen, oh!"
At patuloy pa rin ako na na inasar ni Kuya Geoffe at Juris, habang sinusubukan naman silang pigilan na ni Ate Stella. Si Clydinne naman ay tahimik habang nakadagan sa salamin ng bintana ng sasak- teka!
Tumingin ako sa kanila isa-isa at nalito sa mga suot nila. I frowned when I saw myself wearing a denim short and a brallete paired with flat sandals. Kita ang pusod ko. Ganito pala manuot si Gretchen? Ang layo nga pala talaga sa taste ko. Kaya pala gulat na gulat sila noon.
YOU ARE READING
Mere Words
SpiritualLaurisia Mallari is the only child of Dra. Gianna Mallari and Atty. Lawrence Mallari. Having busy persons as her parents, it was indeed tough for her. At a very young age, she had learned to be on her own. She grew up believing that she could conti...