Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari. Basta pagdilat ko, wala na si Garius sa harap ko na kani-kanina lamang ay kausap ko. What greated me was a ceiling, and when I looked around, that's when I found out that I was in the infirmary.Napaupo ako at napahawak sa ulo. There it goes again the pain, remnants of the dizziness I have to go through when transporting.
"Gising ka na pala, Ms-" napukaw ng pumasok na nurse ang atensiyon ko. She has my ID. She looked at it abruptly, then she returned her gaze at me. "-Mallari. Natawagan na namin ang nakalagay na emergency contact number sa ID mo. Paparating na raw ang daddy mo, kaya magpahinga ka lang jan habang hinihintay siya."
Nahihiya man ay naglakas na loob akong nagtanong. "Uhm, anong oras na po?"
I don't wear my watch right now, and my phone's battery has drained.
Pinaandar muna ng nurse ang cellphone, saka sinagot ang tanong ko.
"6:45 pm na. Ano ba kasing nangyari sa 'yo? Nahanap ka na lang ng mga utility staff na nakahandusay sa golf course."
Para akong maamong tuta habang nakatanaw sa nurse na sunod-sunod ang mga sinasabi sa akin. I realized my fault. Naabala ko sila.
Dali-dali akong bumaba mula sa hinihigaan ko. Pagkatapos ay tumayo ako ng tuwid bago yumuko sa nurse bilang respeto.
"Sorry po sa abala," nahihiya kong sambit na ikinatango lang ng nurse.
May sasabihin pa ata siya sa akin nang sabay kaming mapatingin sa taong pumasok. Si Papa. He looked for me right after he went inside. Nang mahanap ako ay napabuntong-hininga siya.
"I'm Atty. Mallari, Laurie's father."
"Ay, good evening attorney! Gising na po siya at mukhang maayos naman. Base sa observation ni Dok kanina, mukhang nakatulog lang ng mahimbing ang anak niyo. Pero sabi ni Dok bago umalis na ipa-check up na lang daw po ninyo ang anak para makasigurado."
"Yes, I'll do that. Sorry for the inconvenience she had caused." Pormal si papa habang kausap ang nurse. Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa kaniya ngayon.
"Andoon po ang mga gamit niya sa katabing higaan. Sige, maiwan ko na po kayo."
Parang may umilaw na bulb sa itaas nang ulo ko dahil sa narinig. 'Yung libro!
I ran to where my stuffs are. Pero tanging bag ko lang ang naroon. Inside it were my wallet, pens, and a few notebooks. Inilabas ko pa mula sa bag ang lahat ng laman nito, baka sakaling nakaligtaan ko lang. But to my dismay, the book wasn't there! I scanned the bed where I was lying just awhile ago, at ganoon na lang ang kaba nang makitang walang nakapatong roon maliban sa unan at puting bedsheet.
"Laurie!"
Hindi ko na inalinta ang pag-tawag sa akin ni Papa. I ran as fast as I could. Malayo-layo mula rito sa infirmary ang golf course.
Habol-habol ko na ang hininga ko sa pagtakbo. Para akong sumali sa marathon. I never knew I could run this fast! Despite the stabbing pain I felt in my chest, I continued running as if I was being chased.
It took me minutes to get there. Napatampal ako sa noo nang marealize na wala akong dalang pang-ilaw.
"Laurie naman!" I whispered to myself, irritated.
Kahit na halos walang maaninag ay nagpatuloy ako sa paghahanap. The lamp post are far away from here. Kaya konteng sinag lamang ang naaabot dito.
"What the hell is your problem, Laurisia?"
"Pa?" Gulat akong bumaling kay Papa na hinihingal. He has my bagpack on his right hand. Inayos niya ang salamin na bahagyang nahulog.
Kahit na takot sa galit na narinig mula sa boses ni Papa ay nag lakas loob akong hiramin ang cellphone niya.
"C-can I borrow your phone, Papa?"
Papa looked at me with furrowed brows. Na para bang isa akong napakalaking tanong sa kaniya. After awhile, he heaved a sigh. Kinapa ang cellphone sa kaniyang itim na slacks at inabot ito sa akin.
"Thank you!"
Ipinagpatuloy ko ang paghahanap. Ilang ulit ko pang nilibot ang puno na kinauupuan ko kaninang hapon pero wala akong nakitang libro. There wasn't even a candy wrapper that can be seen anywhere. Siguro'y naglinis ang mga tagapangalaga ng golf course. Baka nakita nila!
"Laurie?!"
Hinabol ako ni Papa habang tumatakbo papunta sa kung saan nakatira ang mga janitor ng university. May nakalaan kasing dormitoryo para sa kanila rito. Sa kadulu-duluhan lang ito ng golf course.
"Sorry, pa! Hintayin mo na lang ako jan. Mabilis lang 'to!" sigaw ko kay Papa. But that was futile. Sinundan pa rin niya ako, kahit na mababakas ang pagdadalawang isip sa kaniyang mukha.
Hinihingal ako nang si Papa na ang kumatok. Ilang ulit pa ang katok na ginawa bago mabuksan ang pinto.
"Ano pong atin?" bungad ng matanda.
Papa was about to ask the old man himself. But he stopped midway when he realized that he doesn't know what I'm looking for. Ibinaling niya sa akin ang tingin na para bang inuutusan akong ako na ang magsabi.
"Sorry po sa abala, manong. Pero sino po ang naglinis ng golf course ngayon?"
"Ah, iyon ba? Aba'y ako. Bakit?"
"K-kasi po, may nawala akong libro roon. Baka sakaling nahanap niyo po?"
Nag-isip pa ang matanda bago ako tiningnan ng may pagkadismaya. "Pasensya na hija, pero kalat lang ang nalinis ko roon kanina. Walang anomang libro."
My shoulders fell for what I've heard.
"B-baka po nakaligtaan niyo lang. May pagkaluma na siya," I said aggresively.
"Pasensya na, pero wala talaga. Puros mga natuyong dahon lang at mga balat ng chichirya ang nalinis namin kanina."
"Manong bak-"
"Laurie!" Papa hissed. I was teary eyed when I looked back at him. Nasa matanda naman ang kaniyang atensyon. I looked down and fiddled my fingers. Sinusubukang pigilan ang mga luhang nagbabadya sa pamamagitan nito.
"Sorry sa abala. Pagpasensiyahan niyo na ang anak ko."
"Walang ano man, sir. Wag kayong mag-alala, magtatanong-tanong din ako sa mga kasamahan ko baka sakaling napulot nila. Tapos itatawag ko na lang sa inyo kung sakali. Mukhang mahalaga pa naman iyon sa anak niyo."
Ibinalik ko ang mga naluluhang mga mata sa matanda dahil sa sinabi nito. The old man just smiled at me with his crooked teeth. "Kaya wag ka nang mabahala hija," dugtong nito.
Inabot ni Papa sa kaniya ang card niya.
"Thank you," ang tanging naging sagot ni Papa sa matanda. Pagkatapos ay iginaya niya ako paalis roon.
Kahit mabigat ang loob ay nagpatianod na lang ako. Kumapit na lang ako sa pangako ng matanda na hahanapin niya ito at tatawagan kami kung sakali.
I was crying the whole ride. Papa was silent. Ako naman ay nakatingin lang sa bintana, para sana maitago ang pag-iyak.
"What kind of book is that? I'll try to buy you a new one," pang-aalo ni Papa.
I didn't answer him back. Kasi alam ko naman na walang mapagbibilhan no'n. I don't even know where that came from.
Hindi ako magtataka kung mugto man ang mata ko. Siguro, ang babaw para sa iba. But this means a lot to me. It felt like a half of me was gone. That little light of hope has burned out. It was my only gateway to that place. Without that, I can never return.
So, I'm alone again?
YOU ARE READING
Mere Words
SpiritualLaurisia Mallari is the only child of Dra. Gianna Mallari and Atty. Lawrence Mallari. Having busy persons as her parents, it was indeed tough for her. At a very young age, she had learned to be on her own. She grew up believing that she could conti...