"Okay ka lang?" mahinang tanong niya."H-ha? Ah! Ha ha, o-oo!" Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. Nahihiya pa rin sa ginawa kanina. Nabigla ako ng maramdaman ko ang haplos niya sa mukha ko.
"Bakit namumula ka?" Inosenteng tanong niya. Napahawak din ako sa mukha na siyang naging dahilan para mahawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko. Dali-dali ko namang inalis ang hawak ko, habang siya ay hawak pa rin ang namumulang pisngi ko, at kunot ang nuo na sinusubukang hulihin ang paningin ko.
"A-ah mainit. He he, oo mainit po!" I reasoned out, but soon I have realized that it was futile when I shivered because of the cold blow of the wind. Teka?
Nilibot ko ng tingin ang lugar. I was in a shore while drenching wet. Nagkulay kahil na rin ang langit, hudyat na maggagabi na. Nasa paraiso na ba ako? Hala!
Nahihiyang bumaling ako sa kaniya ng tingin. Napakagat ako sa labi ng makita ang mapaglarong ngiti niya.
"A-ah. I-ito na po ba ang paraiso?" malumanay na tanong ko. I frowned when he chuckled.
"Not yet," tipid na sagot niya.
"Hala?! Tatanongin mo pa po ba ako? Promise! Naging mabait po ako buong buhay ko. Ah... m-minsan nga lang po, naiisip kong m-magpakamatay," mahinang wika ko habang nakayuko.
Marahan na haplos lang sa ulo ko ang itinugon niya. I returned my gaze at him and his gentle stare made me feel weak.
"I know. That's why I will be here for you from now on." He smiled. "Don't be afraid. It's not yet your time," he secured.
"Silly," nakangiting bigkas niya at ginulo-gulo ang buhok ko. Naiiyak na naman ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. His words. His words were calming. First time ko ito. First time ko ang lahat ng ito. Kung nananaginip man ako, I am willing to stay.
"Gretchen!" Naputol ang titig ko sa kaniya at napabaling ang tingin sa grupo na tumatakbo papunta sa amin.
"Oh my God, Gretch! Thank God you're safe." Umiiyak na wika ng isang kulot na babae pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit na ikinagulat ko.
Gretchen? Sino 'yun?
"Ah. H-hin--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng yakapin rin ako ng isa pang babae habang umiiyak. Isang batok naman ang natanggap ko sa isang matangkad na morenong lalaki.
"Ow," mahinang bulong ko.
"Kung magpapakamatay ka kasi, gawin mo ng maayos!" Sigaw niya sa akin sabay irap pa.
"Aray," sigaw ng lalaki nang batukan siya ng kararating lang na babae.
"You shouldn't say that to someone who almost died! Lalo pa sa kapatid mo," malumanay pero may diin na wika ng babaeng may hanggang bewang na buhok na bumatok sa kaniya.
"Totoo naman ah!" sigaw ng lalaki pabalik na ikinapula ng babae.
"Aba't sumasagot ka pa!" At doon na nagsimula ang sagutan nila. Sinubukan kong pagitnaan sila pero hinila lang ako nung kulot na babae.
"Hayaan mo na 'yang dalawa. Magbabati rin 'yan," she glared at the two.
"Ang importante ngayon ay ikaw," baling niya sa akin.
"Ang importante ngayon ay ikaw."
Hindi ko maalala kung kailan ako nasabihan ng ganito ninuman. The words were so heartwarming na gusto ko na lang umiyak. "Bes, huwag mo na ulit gagawin 'yun ha?! Iiyak talaga ako pag nagkataon," dagdag niya pagkatapos ay niyakap ulit ako.
"It's better kung babalik tayo sa villa. She needs rest," mahinang wika ng isa pang lalaki na hindi ko man lang napansin kanina.
Sumabay ako sa hila ng barkada habang nakangiti. Alam kong hindi ako kung sino mang Gretchen ang hinahanap nila, pero magpapatianod muna ako sa mga pangyayari. Hindi naman siguro masama na namnamin ko muna ito, 'di ba? 'Yung feeling na ramdam ko ang halaga ko sa iba.
Napatigil ako sa lakad ko na ikinatigil din ng grupo.
"Bakit Gretch?" tanong nung babaeng kulot.
"Si ano, si kamatayan. Muntik ko nang makalimutan!" sagot ko na ikinakunot ng mga nuo nila.
"Na abnoy ka na kapatid," pang-asar nung morenong lalaki na kapatid siguro nung Gretchen. Nagtawanan rin ang iba pero napanguso lang ako. Anong nakakatawa? Totoo naman ah.
Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar nila at tumingin ako pabalik sa kung saan ako nakatayo kanina. Napangiti ako nang matanaw na andoon pa rin siya. Nakatayo pa rin doon si kamatayan habang nakangiti na tinatanaw kami.
I waved at his way and started to walk towards him. Nakakailang hakbang palang ako nang maramdaman kong parang umikot ng mabilis ang mundo. I stopped from my pace at hinawakan ang sentido ko. Nahihilo ako, at nasusuka dahil dito.
"Gretch!"
"Gretchen!"
Sigaw ng mga kasama ko kanina ang naririnig ko na unti-unting humihina hanggang sa wala na akong marinig. My vision was blurry as well. Pero sa huling pagkakataon. Tinapunan ko ng tingin si kamatayan na dahan-dahang naglalakad patungo sa gawi ko. I reached out for him until I passed out.
"Laurie."
Madilim ang paligid. Napakatahimik. Napakalamig ng hangin.
"Laurie?"
Teka?
"Gretchen!"
Napabaling ako sa kabila. Wala akong makita. Wala akong matanaw! Tanging walang hanggang kadiliman ang abot ng paningin ko. Nasaan ako?
"Gretchen."
'Yung boses, kay kamatayan 'yun. Gusto ko sanang magsalita pero 'di ko magawang maibuka ang labi ko. Ba't parang napaparalisa ako? Anong nangyayari sa akin?
"Laurie! Can you hear me?"
Boses ni Mama?
Sinubukan kong maghanap ng liwanag nang unti-unting may naaninag ako. Mukha ni Mama? Not long enough, everything became clear for me. It was my Mama's face who was infront of me.
"Ma?" mahinang bulong ko.
"Thank God. You're awake. Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Mama.
"Yeah," tipid na sagot ko.
What just happened? Was everything real? Or was it not?

YOU ARE READING
Mere Words
SpiritualLaurisia Mallari is the only child of Dra. Gianna Mallari and Atty. Lawrence Mallari. Having busy persons as her parents, it was indeed tough for her. At a very young age, she had learned to be on her own. She grew up believing that she could conti...