Chapter 9

3 3 0
                                    


Pinunasan ko ang mukha ko nang makitang nasa subdivision na kami. Inayos ko rin ang salamin na namasa-masa dahil sa luha. I breathed in deeply. Para sana matigil ang mga hikbi ko.

When Papa pulled over near the terrace of our house, dali-dali akong bumaba. It will be a long night for me, so I wanted to go directly to my room and cry myself to sleep. Mag-iisip-isip na rin ako nang iba pang paraan na maari kong gawin para mapunta ako sa lugar na yun without the book.

"Laurie, I've heard what happened!" Natigil ako sa paglalakad at napabalik sa aking ulirat nang maramdaman ang isang mainit na yakap. It was Mama.

"Ano bang nangyari, Lawrence?" sigaw ni mama kay papa habang nakayakap pa rin sa akin.

Bumitaw ako, and I stepped back.

"They found her sleeping at the golf course."

"Then why are her eyes puffy?"

Hinawakan ni Mama ang mukha ko at sinipat ang itsura ko. Concern was painted on her face.

"I'm okay, Ma."

I tried to form a smile to hide the fact that I cried. Pero sino nga ba naman ang mapapaniwala ko? My eyes were puffy!

"She lost a book."

Pareho kaming napatingin ni Mama kay Papa.

"Sabi ko nga na ibibili ko na lang siya ng bago."

Napayuko ako sa dinugtong ni Papa. Bumalik na naman sa akin ang lungkot at pagkadismaya, for the fact that I will never have a book like that again.

Mama heaved a sigh. Siguro iniisip ng mga magulang ko na ang weird ko. Iniiyakan ko ang napakababaw na dahilan. But can you blame me for feeling this way?

I looked back at Mama when I felt her hands on my shoulder. Her eyes screamed of solace.

"Come on, Laurie. Don't feel bad. Gagawan na lang natin ng paraan kung limited edition man 'yon, okay?"

Kahit na alam ko na wala nang paraan ay  tumango pa rin ako bilang tugon. I don't want my parents worried. It's my personal problem.

"Ang mabuti pa ay kumain na lang tayo ng hapunan. Umuwi talaga ako nang maaga after learning what happened to Laurie. Buti at free ka, Lawrence?"

Nag-uusap na ang mga magulang ko habang papunta kami sa dining area. They started talking about work. Kaya mas pinili ko na lang na manahimik, like what I always do.

Sa kabisera nakaupo si Papa, habang nasa kaliwa niya si Mama at ako naman sa Kanan.

"How's the lawsuit you filed against that corporation lead by Mr. Chang? I told you to drop that. He's not an easy man. Eat your veggies, Laurie."

Mama put more food on my plate. Napahinga na lang ako ng malalim sa dami ng pagkaing inilagay niya sa pinggan ko. Baka 'di na ako makahinga kung sakaling uubusin ko nga ang lahat ng ito.

"I can't just drop that. I swore to uphold justice at all cost," seryosong sagot ni Papa kay Mama habang nasa pinggan pa rin ang mga tingin at patuloy sa pagkain.

Napatingin ako kay Mama nang padabog niyang ibinaba ang kubyertos.

"But-"

"Let's not talk about work. Nasa harap tayo ng pagkain."

Pabalik-balik ang tingin ko sa mga magulang na hindi na nagpapansinan. Minsan na nga lang kami magsalu-salo sa hapag, ganito pa. I shook my head in dismay, inwardly.

Tahimik pa rin ang magulang ko hanggang sa natapos kaming kumain. Papa was the first one to left the table, without saying anything. Nakay Mama naman ang atensyon ko habang siya'y nakasunod ang tingin sa papaalis na si Papa. When she noticed my stare, she smiled at me.

"Finish your food, Laurisia ha," banta ni Mama habang papatayo na siya mula sa pagkakaupo at umalis na rin ng dining area. I was left alone again.

Tiningnan ko ang natitirang pagkain sa aking plato. Napabuntong-hininga at piniling umakyat na rin na lang sa kwarto ko.

My parents were not actually lovers. Ipinagkasundo lang sila sa isa't isa. Halata naman sa malamig na tunguhan nila.

From what I've heard, Papa was so much in loved with his long time girlfriend, before she chose to cheat on my father and eloped with another man. Si Mama naman ay parang ako. Mailap sa mga tao. School at bahay lang ang drama ng buhay.

I'm not still sure whether they have developed something for each other along the way. Siguro naman mayro'n, kasi paano ako nabuo? Or maybe I was born out of lust? Whatever it is, I lost all my hope in their marriage anyway. Matagal na. I just settled myself with our situation right now, and chose to be contented with it. At least, 'di pa sila naghihiwalay. I can still say that I have a complete family. Kahit na sa totoo, we were never a family in the first place.

Without vigor, I lied on my bed. Itinapon ko sa kung saan ang bag at dumapa. I hugged my pillow tightly, trying to find comfort from it. Nang mapagod sa kakatitig sa kawalan, at marealize na 'di pa pala ako nagpapalit ay nagpasya akong tumayo at nagtungo sa C.R. ng kwarto.

I showered and did my usual night time routines. Nagtagal pa akong nakatitig sa repleksyon ko sa salamin nang makitang may tigyawat na naman na tumubo sa may noo ko.

Nanghihina pa rin ako nang pabalik sa aking kama. Para akong walking dead. Magpapatuloy na naman ba akong mabuhay nang hindi naman talaga nabubuhay?

Ginulo ko ang buhok dahil sa frustration. Welcome back to your boring life, Laurie!

Pinulot ko ang bag sa lapag. Tatapusin ko na lang siguro ang mga assignments, o kung wala e magda-doddle na lang. Basta may magawa lang habang hindi pa tinatamaan ng antok.

Ipapatong ko na sana sa may study table ang bag nang mahulog ko ito dahil sa gulat. I can't explain the mixed emotions rushing in my system. Pinaghalong saya, kaba, at kakaunting takot nang makita ang libro na nakapatong sa study table ko.

Dala ko 'to kanina, 'di ba? Hindi ako pwedeng magkamali! I was reading it kanina lang sa may golf course. Tapos nagising akong wala na 'to. Ito nga ang dahilan ng pagiyak ko kanina, ah?! Bakit nandito? Paano napunta rito?

"Yes, thank God!" Kahit na may takot na kumatok sa aking puso ay mas nanaig ang saya. I hugged the book and jumped for happiness. Para akong nanalo sa lotto!

Hindi na ako mapalagay kaya binuklat ko na ang libro. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang nakita ang ilaw na nagmumula rito. Napapikit ako nang lumiwanag ang buong paligid ko. I tried to take a peek, but the brightness was too much that I thought it would blind me if I will look at it more.

The next thing I knew, I was in a room. Not the same room as when I woke up the last time. Umupo ako at sinipat ng tingin ang silid na bago sa aking paningin. This room is bigger than mine. Minimalist ang interior design, but it still screams of elegance.

"Hay, salamat at gising ka na!"

Muntik na akong mapasigaw dahil sa boses na iyon. Pero agad ding naglaho ang gulat na naramdaman nang makita ang maaliwalas na mukha sa aking gilid. Nakapangalumbaba si Garius na mukhang bored na bored.

"Garius!"

I jumped at him for a tight hug because of joy and excitement.

What the heck, Laurie?

Mere Words Where stories live. Discover now