Hinahalu-halukat ko pa rin ang libro habang naglalakad. I don't care where my feet lead me to. Frustrated na talaga ako!
"Argh!" I groaned and threw the book. Pero mas nagulat ako sa naging reaksyon ko. Never did I think that I am capable of bursting my anger. 'Cause I have been the calm and proper yet shy Laurie. Lumingon-lingon ako sa paligid, nag-aalala kung may nakakita ba sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at napayuko. I was still damn frustrated. Gulong-gulo ako! It felt like there was a cross word puzzle I need to solve asap.
Medyo nahimasmasan ako nang umihip ang masarap na halimuyak ng hangin. Ngayon ko lang narealize na sa golf course pala ako dinala ng mga paa ko. Walang katao-tao sa paligid. Well, may pasok ang lahat, excluding us na wala na naman ang teacher namin sa creative writing. It has been months since this semester started pero ni anino ng teacher namin sa subject na iyon, wala pa rin. I was looking forward to it pa naman.
Ilang sandali ay hinanap ng paningin ko kung saan ko naitapon ang libro. Ganiyan naman tayo eh. Kapag andyan, pilit itataboy o hindi pagbibigyan ng pansin. Pero kapag wala na, saka hahanapin.
Lumuhod ako para abutin ang libro. I checked it kung may nasira ba nang ihagis ko. Laking pasasalamat ko na wala naman. Hindi rin nadumihan since the grass were dry. I heaved a sigh for I don't know how many times as I was making my way to the tree where I want to sit and spent this free time.
Pagkarating ay naupo ako at dumagan sa puno. I closed my eyes, felt the warm but cold breeze of wind, and smelled the scent of the dancing grass and the leaves of the trees. Nagtatalo pa rin ang kaloob-looban ko. Was it a dream or was it true? I really can't tell. But one thing is sure for me, everything felt real... even his hug. Their hugs. I want to see them again. Dear God, I want to see him. It was just a split of moment but it meant so much. At naniniwala ako, nananalig, na hindi ko lang imahinasyon ang lahat.
I grabbed the book and opened it. I read it, at ganoon na ganoon ang nangyari! I stopped. Paano nga kung imahinasyon ko lang? I was sad that time, and-- ugh, no! I've to figure it out kung paano ako roon mapupunta ulit. I just have to believe in it!
Binuklat ko ang libro para ipagpatuloy ang pagbabasa. Pero hindi ko pa man natatapos bigkasin ang unang salita ay umikot ang buong paligid ng mabilis! Umikot ito kasabay ko na nagdulot sa akin ng pagkahilo. I closed my eyes, hoping that the dizziness would stop. Pero ganoon pa rin, and each moment that passes, the pain felt worse. Parang hinihilot ang utak ko. Pinipiga. Wala akong magawa kundi sabunutan ang buhok ko at yumuko habang nagpapakawala ng mahihinang halinghing, hanggang sa namanhid ako. Parang tumigil ang mundo, kasabay nang pagkahimatay ko.
The next thing I knew was that I was in a soft bed. The surrounding was so silent, but I could hear murmurs. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at malapad na puting kisame at isang luma at eleganteng aranya ang bumungad sa akin.
"Thank God, you're awake."
Dali-dali akong napaupo dahil sa boses na narinig ko. Hindi ako maaaring magkamali, boses niya 'yon. I scanned the room and there he was, leaning at the white painted wall near the door with crossed arms. Isang polong puti na may mahabang manggas na nakaparis sa puting-puti ring pantalon ang suot niya gaya noong una ko siyang makita. Bagay na bagay sa mabanayad niyang pigura at pagmumukha.
The sight of him made my heart skipped a bit yet beat faster than the usual. Hindi ko alam kung anong dapat kong ikilos o sabihin. I don't know but I am so happy right now. I don't remember when I was happy this way.
He stood straight and smiled at me so gently. At hindi ko na napigilan ang sarili ko nang tumakbo ako sa kaniya at yakapin siya. I felt him stunned, but after awhile, he hugged me back. Mas mahigpit. I felt so small inside his muscled arms. He lowered his chin and put it onto my right shoulder. Doon ko na na-realize kung anong kahihiyan ang ginawa ko, at ang awkward na posisyon namin ngayon. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Oh, God! Hindi ko alam pero parang may kumikiliti sa kalamnan ko. It was like I was electrified not in a painful way but the opposite. I felt so... high.
Mas lalong nag-init ang mukha ko nang maramdaman ko ang mabilis na tibok ng mga puso namin. They were beating in a rhythm more melodious and graceful than any other song or dance of the century. Sobrang saya ko sa hindi ko malamang dahilan, pero ba't ako naluluha?
Ganoon na lang ang pagka-dismaya ko nang maramdaman ko ang pagbitaw niya. However, the faster beating of my heart returned when his pair of brown eyes met mine. At para nang nagwawalang tigre ang puso ko nang hawakan niya ang magkabilang mukha ko at punasan ang linyang ginawa ng luha ko. This time, I was the one stunned.
"Gretchen?" Natauhan ako sa boses na nagmula sa ngayo'y nakabukas nang pinto, at bumungad sa akin ang naguguluhang mga mukha ng mga taong nakita ko sa tabing dagat nang una akong mapunta rito.
"Ehem!" Dali-dali akong bumitaw sa kaniya- teka. 'Di ko pa pala alam ang pangalan niya? Bumaling ako sa kaniya.
"Ah-"
"Gretch, okay ka lang ba?" naguguluhang tanong nung babaeng may kulot na buhok. Tiningnan ko ang iba at ganun rin ang ekspresyon ng mga mukha nila.
"Huh?" Binalingan ko siya at isang ngiti lang ang iginawad niya sa akin.
Teka, hindi kaya-? To confirm my hunch, I walked toward his back at tumingkayad ako para tingnan ang mga tao sa pinto. And I was right when they looked at me pass through him, like I was crazy.
"I think... she needs more rest," nakangiwing sabi nung babaeng katabi nung kulot na yumakap din sa akin noon sa tabing dagat.
"I think so too," sabi naman nung babaeng may itim na itim na straight na buhok. Isang buntong-hininga naman ang ginawa nung matangkad na lalaking moreno. Pagkatapos ay tiningnan ako nang marahan at ngumiti. "You rest well, sis. Iaakyat ko na lang dito mamaya ang pagkain mo," sabi niya.
Lahat sila nagsimula nang maglakad paalis maliban sa lalaking may asul na mga mata na nakatingin sa akin ng seryoso. Na para ba akong isang malaking palaisipan sa kaniya. Mukhang may sasabihin pa sana siya nang tawagin siya nung tumawag sa akin ng sis.
"Tara na, Zareth."
The man with the blue eyes looked down and heaved a sigh. He then looked at me and gave me a small smile.
"Rest well," then he turned and walked away with them.

YOU ARE READING
Mere Words
SpiritüelLaurisia Mallari is the only child of Dra. Gianna Mallari and Atty. Lawrence Mallari. Having busy persons as her parents, it was indeed tough for her. At a very young age, she had learned to be on her own. She grew up believing that she could conti...