Kabanata 6:
Isang LihimNapatigil saglit ang mag-iina sa pagkain nang biglang may kumatok mula sa kanilang pinto na siyang katapat lang din ng kusina nila.
Lumapit ang Mama ni Janry sa pintuan at tiningnan kung sino ang nasa labas.
"Oh? Erlynda ikaw pala 'yan, Mare. Anong nangyari at naisipan mong pumunta rito?" takang tanong ng Mama ni Janry sa isang ginang na ngayo'y nasa labas ng kanilang tahanan.
"Ah wala, namali lang pala ako ng bahay." tugon ng isang may edad ng ale na nagngangalang, Erlynda. Tumawa pa ito at sumimple ng ngiti.
"Hmm... Base sa mukha mo eh parang may hinahanap ka, ano 'yon?" tanong muli ng Mama ni Janry pagkatapos nitong kilitisin ang dating kaibigan nito.
"Hinahanap ko lang si Carlito. Ang balita ko kasi ay nakabalik na raw siya galing Maynila." paliwanag ni Aling Erlynda kay Jenilyn, pangalan ng ina ni Janry.
"Talaga? Yung anak ba 'yan ni Kumareng Carmella at ni Pareng Carlton?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jenilyn.
"Oo mare," Simpleng sagot naman ni Aling Erlynda.
"Hayst. Simula no'ng nawala yung nanay ni Carlito naging tahimik na itong bayan natin 'no?"
"Oo nga eh, nakakalungkot lang isipin."
"Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Carmella pero mabuti nga dahil nakabawi naman ang mag-ama at balita ko may bago na raw siyang asawa. Ewan ko lang kung tanggap iyon ni Carlito."
"Ay, Mareng Jenilyn. Kaya ko nga pala siya hinahanap eh kasi may gusto lang akong ibigay at sabihin sa kanya."
"Ah ganon ba," Napatango nalang si Aling Jenilyn sa sinabing ito ni Aling Erlynda.
"Ay! Pasok ka muna halika, kain tayo." anyaya pa ni Jenilyn sa kumare nitong kasalukuyan pa ring nasa labas ng pintuan nila.
"Ay hindi na Mare, kailangan ko na ring umalis eh mukhang naistorbo ko na yata kayo riyan. Sige, maraming salamat nalang." tanggi ni Erlynda saka ngumiti sa kaibigan.
Ngumiti rin pabalik si Jenilyn, pagkatapos ay humalik sila sa pisngi ng bawat isa. Nagbeso-beso muna bago tuluyang umalis si Aling Erlynda.
Sa kabilang banda. Habang nasa kusina pa rin ang magkapatid at kumakain, napansin ni Jemmy na napahinto ang Kuya niya sa pagkain nang marinig nito ang usapan ng dalawang ginang sa labas ng pintuan ng bahay nila.
"Oh kuya, bakit napatigil ka? Kilala mo po ba 'yong sinasabi nilang Carlito?" takang tanong ni Jemmy sa kanyang Kuya.
Napansin kasi nitong napatigil itong kumain simula no'ng narinig niya ang pangalang, Carlito.
"H-hindi," nautal na tugon ng binata sa kapatid niya.
"Ah, talaga ba?" usisa pa ng bata.
"Hindi nga." Seryosong sagot ni Janry dahilan para mapahinto sa pagtatanong ang kapatid nito.
"Ah, okay." Hindi na pinilit ni Jemmy ang Kuya niyang si Janry kahit na medyo nagtataka na siya, batid niya na kapag ganito na ang sagutan ng kuya niya'y parang anumang oras ay may sasabog na bulkan.
***
Samantala, bumalik muli tayo kila Rose Ann.Makalipas ang ilang araw. Maagang gumising si Rose Ann upang makapagluto na sana siya ng agahan nilang mag-ama.
Ngunit nagulat na lamang ito nang makita niyang may nakahain ng pagkain sa kanilang bilogang lamesa. Lumapit pa siya rito at doon nakita niya ang isang sulat na mula sa kanyang Itay.
Ito ang nakasaad sa sulat;
"Anak, Rose iha. Hindi na kita ginising pa dahil alam kong napuyat ka kagabi kakaaral mo. Kailangan kong umalis ng maaga ngayon para makakuha ako ng mga isda para maibenta ko sa palengke at ito, ipinaghanda kita ng agahan mo upang sana ay makabawi sa'yo. Mamaya, uuwi ako ng maaga para sa iyo iha. Mag-ingat ka anak. Huwag basta basta magpapasok ng kung sino sino rito sa bahay ah?"
Nagpapaalala,
Itay.Napangiti si Rose dahil sa kaniyang nabasa. Ramdam niya kasi na sobrang pinahahalagahan siya ng kanyang tatay.
"Maraming salamat, Itay." Wala sa sariling sambit ni Rose habang nakangiting nakahawak sa isang piraso ng kulay puting papel na ngayon ay inilapag niya sa tabi ng pagkain na nakahain sa lamesa.
Kinain na ni Rose ang pagkaing inihanda sa kanya ng kanyang ama. Sinigang na manok ang ulam na iniwan ng tatay niya sa kanya na halatang binili sa karinderya na malapit lang din sa bahay nila. May bahaw pa sila na siya namang pinainit nalang ng dalaga at kinain na rin kasabay ng sinigang na ulam.
Nang matapos siyang kumain ay nagsimula na siyang maglinis sa loob ng kusina at gumawa na rin siya ng ilang gawaing bahay gaya ng, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, pagpupunas ng ilang gamit at pagwawalis.
At habang siya ay nagbubunot sa kanilang sala sa ibaba ay bigla siyang natigilan dahil may kumatok sa kanilang pintuan. Pinagbuksan niya ito at no'ng makita niya kung sino ito ay ngumiti ang dalaga.
"Oh ikaw po pala 'yan, Manang Erlynda. Bakit po?" Magalang na tanong nito sa isang may edad na ng babae na nasa harapan niya ngayon.
"Ay Rose, nakita mo ba si Carlito?" takang tanong nito na bahagya pang sumilip sa loob ng kanilang bahay.
"Ahm... Noong nakaraang araw ho. Dumalaw po siya sa akin at ang sabi niya ay bibisita lang daw po siya rito." Simpleng tugon ni Rose Ann kay Manang Erlynda.
"Ah ganoon ba? Akala ko ay bumalik na siya rito, hindi pa pala." Umaktong napaisip naman si Erlynda dahil sa sagot na natanggap niya galing sa dalaga.
"Bakit niyo po pala siya hinahanap?" tanong ni Rose dahilan para mapatingin saglit sa kanya ang ginang.
"Ahm..." Umastang parang nagdadalawang-isip ang matandang babae. "May sasabihin lang akong isang lihim sa kanya." Seryosong munit malumanay nitong wika na tinitigan pa si Rose.
Kumunot ang noo ng dalaga dahil sa tinging ibinigay sa kaniya ng matandang babae. Taka niya itong tiningnan.
"May ibibigay lang ako sa kanya na galing sa kaniyang ama." dagdag paliwanag pa nito sa mahinahong tono ng boses. Dahil dito'y napawi ang pagtataka ni Rose.
Muling ngumiti ang matandang babae sa kanya saka nagpaalam na aalis na siya.
"Oh siya, sige na. Pasensya na kung nakaistorbo ako sa'yo. Ako'y lilisan na, maraming salamat iha." paalam pa nito saka kumaway palayo.
Naiwan sa pinto si Rose at napaisip sa mga salitang binibitawan sa kaniya ng ginang. Sa isip ng dalaga, nagtanong ito.
Ano naman kaya ang ibig sabihin ng sinabing iyon sa kanya ni Manang Erlynda, ano yung tinutukoy nitong lihim ni Carlito?
BINABASA MO ANG
The Suitor Of Rose Ann
Historical FictionA teen fiction story of a girl who named, Rose Ann. --- Si Rose Ann ay isang babae na never pa nagkaroon ng ideya tungkol sa salitang, pag-ibig. Paano kaya siya magkakaroon ng kaalaman ukol sa salitang ito? How can his suitor/s make her believe tha...