Kabanata 21:
PagtaboyKauuwi lamang ni Rose Ann galing sa paaralan kung saan siya nag-aaral ngayon. Papasok na siya sa kanilang bahay nang mapansin nito ang isang pamilyar na gamit.
Isang uri ng bisikleta, kulay asul at may dalawang gulong.
Namumukhaan ito ng dalaga ngunit ito'y pinasawalang bahala na lang niya dahil hindi niya naman maalala kung saan niya ito huling nakita.
Pumasok na siya sa loob ng bahay nila at inilapag ang kaniyang bag sa upuan na nakapuwesto sa kanilang sala. Pagkatapos ay pumunta siya sa kusina upang makapagluto ng kanyang pananghalian.
Kumakalam na kasi ang sikmura ng dalaga, tumutunog na rin ang tiyan nito na para bang niyaya na siyang kumain na.
At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay may nakita siyang pamilyar na lalaki sa bintana, papunta sa likod ng bahay nila. Taka siyang napatingin doon.
Dalawa kasi ang pintong nasa kusina nila, isang papunta sa sala at isa naman sa likuran ng kanilang bahay. Binuksan ni Rose ang pinto na makikita ang likod ng bahay nila na siya namang ginawang halamanan ng kanyang Itay.
"Sinong nandyan? May tao po ba riyan?" tanong pa ng dalaga saka nagmasid sa paligid kung may tao ba o wala.
Bahagyang napaatras si Rose no'ng biglang gumalaw ang mga dahon sa likod ng bahay nila subalit pakiwari niya'y gumalaw lang ito dahil sa lakas ng hangin. Biglang nakaramdam ng kaba si Rose at takot na baka guni-guni niya lang iyon.
"Kung may tao riyan, parang awa mo na lumabas ka na at 'wag na akong takutin pa." Pilit na pinalalakas ang loob na wika ni Rose Ann pero bakas pa rin ang takot nito sa kaniyang mukha.
At noong tatalikod na sana si Rose upang isara ang pinto ay nanlaki ang mga mata nito dahil sa biglang paglabas ng isang lalaki mula sa likuran ng mga dahon na siyang tanim ng ama niya.
Napapikit siya sa sobrang niyerbos at bahagyang bumuntong-hininga.
Isa itong totoong tao at hindi multo kaya nakahinga ng maluwag ang dalaga.
"Natakot ka ba? Pasensya na." paumanhin ng lalaking biglang sumulpot sa likod ng mga dahon na isa sa mga tanim ni Ernesto, ama ni Rose.
"Nakakagulat ka naman, akala ko kasi multo na. Ayaw ko pa naman ng mga ganoon. Ano bang ginagawa mo rito sa likuran ng bahay namin?" kunot-noong tanong ng dalaga sa binata.
"Gusto lang sana kitang kumustahin saka gusto rin sana kitang yayain." sambit nito bago ngumiti kay Rose.
"Saan naman?" dagdag tanong ng dilag.
"Ah basta, kain tayo sa labas." simpleng tugon ng binata.
"Ah---" Naputol ang pagsagot ni Rose sa lalaki nang biglang may dumating na lalaki rin sa kanilang bahay.
"Rose, anak. Narito na si tatay. Nasaan ka na An, iha?" bungad tanong ng Ama nito saka hinanap ang anak. Nahanap naman niya kaagad ito sa loob ng kusina na may kasamang lalaki.
Kaagad sumeryoso ang mukha ng matandang lalaki na siyang kararating lang naman sa bahay nila.
"Oh, Itay? Nandito ka na po pala." bati ng dalaga saka nagmano sa ama nito.
"Hindi mo naman sinabi na may bisita ka pa lang kasama, sino ka naman?" Malumanay munit seryosong baling ni Ernesto sa lalaking kasama ni Rose Ann.
"Ah, magandang araw po. Ako nga po pala si Janry, anak ni Aling Jenilyn malapit lang po ang tirahan namin dito." pagpapakilalang saad ni Janry kay Mang Ernesto.
"Pasensya iho, ah? Bakit kailangan mo pang pumunta rito sa likuran ng bahay namin?" kunot-noong tanong nito.
"Ah Itay, tara na po muna sa loob." yaya pa ni Rose sa kaniyang ama na siyang tinanggihan nito.
"Hindi, saglit lang anak." tugon ni Mang Ernesto sa sinabi ng anak at muling bumaling sa lalaking kausap nito.
"Ikaw lalaki, hindi kita kilala at kung isa ka ring manliligaw ng anak ko ay uunahan ko na siyang sumagot. Hindi ako sang-ayon na mapasayo ang anak ko." buo ang loob na wika ng matandang lalaki.
"May lalaki ng nagugustuhan itong anak ko, kaya kung pwede tumigil ka na at umalis na dahil wala ka namang pag-asa sa kanya. Masasaktan ka lang kung itutuloy mo pa." dagdag pa nito na para bang nagbabanta pa siya sa binata.
"T-totoo ba Rose?" Tumango lang si Rose bilang sagot sa tanong na ito ni Janry.
"Oh sige na, alis na!" taboy ng ama nito sa binata kaya naman, wala sa sariling umalis si Janry sa bakuran nila Rose.
Iniisip ng binata kung bakit ganoon ang pakikitungo ng matanda sa kanya at kung sino ang tinutukoy nito na nagugustuhan ng kanyang nililigawan na si Rose.
Pinahinahon muna ni Mang Ernesto ang sarili bago muling tumingin sa kaniyang anak na babae.
"Itay, bakit ka naman po ganoon sa lalaki iyon? Wala naman po siya ginagawa ng masama." Nalulungkot na tanong ni An An sa kanyang ama.
"Ayaw ko lang sa dating niya at isa pa, hindi ko siya gusto. Mas gusto ko pa rin si Carlito para sa'yo, anak. Mas kilala ko siya kaysa sa iba mo pang mga manliligaw, kasama na ang isang 'yon." Nanliliit ang mga matang usal nito saka marahang tinapik ang balikat ng anak.
"Ganoon din naman po ako Itay. Siya rin naman 'yung gusto ko pero sana naman po huwag kayong ganoon kasi tao pa rin sila, nasasaktan din." reklamo ni Rose sa tatay niya.
"Tara, kain na lang kayo anak. Mukhang masarap ang niluto mo ah?" pang-iiba ni Mang Ernesto sa usapan saka tumikim ng luto ng anak.
"Iniiba mo lang usapan Itay," pigil tampong ani Rose saka siya ngumuso. Bahagyang napangiti si Ernesto dahil sa ginawa ng anak niya.
"Naiintindihan ko kung ano ang punto mo. Pagpasensyahan mo na lang ako sapagkat gusto lang kitang protektahan. Nag-iisang anak lang kita kaya ako ganito sa'yo." tugon ng ama nito na nagpangiti rin sa dalaga.
Napagtanto niyang hindi nais ng kaniyang ama na mailagay siya sa panganib. Batid kasi nito na ang pagpili sa mga lalaki ay hindi madali at nakakatuwang isipin na pareho sila ng gusto ng kaniyang ama.
"Salamat, Itay." Wala sa sariling nasabi na lang ni Rose sa naging payo ng tatay niya.
BINABASA MO ANG
The Suitor Of Rose Ann
Historische fictieA teen fiction story of a girl who named, Rose Ann. --- Si Rose Ann ay isang babae na never pa nagkaroon ng ideya tungkol sa salitang, pag-ibig. Paano kaya siya magkakaroon ng kaalaman ukol sa salitang ito? How can his suitor/s make her believe tha...