15

454 83 31
                                    

Kabanata 15:
Isang Bisita


Sa isang kilalang siyudad malapit sa Manila, nakatira ang pamilya ni Carlito at dito rin siya nag-aaral kasama ang nakababata niyang kapatid na si Carl Jason De Dios o mas kilala sa tawag na CJ.

At no'ng nakauwi na si Carlito mula sa eskuwelahan nito ay pumunta siya agad sa kuwarto niya upang makapagbihis siya ng pang-bahay na damit.

Pagkatapos nito'y nagtungo naman siya sa salas ng bahay nila ngunit hindi niya inasahan na may magbabalik palang tao sa buhay niya, na ngayon ay tahimik na nagmamanman sa loob ng bahay nila habang nakaupo ito sa isang puting sofa na nakapuwesto sa gitnang parte ng sala nila.

Bahagyang ikinagulat ng binata ang biglaang pagbisita nito sa kanya sapagkat hindi inaasahan ng lalaki na darating ito ngayon sa kanilang tahanan.

"Oh, parang gulat na gulat ka ah?! Hindi naman ako multo para magulat ka ng ganiyan." pigil tawang saad ng isang babae na ngayon ay nakalingon na sa gawi ng nakatayong si Carlito.

"Tsh, hindi ko naman kasi alam na pupunta ka dito. Kailan ka pa dumating ha, Stacie?" bungad nitong tanong saka lumapit sa babae at tumabi sa pagkakaupo nito.

"Kailangan ko pa bang gawin iyon eh sanay ka naman sa biglaang pagpunta ko rito sa bahay ninyo? At isa pa, alam nila Tita na pupunta ako rito. Hindi ka nila sinabihan, ano?" Ngumisi ang babaeng nagngangalang Stacie habang si Carlito nama'y napakamot sa ulo at natawa nalang.

"Ah, hindi naman sinabi ni Mama na pupunta ka, hay ewan ko ba ro'n lagi nalang busy sa paaralan na tinuturuan niya." malungkot na kuwento pa ni Carlito habang nakatungo.

Napasapo sa noo si Stacie saka muling nagsalita, "Wala ka pa ring pinagbago ang drama mo pa rin, jusmeyo ka."

"Anong drama ka riyan. Nagsasabi lang ako hindi ako nagdradrama. Eh ikaw Stacie, kung ikaw kaya yung nasa sitwasyon ko anong gagawin mo?" pasimpleng tanong pa nito sa babaeng katabi niya sa sofa. Tumingin naman sa kanya ang dalaga saka muling tumingin sa TV na katapat lang ng sofa na pareho nilang inuupuan ngayon.

"Wala, if she was busy then I shouldn't be disturbing her right?" ingles na wika ni Stacie. Wala sa sariling napatango si Carlito sa naging tugon ng babae.

"Maybe. Siguro nga hindi ko na dapat pa siyang guluhin." nakatungong usal ng lalaki saka sumandal sa upuan.

Ilang minuto pa sila nagkuwentuhan hanggang sa biglang tumayo si Stacie at nagpaalam.

"Sige na, aalis na ko. I need to buy something at the mall. So I guess I'll see you nalang. Dito kasi ako magdi-dinner sabi ng Dad mo eh alam mo namang malakas si Tito Don sa akin. Kaya kita nalang tayo mamaya. Bye, crying bae." Kumindat muna ang babae bago niya inasar ang binatilyong si Carlito, natawa na lamang ang binata sa ginawa ng babae.

Pagkaalis ni Stacie sa bahay ng pamilya ni Carlito ay namili na nga siya ng kaniyang mga kailangan na gamit katulad na lamang ng mga make-up kit, mga bag, iba't ibang klase ng mapormang damit at iba pang mga koloreteng ginagamit niya sa pangsariling kagustuhan.

Kasama naman niya sa pamimili ang isang babae na isang maputing chinita na animo'y taga-America ang dating dahil sa pormahan nitong pang-dayuhan. Matangkad ito dahil sa takong niya, may kapayatan din ngunit sakto lang para matawag na isang sexy na babae.

"You know what Stacie? I really want to ask you something. Why did you have to buy these things eh marami ka naman niyan sa bahay niyo, like ugh." pigil inis na komento ng babaeng kasama ni Stacie.

Kaya medyo nairita rin si Stacie sa babae no'ng sumagot siya rito.

"Huwag ka na ngang magreklamo riyan. Pasalamat ka pa nga isinama pa kita rito and by the way, hindi ba gusto mong makita si Carlito? Now it's my turn to make my bessy proud of me." Napangiti ang babae sa sinabing ito ni Stacie.

The Suitor Of Rose AnnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon