Kabanata 14:
Paglabas kasama Siya.Linggo, alas singko ng umaga.
Maagang gumising si Rose upang makapaghanda siya nang maaga sa pupuntahan niya. Kinagawian na kasi nito na magsimba tuwing linggo kaya siya gumigising ng umaga para makapag-ayos muna siya bago umalis ng bahay. Bahagya pang nagulat ang babae dahil sa biglang bungad ng kaniyang ama pagkapunta nito sa kanilang salas.
"Oh? Ang aga mo naman yatang magising, anak." bati ng may edad ng lalaki sa dalaga.
"Tay, nariyan ka pa po pala. Magsisimba ho kasi ako mamayang alas nuwebe, kaya kailangan ko ng matapos itong mga gagawin ko rito sa bahay para walang problema mamaya pagkaalis ko." magalang na paliwanag ni Rose sa kaniyang ama.
"Ah ganoon ba. Sige, basta umuwi ka bago magdilim ah? Mahirap na kung magtatagal ka pa ng gabi sa daan." payo ng kanyang ama na siyang tinanguan lang ni Rose.
Tumayo mula sa kanyang upuan si Tatay Ernesto at sinabing, "Rose, iha. Aalis na ako nagpahinga lang talaga ako dito, kailangan pa naming maglayag para maraming huli. Mag-iingat ka sa pupuntahan mo, anak." paalam pa ng ama nito.
"Opo, ingat din po Tay." tugon ni Rose Ann saka hinintay na umalis ang ama nito.
Pagkatapos no'n ay tinapos na nga ng dalaga ang lahat ng mga gawain niya sa kanilang bahay. Naligo na siya at nagbihis ngunit hindi niya inaasahan na may naghihintay pala sa kanya sa labas ng tahanan nila.
"Oh, bakit ka nariyan? Hinihintay mo ba ako? Sana nagsabi ka na pupunta ka para hindi ka naghintay dito ng matagal." wika ng dalaga sa kaharap nito.
"Sa totoo lang ay kararating ko lang. Tatawagin na sana kita kanina kaso sumakto naman na paalis ka na kaya hinintay nalang kita rito. Saan ka pala papunta?" pasimpleng tanong ng binatilyo.
"Magsisimba." tipid namang sagot ni Rose.
"Ah, sige tara? Hatid na kita roon, sabay na tayong pumunta sa simbahan." usal ng binata sa dalagang si Rose saka ito tumayo nang tuwid at umakmang bubuksan ang pinto ng kaniyang kulay pulang kotse.
"Sigurado ka ba riyan? Iba na simbahan na pinupuntahan ko." paninigurado pa ng dilag.
"Oo naman, huwag ka na ngang mahiya riyan akala mo naman hindi tayo magkaibigan." nakangiting saad pa nito.
"Oo na, sige. Ito na nga, sasakay na." Kunwaring napipilitang usal ni Rose na bahagya pang ngumiti kay Carlito na siyang bumungad naman sa dalaga sa pinto ng bahay nila.
Sa isang Christian Church nagtungo ang dalawa, isang uri ng simbahan kung saan maraming tao ang kasalukuyang nakaupo at pawang naghihintay na magsimula ang kanilang misa o mas tinatawag nilang preaching ng isang pastor, na siya namang tawag sa lider nila na nagtuturo ng iba't ibang mga aral galing sa bibliya.
Noong nakapag-park na ng sasakyan si Carlito ay nauna na siyang bumaba ng sasakyan, inalalayan niya si Rose palabas ng kotse niya at sabay na tumingin sa lugar kung nasaan sila ngayon.
Pumasok na sa loob ng isang simple at maliit na gusali si Rose, sumunod naman si Carlito sa kaniya patungo sa gusali kung saan pumunta ang dalaga.
"Oh Rose? Nariyan ka na pala," bungad ng isa sa mga tao roon na nakakakilala sa dalaga, isa itong babae na hindi kalayuan ang edad na mayroon sina Carlito at Rose.
"Hi Ate Axy, pasensya na po dahil hindi na ko nakapagsabi na pupunta po ako ngayon dito." nahihiyang paliwanag ni Rose sa babaeng nagngangalang Axy.
"Nako, ayos lang. Ang mahalaga'y narito ka, dumalo ka rito." tugon sa kanya ni Axy na tinapik pa ang parehong balikat ni Rose Ann.
"Ay, oo nga po pala Ate. Si Carlito nga po pala, matalik ko hong kaibigan." pakilala ni Rose kay Carlito sa babae.
BINABASA MO ANG
The Suitor Of Rose Ann
Ficção HistóricaA teen fiction story of a girl who named, Rose Ann. --- Si Rose Ann ay isang babae na never pa nagkaroon ng ideya tungkol sa salitang, pag-ibig. Paano kaya siya magkakaroon ng kaalaman ukol sa salitang ito? How can his suitor/s make her believe tha...