Kabanata 10:
Akin siya, akin ka.Maagang gumising si Francisco upang ipaghanda ng pagkain ang kanyang kapatid na babae at nang matapos siya ay tumungo ito sa banyo kung nasaan ang kaniyang kapatid.
"Angel!" pasigaw na tawag niya na marahan pang kinatok ang isang pinto.
"Oh, bakit Kuya?" Narinig ni Angge ang pagkatok ni Kiko sa pinto ng banyo kaya napahinto siya sa kanyang pagkanta at malumanay na nagtanong sa Kuya niya.
"Bilisan mo na riyan dahil ako ang maghahatid sa'yo sa 'yung eskuwelahan mula ngayon!" Mayabang pang sigaw nito. Palihim pa siyang ngumiti sa sinabi niya sa kapatid.
"Hala, bakit naman Kuya? May ginagawa na ba si Mama?" takang tanong ng taong nasa loob ng banyo.
"Wala naman, gusto lang kitang ihatid." depensa ni Francisco ngunit ang totoo ay may nais lang siya makita sa paaralan ng kapatid.
"Kuya naman! Inistorbo mo lang ako dahil lang dyan? Wait nga, patapos na ako eh."
"Ang tagal mo kasi kumilos eh," reklamo ni Kiko sa mabagal na kapatid.
At mula roon binilisan na nga ni Angel ang pagkilos nito saka pinakuha sa kuya niya ang uniporme niya. Iniabot naman ng kuya nito ang uniporme sa kanya. Nang matapos ay kusang lumabas ng kuwarto si Kiko at doon na nag-ayos ng sarili si Angel.
"Okay na ako Kuya," saad pa nito habang pababa ng hagdan.
"Pumunta ka na rito Angge! Kakain na tayo," yaya sa kanya ng Kuya niya.
Pagkakita niya kay Kiko na ngayon ay nasa kusina ng kanilang bahay ay kaagad niya itong inusisa. "Kuya, anong nakain mo?" takang tanong nito na tumitig pa sa mukha ng nakatatandang kapatid niya.
"Wa-wala." Iwas namang sagot nito na inabala ang sarili sa paghahain ng pagkain nilang magkapatid.
"Weh?! Kuya, hindi mo ko maloloko. May nagugustuhan ka sa school namin 'no? Nandoon ba 'yung bago mo ha, Kuya? Ipakilala mo naman ako baka naman," tukso ni Angel sa Kuya nito.
"Hindi ko na kailangan pang ipakilala siya sa iyo Angge dahil... isa siya sa mga kaibigan mo." tugon ni Kiko saka ito ngumiti sa kapatid.
"Ha? Alin sa kanila, sino?" kunot-noong tanong ni Angel na umasta pang napaisip.
"Ah basta." nasambit nalang ni Kiko.
"Ahm, siguro 'yong nakasabay kong pumasok ano?" paninigurado ni Angel dahil may kutob siya na baka siya yung tinutukoy nito. May ideya na kasi si Angel kung sino ang maaaring magustuhan ng kaniyang Kuya Kiko.
"O-oo" nautal na usal nito.
"Nyay! Mukhang tinamaan ka roon ah? Nauutal ka na, hahaha!" panunukso muli ng nakababatang kapatid.
"Tingnan mo ito kaya ayaw kong nagsasabi sa'yo eh." waring dismayadong saad ni Kiko.
"Sus! Nahihiya ka na ba sa akin ha, Kuya? Ayaw mo no'n tutulungan kitang mapalapit doon kahit na maraming may gusto sa kanya, mapili kaya 'yong babaeng 'yun. Ipakilala kita sa kanya Kuya? Kung gusto mo lang naman..."
At dahil sa naging tugon na ito ni Angge ay nakaramdam ng pagkatuwa si Kiko at dahil doo'y sinabi ni Angel ang plano nito para sa dalawa.
"Ay... sige, sige. Gusto ko iyan." Bakas sa boses ng binata ang pagkasabik na makilala ang dalaga. Dalagang nakabangga niya lamang noon sa daan at ngayon ay parang siya na ang mukhang tinamaan.
BINABASA MO ANG
The Suitor Of Rose Ann
Historical FictionA teen fiction story of a girl who named, Rose Ann. --- Si Rose Ann ay isang babae na never pa nagkaroon ng ideya tungkol sa salitang, pag-ibig. Paano kaya siya magkakaroon ng kaalaman ukol sa salitang ito? How can his suitor/s make her believe tha...